Chapter 52

132 4 0
                                    

Ilang beses akong humugot ng hangin para lang kumalma. Pagpasok palang namin sa loob ng rest house nila ay agad ko ng nakita ko yung likod ng babae. Mommy na yata yun ni Loren. Loren glanced down at me and gave me peppy smile. He held my hand tightly. Para naman akong makakawala niyan.

"Hi Mom." Loren gave his Mother a kiss on cheeks. His Mom smiled.

Napalunok ako nang magawi ang tingin niya sa akin. Akala ko ay makakatakbo na ako papunta sa labas expectations ko. Syempre sa mga palabas ay kapag  ganun na mayaman ang parents mo at pobre ka lang ay masama ang tingin sayo. Pero akala ko lang yun. Hindi pala lahat ng tao ay ganun ang ugali. Hindi pala lahat ng mga mayayaman ay mata-pobre.

"Ito na ba si North? Ang gandang bata naman." Tumayo siya at saka hinawakan ang braso ko. Napasinghap ako dahil sa banayad niyang pagtanggap sa akin.

"Nice to meet you po." Sabi ko sa kanya.

"Nice to meet you too. I knew my son would find a right girl for him." Ang sabi niya sa akin.

I smiled gauchely. Loren guided me to sit down in front of his Mother and he sat next to me.

"Kumain na tayo. Sorry I wasn't able to cook because I was in your Aunt's. Nag-order nalang ako para hindi ma-hassle sa oras." She chimed.

Madaldal si Tita Connie. Ang dami niyang kwento at tanong sa akin. Pero nabigla ako dahil ang dami na niyang alam sa akin. Panay daw ang tanong niya kay Loren at kinukulit niya ang a anak para lang mag-kwento.

"Sorry if I'm so chatty. Na-excite lang ako dahil finally ay may pinakilala na siya sa akin na girlfriend niya. Kahit hindi mo na makilala ang Daddy niya okay na yun dahil hindi naman yun mag-iiinteres."

"Agreed." Her son replied.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ang harsh pala nilang mag-nanay sa Padre ni Loren. Kung ako lang ang tatanungin ay hindi ko naman kailangan na makilala yung Father ni Loren. Hindi ako interesado dun.

"So kailan ka magsisimula? Just tell me when and I will send my secretary to Mexico para makapag-start na rin ang mga tauhan natin. Gusto mo ba na suportahan kita sa financial anak?" Nakikinig lang ako sa usapan ng mag-ina.

I noticed that Tita Connie loved her son so much. Hindi naman spoiled na anak si Loren pero dahil kay Tita Connie naiispoil siya. Sa business nila ay nakikita ko kung gaano kagusto ni Loren na ipatayo ulit ang naiwang business ng Mommy niya. Kung hindi daw palaguin yun ay sayang daw ang lupain nila sa Mexico.

Naging maganda at maayos ang dinner namin dahil si Tita Connie lang ang palaging nagsasalita. Hindi ako makasingit dahil kapag nagtatanong siya ay magtatanong ulit.

"Thank you so much North dahil pinaunlakan mo ang simple na dinner na'to. Thank you so much." Ang soft ng boses ni Tita Connie. Napatango ako at ngumiti sa kanya.

"Thank you din po sa pagkain."

"No problem. At anak, I'm looking forward for another dinner, this time with North's family."

"Sure Mom. Taga-rito naman sa El Paso sila." Sabi ni Loren at umakbay sa akin.

Medyo nailang ako sa kanya dahil kaharap namin ang Mommy niya. Napailing si Tita Connie habang nakangiti. Ngumiti nalang ako kahit gusto ko ng magpalamon sa lupa.

"We'll be back again Mom. Not sure on next week, may aasikasuhin pa din ako sa school and North's probably taking her coffee shop." Ani Loren.

"No it's okay. Ako nalang ang bibisita sayo on your graduation day and of course bibisita din ako sa coffee shop mo North. Loren told me na masarap daw ang mga cakes mo. I love your banana cake, nagdala si Loren last time and I hope matikman ko din ang ibang menu sa coffee shop mo."

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon