Nakaramdam ako ng init sa katawan nang maalimpungatan ako. Akala ko ay may katabi ako sa kama. Pero wala. Mainit ang katawan ko dahil natamaan yata ako ng lagnat. Hindi ko man sinadya na magkaroon ako ng lagnat pero hindi ko gusto ito. Ayokong nagkakasakit ako.
Kahit nanhihina na ang katawan ko ay bumangon pa rin ako. Hindi pa ako nakakakain ng hapunan. Kailangan kong kumain para makainom ako ng gamot at gumaling. Ayokong magkasakit hanggang bukas.
Pagtapak ng mga paa ko sa sahig ay biglang sumakit ang ulo ko. Mariin kong hinawakan ang ulo ko. Umupo muna ako saglit sa kama bago nagpasyang lumabas ng kwarto. Saktong pagbukas ko ay nakita ko na nasa harap si Loren ng pinto. Aakma yata siyang kakatok.
"Hi. Akala ko hindi ka lalabas—hey are you okay?" Hinawakan ni Loren ang balikat ko at pinaharap sa kanya.
Nakapikit ako dahil sa sakit ng ulo. Parang kapag dilat ang mga mata ko ay parang hinahati sa dalawa ang ulo ko sa sakit.
"Mainit ka. Ang taas ng lagnat. Kumain ka na ba?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.
Umiling ako bilang sagot.
"Then you should stay inside of your room. Ako na ang bahala sa pagkain. Kukuha din ako ng gamot para ma-take mo din okay? Come on." Inalalayan niya ako papunta sa kama.
Pinaupo niya lang ako sa kama. Hindi niya ako pinahiga dahil baka makatulog ako ng walang laman ang tiyan. Nag-agree ako sa kanya. Mariin akong napakapit sa ulo ko dahil sa kirot nito. Nakakainis lang dahil natamaan pa ako ng lagnat. Sa isang taon kasi ay minsan hindi ako nagkakalagnat. Tapos ay kapag nilalagnat ako ay pumapayat talaga ako. Hindi naman ako mataba pero ayoko lang na maging stick ang katawan ko.
Hinintay ko si Loren na bumalik sa kwarto ko. Pinalibutan ko ng tingin ang buong kwarto ko. Mabuti nalang at hindi ako burara. Malinis ang kwarto ko. At least wala siyang maipipintas sa akin kapag naglibot siya ng tingin.
Bumalik siya sa kwarto na may dalang pagkain. Kompleto pa talaga dahil may isang basong juice siya na dala. Hindi siya malamig kaya okay lang.
"Pinagtimpla kita ng pineapple juice para hindi ka humina. You know mabuti nalang na mayroon kang pineapple juice powder sa pantry mo. This will help you a little. Kunting rice lang ang kinuha ko para lang may laman ang tiyan mo."
Tinulungan niya ako na maiayos ang upo ko. Kinuha ni Loren ang tsinelas ko na nasa gilid at pinasuot sa akin para daw hindi malamigan ang paa ko. Mahirap kumilos lalo na't masakit na masakit ang ulo ko. Tinanggap ko ang pagkain na ginawa niya para sa akin.
"Masakit ba masyado ang ulo mo?" Tanong niya habang sinusuklayan ang buhok ko.
Naiilang ako sa ginagawa niya. Hindi ko masubo ng maayos ang pagkain. Parang naging mabagal ang takbo ng oras. Hindi ko siya masabihan na pwede umalis lang muna siya sa harap ko para makakain ako ng maayos. Kumuha siya ng panali ng buhok ko na nasa ibabaw lang ng side table. Tinalian niya ang buhok ko.
"Eat. Kahit hindi mo maubos yan okay lang, para lang may laman ang tiyan mo at makainom ka ng gamot." Nakakailang pa rin dahil nakatingin na siya sa akin. Bawat subo ko ay nakabantay ang mga mata niya.
Kumain nalang ako ng dahan-dahan at nagkunwari nalang na wala siya sa harap ko. Kahit nahihirapan ako sa paglunok ng pagkain ay tinitiis ko nalang para lang may laman ang tiyan. Sabi naman niya ay okay lang daw kahit hindi ko maubos.
Binigay ko sa kanya ang tray nang matapos ako sa pagkain. Bumuntong-hininga siya nang makita yung pinggan na kunti lang ang kinain ko. Pinainom niya sa akin ang gamot. Tubig muna ang ininom ko bago ang juice.
"Dapat pagpawisan ka. Ang init mo." Sinalat niya ang noo ko. Nahiga na ako sa kama. "Hindi ko bubuksan yung aircon ha. Siguro ay nagkalagnat ka talaga dahil sa lamig kanina sa shelter. Tapos hindi ka pa nakapagpalit kaagad."
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomanceHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...