Chapter 11

297 6 0
                                    

Ang malas ng araw ko nang mapaginipan ko si Loren. Sa kadami-daming tao sa mundo ay siya pa ang napanagipan ko. Ang sama talaga ng gising ko. Triny ko na ngumiti buong araw pero wala. Nasisira lang ang araw ko dahil iniisip ko palang na pupunta siya sa shop ay nawawala na ang ngiti ko.

Hindi ako makangiti at lalong hindi ako sinisipag na magtrabaho. Dalawang customer palang ang pumasok sa loob.

"Millie. Sa loob lang ako ha." Paalam ko kay Millie na pupunta ako sa loob ng opisina.

Tumango si Millie at naupo din sa may counter.

Pagpasok ko ay timing din na tumunog ang cellphone ko. Umikot agad ang mga mata ko sa ere nang makita ang number ni Andy sa screen ng aking cellphone. Ano naman kaya ang plano ng isang 'to? Kapag dinala na naman ako sa mga party na yan, mapapatay ko na siya.

"Hello?" Mariin kong tawag.

"Hi North!"

"Ano naman ba ang kailangan mo ha? Kapag party na naman yan, hindi na talaga ako sasama sayo."

"Grabe ka sa akin my best friend. Walang party ngayon dahil holy week hahaha." Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Sarap kutusin ni Andrea, nakakagigil.

"Ano bang kailangan mo at bakit ka napatawag ha? Alam mo naman na busy ako kapag nandito sa shop." Kalmado kong tanong.

"May order ako sayo. Strawberry cake lang para sa isang kaibigan ko na nandyan sa Casagrande. May club siya diyan. Yung 1014 ba na club sa kanya yun. Paki-hatid nalang ng order ha. Ako yung bahala sa bayad. Regalo ko yun sa kanya sabihin mo lang na galing sa akin okay?"

"Teka, asan ka ba? Bakit hindi ikaw ang pumunta doon sa kaibigan mo?"

Natahimik muna ang nasa kabilang linya. Nasesense ko na may hindi sinasabi sa akin si Andy. May pinagtataguan ba siya o ayaw lang niyang pumunta sa club ng kaibigan niya? Party girl itong si Andy kaya impossible lang na hindi siya makakapunta.

"Basta ikaw na ang bahala niyan Northy. Sabihin mo lang sa akin kung magkano lahat okay? Bye bye."

Naputol na ang linya. May hindi talaga sinasabi sa akin si Andy. Napatingin lang ako sa phone ko. Gusto ko ulit siyang tawagan kaso lang ay baka hindi niya ako sagutin o di kaya ay hindi siya magsalita sa itatanong ko sa kanya. Kung ano man yun ay mag-dedesisyon muna ako na hindi siya kulitin.

Binaba ko ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa. Sumilip ako sa labas ng pinto at tinawag si Millie.

"Millie, paki-sabi naman kay Julio na gumawa ng strawberry cake. Special order yun para sa kaibigan ng kaibigan ko."

Marahan na tumango si Millie at sinunod ang pinapasabi ko.

"Thank you." Sinarado ko na ang pinto at bumalik sa table ko.

Kinuha ko ang aking laptop na dala ko kanina. Minsan ay hindi ako nagdadala ng laptop kapag marami akong trabaho. Chineck ko kung may nag-email sa akin. Mabuti nalang at wala. Karamihan sa nag-eemail sa akin ay mga kaklase ko lang. Walang kwenta din yung mga pinag-eemail nila dahil panay kumusta lang ang laman ng email nila. Pwede naman sa facebook nalang magkamustahan diba? Ilang buwan palang kami naghihiwalay kumusta na agad. OA lang.

Hindi mo minsan maintindihan ang nga attitude ng mga classmates mo. Mga plastic kasi ang iba.

Noong nag-aaral talaga ako ay plastikan lang kami ng mga classmates ko dahil alam ko na maanghang ang mga dila nila. Hindi ako mahilig makipag-usap kung hindi sina Andy ang kausap ko.

May mga tao talagang ganyan. Pati mga lalaki kong classmate ay daig pang bakla kong makipagplastikan.

Magaling talaga akong umiwas sa mga ganyan. Sa mga taong hindi totoo sayo. Umiiwas lang ako para maka-survive sa pag-aaral. Umiiwas ako para wala silang masabi sa akin na hindi ko magustuhan.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon