Chapter 35

138 4 0
                                    

Huling lagay ko sa strawberry sa ibabaw ng cake na may icing ay siya ring pagpasok ni Loren sa loob ng apartment. Today is his 24th birthday. Pinili niyang mag-celebrate dito sa apartment dahil hindi naman siya mahilig mag-throw ng party sa mga kaibigan kung birthday o kahit anong celebration.

Ang mahalaga daw sa kanya ay buhay siya. As a gift ay nag-bake ako ng cake for him. Wala kasi siyang plano na bumili ng pagkain kahit kunti lang or kahit manlibre lang ay wala. Mayaman pero kuripot. I mean, di naman talaga siya kuripot. Madali lang siyang manghinayang.

"Ilalagay ko lang muna sa ref itong cake para lumamig. Huwag mong galawin ha." Tugon ko sa kanya. Tumango siya kinuha ang nasa glass jar na mga tirang strawberry at kinain.

"Saan ka ngayon?" Tanong niya ulit habang kumakain.

"Bibisita lang ako sa coffee shop tapos bibili ako ng bulaklak sa flower shop."

"Okay."

Akala ni Loren ay ide-decorate ko lang yung mga bulaklak dito sa apartment but I'm actually planning to give it to him. Wala akong maisip na regalo para sa kanya. Marami na siyang mga sapatos, jacket, shirts, relo. Marami siyang pera at bumibili siya kung kailan niya gusto. Hindi ko naman siya pwedeng bigyan ng pera dahil marami siya nun.

Flowers are special and women love flowers. I don't know kung gusto rin yun ng mga lalaki pero I'd try to buy for him. Malay ko kung magustuhan niya kung hindi ay sa akin nalang. Sayang naman.

Aalis din si Loren papuntang school para mag-enroll. August na at dapatag-enroll na siya. Dati ko pa siya pinagsasasabihan na mag-enroll pero tinatamad pa daw siya.

"Okay ba ang mga orders? Kompleto na ba lahat?" Chineck ko pa ang box kung kompleto at kung hindi sira.

"Okay na po Madam. Yung bayad po pala ay binigay na po kay Millie." Sabi sa akin ni Caesar. Siya na ang bahala mag-deliver ng mga inorder para Villa Bona.

"Sige na-check ko na rin yung bayad. Ingat nalang sa pagdeliver."

Nagpaalam na si Caesar para ma-ideliver niya yung mga cupcakes. Pumasok na ako sa loob ng coffee shop para asikasuhin pa yung naiwan kong trabaho sa loob. So far hindi madami yung mga available na sweets dahil hindi pa pasukan. Kung may klase na yung university ay dadagsa na naman ang benta namin.

Nag-scooter ako papunta sa flower shop na 100 steps yung layo sa coffee shop. Tinabi ko ang scooter sa tabi ng palm tree na hindi malayo sa kalsada. Bumili ako ng white roses. Hindi ako pumili ng pula o pink dahil masyadong girly at bumalik na ako sa coffee shop.

Ang sabi ni Loren ay hintayin ko daw siya dahil hindi daw siya magtatagal sa pag-enroll. CU daw talaga ang name ng university na yun. Akala ko naman CU lang— Casagrande University pala. Hindi pa ako nakapasok sa school na yun dahil noong niyaya akong pumunta sa university na yun ay hindi ako nakapunta. Naging busy ako sa coffee shop.

Linagay ko lang muna yung bouquet sa loob ng office ko. Lumabas muna ako sa coffee shop at pumunta doon sa may bani tree . Sa likod at sa bawat side ng coffee shop ko ay may mga puno. Kapag matignan mula sa himpapawid ang buong Casagrande ay hindi kita ang mga bahay o establishment dahil sa dami ng puno. Yung pinakamagandang puno dito sa Casagrande na tinanim ng Local Government ay ang Fire tree or Delonix regia kung tawagin.

Sa ilalim ng narra ako umupo. May ginawa dito si Caesar na bench gawa lang sa kahoy. Kinuha lang niya sa likod at pinagtagpi-tagpi nalang. Mas masarap pa rin sa feeling yung hangin na natural kaysa sa de-kuryente. Sa probinsya lang talaga ang may ganitong hangin na malinis. Kaya ayaw ko sa Maynila dahil masakit sa ulo ang grabeng init, usok at ingay ng mga sasakyan.

Dito sa Casagrande ay hindi rin uso ang pagandahan ng mga damit, sasakyan at mga alahas. Kung anong kayang bilhin ay yun lang ang makikita. Ma-tradisyonal ang mga tao dito. At hindi maingay. Yung mga tsismosa dito ay sa social media lang naman nag-iingay hindi sa harap ng ibang mga tao.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon