"Kumuha ka nalang ng sarili mong pagkain. Nakakainis ka na ha. Feeling close ka naman."
Kanina ko pa sinasaway ang lalaki sa harapan ko. Halata naman na nakikikain siya sa akin. Nauna kaya siya sa akin kaya bakit pa siya nakikiagaw sa pagkain ko. Naiirita na talaga ako.
Eto ngayon, siya lang ang nakaubos ng tteokbokki dahil masyado siyang nasasarapan sa pagkain ng iba. Marami pa nga sa labas.
"Kumuha ka nalang kasi sa labas." Nagkamot na ako sa ulo ko sa sobrang irita.
"Ayoko nga. Nakakatamad nang lumabas. Ayoko rin sa maingay na lugar."
"Oh bakit ka nga nandito kung ayaw mo pala sa maingay na lugar."
"Invited ako eh."
Hay, rason niya talaga. Napakaluma na style. Hindi ko pa nga siya kilala ng lubusan pero kung makaasta naman. Parang close friend lang?
Malalim akong bumuntong hininga at binaba ang kubyertos sa ibabaw ng pinggan. Dinala ko ang ginamit ko na pinggan at dinala sa sink para hugasan. Napatigil naman sa pagkain si Loren. Nagtataka at hindi makapaniwala na tumigil ako sa pagkain.
"Hugasan mo yung pinagkainan mo. Nakikikain ka lang eh." Dalawang pinggan na may laman na pagkain yung sinerve ni manang sa akin kanina. Kaya siguro tinamad si Loren na kumuha at nakikain nalang.
But seriously did he just dine with me? It's unexpected. First di kami magkakilala—Oo pinakilala niya sa akin ang name niya pero hindi niya alam ang name ko. Ang alam lang niya ay ako ang owner ng coffee shop.
Narinig kong umatras ang silya. Tumayo siya. Lumapit siya sa akin at linapag ang pinggan na ginamit niya.
"Paki hugasan na rin nito Ma'am coffee shop owner. Hindi ako marunong maghugas ng pinggan." Ah nakalimutan ko pala na mayaman pala siya.
Padabog kong kinuha ang pinggan niya. "Nakalimutan ko, may black card ka nga pala kaya mayaman ka at hindi ka marunong maghugas ng plato."
Hininaan ko lang ang boses ko para hindi niya marinig. Mabuti nalang at tatlong metro ang layo niya sa akin. Kumuha na naman siya ng panibagong baso. Napailing nalang ako at kumapit ako sa pasensya ko.
Kunting pasensya lang at makalabas din ako sa kusina na ito. Kapag matapos na ako sa paghugas ay pwede na akong lumabas at tumambay nalang sa gilid.
Pareho kaming tahimik sa loob ng kusina. Hindi siya nagsasalita, malalim yata ang iniisip. Sinubukan ko na lumingon sa kanya. Malalim nga ang iniisip dahil nakatingin lang siya sa sahig. Tinapos ko nalang ang paghuhugas sa pinggan.
"Hey... I came here nga pala to say my apologies to you para sa hindi magandang asal ko noong nakaraang araw." Dinig kong sabi niya. Mabuti nalang at natapos na ako sa paghuhugas. Kung hindi ay baka nabasag ko na yung hawak ko na baso.
Nagpunas ako ng kamay. Lumingon ako sa kanya. Nakita ko na parang hindi siya komportable dahil sa sinabi.
"Sincere nga ba yan?" He diverted his gaze and landed it on the floor instead.
"Uh...yes? Hindi lang ako sanay na makihalobilo sa mga tao kaya minsan nagsusungit ako." Pagrarason niya. Dalawang kilay ko ang nag-angat sa sinabi niya. Hindi pa rin ako kontento sa sinabi niya.
"So bakit ka pumunta dito kung ayaw mo pala sa mataong lugar? Huwag mong sabihin na nakikikain ka lang din?" Joke ko.
Agad siyang umiling at dinepensahan ang sarili.
"Of course not. I can buy all those foods anytime I want to. Pinilit lang ako ng mga kaibigan ko isama dito. Girlfriend ng isa sa kaibigan ko si Roah kaya... here I am."
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomanceHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...