May mga natutunan ako kay Loren kahit minsan ay palagi siyang hindi nagtitino na kausapin. Yung mga natutunan ko sa kanya ay kung paano mapamalakad ng maayos ang business ko. May sarili silang negosyo kaya minsan ay dumidikit ako sa kanya para humingi ng advise sa negosyo.
Business Ad naman ang pinag-aaralan niya. Ako kasi ay parang walang kwenta yung pinag-aralan ko. Kung genius lang siguro ako ay baka bilyonarya na ako. Kaya lang ay hindi. So sad.
Yung plano ko na makapagtrabaho abroad ay binalewala ko. Mas maganda kaya ang opportunity dito sa Balenciaga kaysa sa abroad. Maho-homesick lang ako.
Nakaantabay lang ako sa counter. Kanina pa akong umaga ganito. Kunti lang ang mga customer na lumalapit sa shop.
Kagabi lang ay kasama ko pa si Loren. Ayon at nakikain na naman sa apartment ko. Napapadalas ang pagkain niya sa apartment ko kahit alam ko naman na afford niya na kumain sa mamahaling restaurant. Ewan ko ba at bakit ganun yung tao na yun. Pwede naman kasing sa ibang lugar siya kumain.
Swerte niya dahil mabait ako. Hinahayaan ko lang siya para walang gulo. Hindi naman siya gumagawa ng ikakasira ng pagkatao niya o sa akin. Na-obserbara ko na hindi naman siya masamang tao at may pakialam siya sa ibang tao.
Yung pagiging supladito at yung pagiging masama ng ugali niya kuno ay maskara lang niya. Unti-unti ko nang nakikita yung soft side niya. Kunti nalang at makikita ko na yung totoong Loren Jazz Falcori na mabait sa akin.
Mabait siya pero ang sabi ko nga ay hindi niya pinapakita sa akin. Pero it takes time naman.
Huminga ako ng malalim nang makita ko siyang papasok na sa loob ng shop ko. Dahan-dahan akong umalis sa counter para asikasuhin siya. Hinanda ko yung as usual niyang order.
Ako naman yung available sa counter kaya ako nalang ang mag-aasikaso sa kanya. Sina Millie ay hindi makaka-asikaso dahil may ibang customer din na pumasok sa loob.
"Napaaga ka ngayon ah?" Bungad ko sa kanya nang makalapit ako sa kanya.
Binaba ko yung order niya sa lamesa sa tapat niya. Nagpasalamat din siya at binigay agad sa akin ang card niya. Pagganyan nag-oorder siya diretso na siya bayad. Hindi na niya pinapaabot pa na maubos ang kinakain niya.
At syempre kapag siya ang bibili, mahal yung mga order niya. Sabi ko kasi sa kanya, hindi na libre yung pagpupunta niya sa apartment at makikain. Yung bayad nun ay binabawas ko sa black card niya.
"Maaga kaming dinismiss ng prof kaya umalis na ako agad. Wala naman akong ibang gagawin doon sa campus." Pabalang niyang sabi habang kinakagat yung pineapple pie.
Pinatong ko yung mukha ko sa kamay ko na nakatukod sa lamesa. "Wala bang program sa school? May narinig kasi ako sa mga estudyante na may program daw ngayon. Para saan naman yun?"
Tumigil siya sa pagkain at nag-isip.
"Ah yung sa program? Hindi naman ako mahilig manuod. Ang papangit din nung mga performers."
"Ang mean mo talaga." Sabi ko na natatawa.
Pareho pala talaga kami. Noong nag-aaral pa kasi kahit noong elementary ako ay hindi ako mahilig manuod ng program dahil ang boring lang. Mas mabuti pang kumain sa canteen, magbasa ng libro sa library o di kaya ay sa rooftop ng school. Masarap tumambay sa rooftop. Kung may rooftop.
"Sipsip naman yung guard sa akin dahil mayaman ako kaya nakalabas ako." Ah so yun pala. Hindi pala sila pinapalabas kapag may event sa school.
Okay so siya na ang mayaman sa pera. Ako kasi ay mayaman lang ako sa tiyaga.
"Wala ka na bang kailangan? May gagawin pa kasi ako." Tumayo ako para pumunta sa kusina.
Nakakunot-noo si Loren na tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomanceHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...