Nakakabingi ang ingay sa loob ng basketball court. Ang daming mga tao ang willing manuod ng laro. Mga taga-labas ng CU ang ilang nanunuod. Play off palang ito pero parang pang-championship na ang laro.
Nandito lang ako sa gilid pero nasa pangalawang benches ako. Dito yung pwesto na sinasabi ni Loren. Dala ko ang duffel bag niya. Do'n dapat nilalagay ni Loren ang gamit niya sa tabi ng iba niyang ka-team pero ayaw niya. Gusto niya ay dapat ilagay sa tabi ko para daw makalapit din siya sa akin.
Ito na yung araw ng play off na sinasabi niya. Manalo man o matalo ay ayos lang naman daw sabi ni Loren. Binigay naman nila ang best nila. Pagstart ng laro ay ang daming naghiyawan. Pumapalakpak lang ako. Ayokong humiyaw dahil ako yung maaapektuhan. Boses ko yung mauubos. Kung ano ang nakita ko sa practice ni Loren ay yun ang nakikita ko sa ngayon. Ang bilis niyang tumakbo at ang bilis niyang maipasa sa mga ka-team niya. Kahit ipikit lang ang mata niya habang ipinapasa ay kayang-kaya niya. I clapped my hands nang makashoot si Loren. Ang galing talaga. Sure na ako na mananalo sila.
Handsome Sparrows ang panalo sa laro. Syempre walang iba kundi ang team nila Loren, ang CU.
"Congrats. Hindi ka ba sasama sa victory party ng team niyo?" Tanong ko habang nag-aayos siya ng gamit. Paalis na rin kami. Natagalan lang dahil ang dami pang nagpapapicture sa kanya. Magseselos na nga ako kaya lang ay idineklara niya na may girlfriend na siya kaya aalis na siya sa Handsome Sparrows.
Umiling siya at ngumisi. "Magla-lunch pa tayo diba? Lunch tayo. Nagugutom na ako." Aniya't nagpaalam muna siya sa kasamahan niya.
Pagkatapos magpaalam ay sumama na siya sa akin papunta sa labas.
Sa coffee shop na kami kumain ng lunch. Nagpaluto lang ako kay Millie at yun na ang kinain namin. Pasado alas dose na rin at kumakalam na yung sikmura namin.
"Busy ka tomorrow?" Biglang tanong sa akin ni Loren.
Tumingin lang ako sa kanya saglit pero binalik ko na ulit ang tingin ko sa pagkain.
"Dito lang yata ako sa shop. Bakit? May gagawin ka ba?"
Umiling siya. "Just asking. Magsusulat lang ako tomorrow. Finals approaching." Aniya.
Kailangan na talaga niyang mag-aral para sa finals. Ilang weeks nalang at second sem na. Kunting gapang nalang talaga at makakatapos na siya. Hindi biro mag-aral kaya dapat ay seryoso ka. Dapat pag-ihihan. Hindi na kailangan yung mga awards. Noong nag-aaral pa ako ay wala naman akong awards. At heto nga ay nakapag-graduate nga ako ng maayos kahit hindi honor.
"Sa tingin mo, gagraduate ka ba na cum laude? Matalino ka naman."
"Matalino ba?" Napatango ako. Ngumisi naman siya. "Ayokong makipag-kompetensya sa mga immature kong kaklase. Ang dami nilang gustong maabot ang titulo na yan, makikisali pa ba ako. Tama na yung ikaw ang maging award ko."
Dumaan kami sa wet market para mamili ng gulay. Nakakamiss kumain ng gulay dahil puro nalang kami karne ng baboy o manok. Namili din kami ni Loren ng isda para maiba din ang kakainin namin mamayang dinner.
"Akala ko ay manunuod ka ng laro. 1pm na." Sabi ko at tumingin pa sa cellphone ko kung ano na yung oras. Nakauwi na kami sa apartment.
"No. I just stay here. Laro lang naman nila yun. Besides, I'm tired so I'm gonna sleep in your apartment. If it's okay with you."
"Okay lang naman sa akin."
Ngumiti si Loren sa akin at ginulo ang buhok ko. "Thank you Nona."
Pagpasok namin sa apartment ay yung mga pusa agad ang nilaro niya. Linagay ko lang muna sa fridge yung mga gulay at isda para hindi mangamoy at malanta. Nagbihis na rin ako ng damit dahil malagkit na sa katawan yung pawis.
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomanceHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...