Ang dami pang tanong ni Papa at ni Mama kay Loren. Si Loren naman ay walang sawang sumagot sa parents ko. Hindi nga nagalaw ang meryenda na hinanda ko sa kanila.
Napabisita sina Mama dahil dinalhan nila ako ng bigas. Hindi pa harvest season ng palay sa amin pero ang sabi ni Mama ay baka maubusan daw kami ng palay ngayon dahil ibebenta nila. Si Loren ay sinabihan sina Mama na bibili daw siya ng limang sako ng palay para sa aming dalawa.
Hindi ko alam kung ano ang plano ni Loren pero hindi ko naman siya pinigilan.
"Kapag may mangyari sa anak ko. Kapag pinaiyak mo yan, humanda ka sa akin."
"No sir."
Umuwi sina Mama at Papa ng alas kwatro. Ang sabi ay sa susunod na buwan ay bibisita sila para ibigay sa amin yung palay. Hinatid ni Loren sina Mama hanggang do'n sa terminal ng bus. Tiyak na makikita siya ni Kuya dahil nandun daw si Kuya sa terminal. Parating daw si Kuya galing El Paso.
Nakahain na ako ng pagkain nang bumalik si Loren sa apartment. Diretso siya sa kusina.
"Pakainin mo muna ang mga alaga natin." Utos ko sa kanya. Nakatayo lang siya sa tabi ng sink at tumutulong sa akin kahit hindi naman kailangan.
"Ah yes. I almost forgot them." Kinuha niya ang cat food nina Lelo.
Sinaway ko siya na hindi pwedeng damihin yung cat food sa feeding bowl dahil minsan ay hindi nila nauubos. Iinom pa ng tubig. Pagkatapos ng pagpapakain sa mga pusa ay kami naman ang kumain ng dinner.
Umakyat muna si Loren papunta sa kanyang apartment para magbihis. Nakaligo din ako pag-akyat niya. Medyo natagalan siya dahil ang sabi niya ay naglinis daw siya ng kalat. May tinapon siya na basura sa labas hindi naman nagtagal sa labas. Pagdating sa loob ng apartment ko ay may dala na siyang ointment. Nangunot talaga ang noo ko.
"Aanhin mo yan? May masakit ba sayo?" Umupo kaming pareho sa sofa. Hinila niya kasi ako sa tabi niya.
"Ano bang masakit sayo? I massage you."
Don't tell me na imamassage niya ang ano ko?!
Bago pa man ako mainis sa kanya ay pinalo ko siya ng cushion.
"Hindi naman matatanggal yung hapdi Loren! Ang bobo mo talaga.
Nanlaki ang kanyang mga mata at nalaglag din ang kanyang panga. Pero nagbago yun agad. Hinila niya ako ulit para makaupo sa hita. Nagpatianod ako. Nakaupo na ako sa kanyang hita na kaharap siya.
He kissed my nose. I crinkled my nose. I groaned when he kissed me again on my lips. Linayo ko ang mukha ko sa kanya dahil alam ko na palapit na ulit kami sa kalangitan.
"Loren. Hindi pa maganda ang lagay ko ha." Sikmat ko sa kanya.
Ngumisi siya at hinagkan na naman ang labi ko.
"Stop."
One last kiss and he let my face go. Pero hawak pa rin niya ako. Mahigpit pa.
"We won't do it tonight. I know you're still sore down there." Kagat-labi niyang sabi. Nakangisi pa.
"Tigilan mo ako." Inarapan ko siya.
Yung utak ko ay hindi pa rin naaalis ang nangyari sa amin kanina. Nag-aalala man ako pero pilit ko pa rin na inaalis sa aking isipan.
"What do you think about earlier? Hindi ka gumamit ng condom diba? Paano kung..."
"Paano kung mabuntis ka? Then that's better para makasal ka sa akin."
"Loren!"
Napaangat ako dahil sa lakas ng halakhak niya. Umiwas ako sa kanyang hita pero kinabig niya ako ulit sa loob ng kanyang yakap.
![](https://img.wattpad.com/cover/262428563-288-k485795.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomanceHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...