Pagdilat ng mga mata ko ay siyang pagtilaok din ng kamanokan sa kapitbahay. Pumupuslit na ang sikat ng araw sa bintana. Bigla kong naalala si Loren. Napabalikwas ako ng bangon. Agad kong inayos ang sarili ko. Naghilamos muna ako at nagmumog bago ako lumabas ng kwarto. Ang una kong ginawa ay sinilip ko ang kwarto niya kung nasa loob ba siya. Nakahinga ako ng maluwag dahil nasa loob siya. Nakadapa habang nakapikit pa ang mga mata.
Napangiti ako at pumasok ng tuluyan sa kwarto niya. Sinarado ko yung pinto at humiga ako sa tabi niya. Nakaawang pa ang kanyang labi. Nakaharap siya sa may harap ng pinto kung saan din ako pumwesto katabi niya. I combed his hair. Tinabig ko ang buhok na nakaharang sa kanyang makapal at matiim na kilay. Ako man ay nai-insecure sa kanyang pilik-mata. Hindi kasi mahaba yung sa akin. Kumapit ako sa kanyang batok at linapit ang aking mukha. Sumiksik ako pa ako sa kanya. Lasing ito siguro dahil mas maaga pa itong nagigising sa akin kung hindi nakakainom.
Nakatulog ako ulit sa tabi ni Loren. Paggising ko ay nakakulong na ako sa bisig ni Loren. Tulog pa siya. Pagtingin ko sa wall clock ay 7:25 palang. Akala ko ay tanghali na. I peaked a light kiss to his lips at marahan kong kinuha ang braso niya mula sa aking bewang, mahigpit niyang pinulupot yun. Siguro ay nagising ito nang maramdam na may katabi na siya.
Bumaba ako sa kama at naglakad papunta sa kwarto ko. Kumuha ako ng damit pambahay at sa banyo na ako dumiretso pagkatapos. Ilang minuto lang ang tinagal ko sa loob ng banyo dahil nagutom ako bigla. Paglabas ko sa kwarto ko ay saktong palabas din si Loren. Nagtaka ako, naligo na siya agad.
"Hi." Nakangiti niyang bati.
"Nakaligo ka agad? Akala ko ba tulog ka pa?" Hindi pa rin nawawala sa akin ang pagkataka.
"I woke up when you left my room. Hindi na kasi kita naramdaman pa."
"Ah."
"Let's get grab some breakfast please? I'm starving." Inakbayan niya ako pababa ng hagdan.
Tahimik ang buong bahay ng bumaba kami ni Loren. Hindi namin nakita sina Mama. Sumilip muna ako sa likod, hindi ko sila nakita.
"Hey Nona. There's a letter on your ref. Ang sabi ay pupunta daw sila sa farm. Which farm babe? Sa Casagrande ba?" Binasa ko yung sulat na sinabi niya. Wala naman kaming farm sa Casagrande. Umiling ako sa kanya.
"Dito lang sa El Paso. Wala naman kaming lupa sa Casagrande."
"Right."
May niluto si Mama na sinangag. Nagluto na rin ako ng hotdog para pandagdag lang sa breakfast namin at gumawa din ako ng pancakes. Nakakamiss yung pancakes. Si Loren yung nagtimpla ng chocolate milk para sa aming dalawa. Gusto kong bigyan ang pamangkin ko ng pancakes kaya lang ay baby pa yun. Hindi pa pwedeng kumain ng pagkain. Sarado din ang bahay nina Kuya.
Nang matapos kaming kumain ni Loren ay nagpasya kaming mamasyal. Sabi ko sa kanya ay sa El Paso plaza nalang kami dahil walang mall dito sa El Paso. Sa Casagrande lang ang mayroon. The day next tomorrow we'll finally go home. Hindi na ako makapaghintay na makauwi sa amin though mamimiss ko naman itong bahay namin especially my parents pero matanda na ako at alam ko na kung paano tumayo sa sarili kong mga paa.
Sakay ng jeep ni Loren ay pumunta kami ng plaza. Ang ganda ng plaza at ang linis pa. Hindi marami ang tao. Maaga pa kasi at mamaya nun ay dadami na ang mga tao, siguro ay mamayang hapon pa.
Madami pa ang mga puno dito sa El Paso plaza dahil kunti palang yung mga gusali. Mula dito sa plaza, pagtawisd ng kalsada ay pwede ko lang lakarin ang gate papunta sa unibersidad na pinasukan ko noong college. Tiyak na mapupuno yung plaza mamaya dahil ang daming estudyante na tatambay. 8:00 palang naman ng umaga.
Naghanap kami ni Loren ng bench na malapit lang sa puno. Para kapag uminit ay hindi kami lilipat. Hindi kami bumili ng pagkain dahil kakatapos palang naming kumain.
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomantizmHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...