"Ano na naman yang mga pinamili mo? Baka hindi ko yan makain lahat?" Nanhihinayang ako sa mga chocolates at cookies na binili ni Loren. Hindi ko mauubos ang lahat ng ito.
"Pwede mong ipamigay sa mga bata diyan sa katabing apartment if hindi mo maubos." Walang pakialam niyang saad.
Pakiramdam ko ay nagpapatong-patong na ang utang ko sa kanya. I lost count. Kasalanan din naman niya na hindi niya tinatanggap ang bayad ko sa kanya.
Back to school na ulit siya. Humupa na ang bagyo kaninang madaling araw. Pero hindi pa rin ako nakakabalik sa work dahil magpapahinga muna ako saglit. Bukas ay papasok na ako. Magiging okay na rin ako bukas. Sisiguradohin ko na makakapasok ako na wala ng lagnat.
Half day lang si Loren sa school nila dahil katatapos niya lang daw sa semi-final exam nila. Sa susunod na buwan ay finals na nila. So malapit na siyang mag-fourth year. Makakatapos na rin siya sa wakas.
Pagdating niya galing sa school ay binilhan niya ako ng chocolate at cookies. Hindi ko talaga mauubos ang mga ito dahil sa dami. Ang dami talaga ng mga ito.
"Mabuti hindi ka nakita ng mga kapitbahay ko dito. Baka pagtsismisan tayong dalawa." Ani ko.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. "So?"
"So?"
"Ano naman ang problema nila sa atin? Isipin na nila ang gusto nilang isipin. I don't care. Hindi naman natin sila pinapakialaman sa mga buhay nila." As far as I know...nangingialam ka dati. Hindi na ba ngayon?
Umupo nalang ako sa isang silya sa kusina. Tingin ko palang sa mga cookies ay nabubusog na ako. Di bale yung mga chocolates ay hindi gaanong marami. Sneakers lang ang binili niya pero dalawang supot. Yung cookies ay nasa box pa mismo. Mamaya ay tatawagin ko si Ashton para saluhan ako sa pagkain. Matutuwa yung bata na yun.
"Did I interrupt you?" Umupo din si Loren sa tabi ko. Kumuha siya ng isang sneakers. Yung iba ay pinasok niya sa ref.
"Hindi naman." Umiling ako at nagtanong sa kanya. "May glass jar ka ba sa apartment mo? Pwede akong makahingi?"
"Why?"
"Ilalagay ko lang yung mga chocolates at cookies dun. Baka kasi langgamin e." Sabi ko. Linagay ko lang muna sa lamesa ang ibang cookies na hindi pa nabubuksan. Actually hindi pa lahat bukas pero alam ko mamaya niyan ay kakain si Loren.
"I don't have one. But I go buy for it later."
"Huwag na! Gagastos ka na naman Loren!" Mabilis kong tanggi sa kanya.
Tumawa siya. Kitang-kita ko yung kislap ng mga mata niya. "Okay lang. As long as ikaw ang gagamit okay lang."
"E Loren, sobra na nga itong mga pinamigay sa akin e. Paano ako makakabayad niyan kung hindi mo ako papabayarin sa mga utang ko?"
Nagdilim ang kanyang tingin sa akin. "Hindi naman ako naniningil. Bigay ko lang ang mga ito sayo kaya huwag ka nalang umangal okay? Kung hangga't kaya kong ibigay sayo ang kaya ko ay ibibigay ko. Huwag mo lang akong pigilan."
Parang may sumabog sa dibdib ko at mabilis na naghabolan ang tibok ng puso ko. Parang nabingi ako sa bilis ng kalabog nito. Tumikhim ako para hindi niya mahalata na hindi ako komportable sa kanya.
Umalis ulit si Loren papunta na sa itaas. Doon na sa apartment niya. Lumabas ako sa apartment at hinanap si Ashton. Ibibigay ko sa kanya ang isang cookies na bigay sa akin ni Loren.
Nang hindi ko mahanap si Ashton ay kumatok nalang ako sa apartment nila para ibigay nalang sa Mama niya. Baka nasa school pa ang bata.
"Hi Ate Esmee, paki bigay nalang po kay Ashton itong cookies. Medyo madami kasi ito kaya hindi ko maubos." Binigay ko yung isang box ng cookies kay Ate Esmee.
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomanceHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...