Chapter 16

235 3 0
                                    

Tinulungan ako ni Loren na ligpitin yung kalat namin pagkatapos kumain. Siya na ang nagtapon nito sa labas dahil papasok na rin naman siya sa loob ng kwarto niya. Ako naman ay naiwan sa loob ng kwarto ko at naupo. Nagpahinga ako dahil busog na busog ako.

Nakakaantok na nga pero bawal ang matulog kapag busog. Hindi madadigest ng maayos ang mga pagkain kapag nakahiga.

Walang tv sa loob ng kwarto ko kaya medyo na bored ako. Nakakatamad ding magcellphone dahil ang sakit din sa mata kung minsan. Nagpasya akong lumabas nalang mula sa kwarto ko at maglakad-lakad sa labas. Hindi pa naman madilim kaya ayos lang.

Yung dalawang babae sa reception area ay may kausap ng lalaki. Turista din yata dahil may dalang bag at kukuha yata ng isang kwarto.

Hindi ko nalang sila pinansin ulit at lumabas na. Amoy ng dagat ang sumalubong sa akin paglabas ko ng inn. Sa sobrang hangin ay sinikop ko ang buhok ko para itali. Ayokong magkalat ang buhok ko at magmukhang bruha.

Naupo ako sa buhangin sa may ilalim ng puno ng niyog dahil doon lang ang hindi nasisikatan ng araw. Alas kwatro palang ng hapon at medyo mataas pa ang araw. Mainit pa din ang panahon. Hindi na sana ako umaasa pa na pumunta dito kung hindi lang kay Loren Jazz.

Yung lalaki na iyon talaga.

Wala siyang naibanggit sa akin tungkol sa pamilya niya. Except dun sa Kuya niya daw na mas masama ang ugali. Mabuti nalang at inangkin talaga niya na masama ang ugali niya at hindi niya iyon tinanggi. Parang proud pa nga siya eh.

Ano ba kasi ang lugar na ito? Kaunti lang ang mga tao. Akala ko talaga ay puno ang mga tao sa beach na ito. Mali pala talaga ako. Pero mas okay na rin ito kaysa sa maraming tao  dahil maingay at wala ako sa pwesto na ito kung sakali man.

Napapikit ako dahil sa sarap ng hangin. Ang ganda lang talaga ng ganito. Yung magrerelax ka talaga na walang anong hadlang. Lulubos-lubusin ko na ito dahil sa Lunes ay balik trabaho na naman kami. Balik sa dating gawain. Kung marami sana akong pera ay aaraw-arawin ko ang pagrelax.

Bumalik ako sa inn pagkagat ng dilim. Kung hindi nagdidilim ay hindi rin lalabas ang mga tao. Pagbalik ko sa may kwarto ko ay saktong nakita ko si Loren na palabas ng kwarto niya.

Kumunot ang noo niya nang makita ako na nasa labas. Hindi niya siguro alam na lumabas ako. Kagigising lang siguro niya. Namumungay pa kasi ang kanyang mga mata.

"Where have you been?" Tanong niya habang kinukusot ang kanyang mga mata.

"Sa labas. Nagpahangin lang." Turo ko sa labas. "Ikaw? Kagigising mo lang ba?" Tanong ko at naglakad ako papunta sa harap para buksan ang pinto.

Nakita ko naman na tipid siyang tumango. "Yeah. Gutom ka na ba? Kung gusto mong kumain sabihin mo sa akin. Kukunin ko lang ang card ko."

"Hindi pa ako nagugutom Loren. Kakakain lang natin diba?" Mabilis akong tumanggi.

Marunong din naman akong mahiya. Siya na nga ang nag-order kanina. Nakakahiya na rin talaga dahil libre na nga pagpunta ko dito pati ang kwarto ko. Ayokong maspoiled sa kanya dahil baka masanay ako. Mahirap na.

"Ako naman ang magpapahinga. Ikaw naman ang maglibot sa labas." Papasok na sana ako sa loob ng hawakan niya ang siko ko.

Napatigil ako. Liningon ko siya. "Bakit?"

Hindi siya agad nakasagot. Hindi niya pa tinatanggal ang pagkahawak sa akin. Naiilang ang kanyang tingin sa akin. Alam ko yun dahil kahit nakatingin ang kanyang dalawang mata sa akin, hindi pa rin ito mapirmi. Parang napipilitan lang siya na tumingin sa akin.

Nakikiliti ako sa hawak niya. Gusto kong bumitaw pero hindi ko kaya. Parang gusto ng katawan ko na dumikit sa kanya.

Napalunok muna si Loren bago tuluyang nagsalita. Dahan-dahan niyang binitawan ang kanyang kamay sa aking braso. Parang nanindig lahat ang mga balahibo ko.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon