Chapter 50

154 5 0
                                    

My breath hitched when I get done doing the house chores. Bago ako umalis para sa trabaho ay naglinis muna ako para hindi na ako maglinis bukas. Aalis kami ni Loren papuntang El Paso. Bibisitahin niya muna ang Mommy niya. Malapit na kasi siyang mag-umpisa sa liquor business nila.

"May naisip ka na ba kung ano ang pangalan ng liquor mo?" Isang beses ay tinanong ko siya kung ano ang pangalan ng liquor business niya. Ang sabi niya ay hindi pa daw siya nakakapag-brainstorm sa pangalan ng future liquor niya.

"I don't know. May naisip na ako pero hindi bagay sa liquor." Tumabi ako sa kanya. One night ay tinulungan ko siya sa brainstorming. Pero wala yatang may bumabagay.

"Dapat ay cool din yung name ng liquor mo."

"I don't know. Walang may pumapasok sa utak ko. Maybe after graduation nalang. May three weeks pa ako before graduation. Inaayos palang naman ang factory sa Jalisco."

"Saan yun?"

"Mexico. Nandun yung factory."

Kumunot ang noo ko. So iiwan niya ako dito? Iiwan niya talaga ako? Kung ipaayos niya ang factory nila ay paniguradong pupunta siya do'n. Maiiwan ako.

"Iiwan mo ako dito?" Natawa siya. Inakbay niya ang isang braso niya sa akin at piningot ang aking ilong.

"Of course not. Pwede akong magwork online then bibisita lang ako do'n. If I visit there kasama ka syempre. Hindi kita iiwan dito." Nakahinga ako ng malalim. Ang paranoid ko na ba?

Inakbayan ko rin siya. Sana ay maging okay yung pagtratrabaho niya sa tequila business niya. Ang sabi niya ay successful naman daw noong unang tayo ng business nila. Pero iniwan daw yun noong naghiwalay ang parents niya. Sa El Paso nalang nanatili ang Mommy niya. Kaya sa Sabado ay pupunta kami ng El Paso. Ayoko mang sumama sa kanya kaso lang ay ang sabi niya ay ipapakilala daw ako sa Mommy niya. Mabait daw ang Mommy niya kaysa sa Daddy niya.

Umakyat kami ni Loren do'n sa rooftop. 7:40 kami umakyat dahil hindi na mainit. Mahirap kapag mainit. Yung panahon pa naman ngayon kapag mainit ay mainit talaga. It's dangerous din dahil nakaka-skin cancer ang init ng araw.

"Whoa! It's so pretty." Bumuga si Loren ng hangin.

Hindi ko napigilan na mapangiti. Umupo ako sa bench. Ang ganda nga ng view dito sa taas. Sayang at nakakatamad lang na umakyat dito kung pagod kami ni Loren. Hindi na talaga kami nakakapunta dito dahil ang dami naming ginagawa pagkakinabukasan.

"Sayang at hindi tayo minsan nakakapunta dito. Ang ganda lang at wala pang lamok." Sabi ko pa. May ilaw dito sa rooftop. Bawat kanto ay may tig-iisang lamp post. Tapos ay may nakasabit pa na mga fairy lights. Walang may nakakapansin dito sa taas dahil hindi alam ng iba na may rooftop kaya ang rooftop ay malinis.

Wala ding lamok dito. Sa taas ay kita namin ang mga ilaw ng mga gusali dito sa Casagrande. Yung motel ay ang daming tao. Palagi lang puno ang motel na yan. Sana lang ay hindi yan malugi.

Nasa railings kami ni Loren. Nanlaki ang mga mata ko nang maupo siya sa barandilyas. Shit!

"Hoy anong ginagawa mo? Baka mahulog ka diyan!" Ako ang kinakabahan sa kanya. Hindi siya natatakot dahil nakuha pa nga niyang tumawa.

"Come. Tabi ka sa akin. Hindi naman nakakatakot." Kinuha niya ang braso ko pero umayaw ako. Ako pa ang niloko niya.

"Ayoko no. Huwag mo akong madala sa biro dahil hindi ako uupo diyan sa tabi mo." Saad ko. Ayoko talaga diyan dahil baka mahulog pa ako.

Humalakhak lang si Loren. Hala tawa lang. Kapag mahulog siya ay bahala nalang. Hindi ko naman kasalanan yun.

"Kapag mahulog ka diyan, bahala ka nalang." Nakasimangot kong sabi.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon