Chapter 07

268 5 0
                                    

"Bumili ka na kasi. Kung hindi ka bumili—"

Padabog niyang kinuha mula sa bulsa niya ang black card niya. Tinapon talaga niya sa harap ko ang card niya.

"Go buy me one. Ikaw naman ang may-ari kaya ikaw na rin ang pumili." Tapos ay tinapat talaga niya ang libro sa mukha niya para hindi ako maka-istorobo sa kanya.

Attitude talaga ng lalaki na ito. Sarap kutisin ng pinong-pino. Pero masaya pa rin ako dahil nahawakan ko na naman ang black card niya. Pumunta ako sa kusina at doon kumuha ng kanyang as usual na order niya.

Pagbalik ko ay ganun pa rin ang kanyang posisyon. Nakasimangot ako habang papalapit sa kanya dala ang order niya.

"Loren." Tawag pansin ko sa kanya.

Binaba niya ng kaunti ang libro para silipin ako. Psh, isip bata talaga.

"Bakit ang dami niyan?" Actually, kulang pa yan.

"Para hindi ka gutumin sa school. Alam ko ang feeling na maging estudyante. Naging estudyante kaya ako."

"At bakit ganito karami? I can't eat all of these."

Daming reklamo naman nitong asungot na'to. "Para sa brunch, lunch, afternoon snack at dinner yan. Sa tingin ko kasi hindi ka marunong magluto kaya dinamihan ko na yan. Marami ka namang pera diba?"

Huminga siya ng malalim at inisang sulyap lang ako. Kinuha ang cup na may lamang paborito niyang kape.

Tinuro niya ang isang box. "What's this?"

"Home-made doughnut ko yan. Swerte mo nga dahil ikaw palang ang nakakatikim niyan. Bigla, ay napatingin siya sa akin. "Na customer, I mean."

Nilagok niya ang caffè. Kahit mainit pa ay ininom niya agad.

"Doughnuts?" Tumango ako sa tanong niya. "Sure ka na masarap 'to?"

"Kaya ko nga hindi ko pa pinapalabas dahil gusto ko ay may tumikim muna. Last week lang namin naisipan na gumawa niyan."

He just nodded but I know for sure na excited siyang tignan yun. Nakabox pa kasi ito.

"Good luck sa school. Baon mo nalang yan. Alam ko na hindi pwedeng kumain during class kaya nakakagutom talaga ang pag-aaral. Eight pieces lang ang laman niyan pero sulit yan sure ako."

Again, I didn't receive a response from him. But that's fine. Sigurado ako na mabubusog din siya. Ako nga mabubusog na ako sa apat na piraso. Siya pa kaya na lalaki? Pero alam ko yung mga bituka ng mga lalaki. Malakas silang kumain.

Iniwan ko na si Loren sa pinakadulo ng coffee shop ko. Marami-rami na rin ang mga customer na nagsisipasokan sa shop. Umalis na rin si Loren pagkatapos niyang kainin yung cake. Pero nag-request pa siya sa akin ng isa pang caffè mocha. Pero utang yun! Matigas kasi eh. Sabi niya ay babayaran naman niya kapag pumunta ulit siya sa shop.

Maraming nangyari sa araw na yun. Ang daming customer dahil Lunes. Mga estudyante ang karamihang pumapasok. Hindi ako masyadong nakakaupo dahil panay ang lakad ko paruon at parito. Kahit sinasabihan ako ng mga trabahador ko na magpahinga nalang ay hindi ko magawa dahil dumadami ang mga tao.

Late na kami nagsara dahil may ginawa pa kami ng anim na dosenang cupcakes para sa isang customer din na may birthday yata o wedding anniversary. Basta pagod kaming lahat. Pag-uwi ko sa apartment ay nawalan ako ng ganang kumain. Naligo lang ako at saka nagbihis at nagpalundag sa kama.

"Bakit hindi kita nakita kahapon? Where have you been?" Hindi pa aki nakakaupo sa harap ni Loren ay kumutab na agad ang bibig niya.

Uminom ako ng kape na dala ko. "Sumakit ang ulo ko kahapon kaya hindi na ako pumasok."

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon