I am feeling satisfied when I saw him finishing the very hot and spicy noodles. Sobrang saya ko dahil nakaganti din ako sa kanya. Nakita kong pinagpawisan siya.
Kahit naaawa ako sa kanya ay hindi ko pinakita sa kanya. Dapat sa susunod ay hindi na siya naglalasing ng ganun. Hindi sa ayaw ko siyang papasukin sa apartment ko ang sa akin lang kasi ay okay na yung sampu na tagay. Hindi yung tulak lang ng tulak ng alak sa bibig.
Umakyat si Loren doon sa fourth floor sa apartment niya para maligo. Pinainom ko pa siya ng gamot para sa hangover niya. Humingi lang ako sa kapitbahay ko. Wala naman akong gamot na para sa hangover dahil hindi pa ako nagkakaroon niyan. Kaya para sure ay nanghingi lang ako.
"Okay ka na ba? Hindi na ba masakit ang ulo mo?" Bumalik din si Loren sa apartment ko. May dala siyang cat food. "Ako na diyan." Sabay kuha ko sa cat food na dala niya. Pinakain ko na ang mga pusa namin. Naubos na kasi ang sa akin na para kay Lelo lang yun.
Umupo si Loren sa sofa. Sumandal at ipinikit ang mga mata. Inaantok pa siguro. Lumapit ako sa kanya at kinalabit siya.
"Kung inaantok ka pa ay pumunta ka lang muna sa apartment mo para makatulog ka ng maayos. Siguraduhin mo na wala ka ng hangover paggising mo."
Umiling siya. "I wanna stay here." Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata nang magsalita.
"Bahala ka. Sasakit ang leeg mo kung diyan ka mahiga." At syempre hindi ko siya papapasukin sa kwarto ko. Babae pa rin ako at lalaki siya.
Iniwan ko na siya para makapagpahinga din ako. Parang yung pagod ko sa mga nagdaang araw ay binagsak na sa akin. Gumapang ako sa aking kama at nahiga. Uminom ako ng painkiller para sa sakit ng katawan ko. Bukas ay hindi pa rin kami magbubukas dahil off naming lahat. Deserve din namin ito. Binigyan ko ng bonus ang aking mga empleyado para ganahan na pumasok sa susunod na araw.
Tumabi sa akin si Lelo at Loki. Yung tatlo ay nasa labas at naglalaro—si Levi lang pala dahil natutulog ang dalawa sa carpet.
I slept for two hours. Hindi pa rin naging okay ang leeg ko. Masakit pa rin pati ang kamay ko na hinawakan ni Loren kagabi. Hindi tumalab ang painkiller na ininom ko. Ang malas naman.
Lumabas ako sa kwarto ko para magsaing. Malapit ng magtanghalian. Nadatnan ko si Loren na natutulog sa sofa. Yung paa niya ay lagpas sa armrest ng sofa. Ang tangkad kasi at ang laki niyang tao. Hindi bagay sa kanya na matulog sa sofa ko. Kasya naman ako diyan sa sofa ko dahil sakto lang ang laki ko.
Nagsaing ako. May gulay akong binili at yun nalang ang magiging ulam namin. Gigisingin ko si Loren para kumain. Hindi siya pwedeng hindi kumain. Yung spicy noodles lang ang kinain niya kanina.
Pagkaluto ng pagkain ay nagsandok ako ng kanin para sa aming dalawa para hindi masyadong mainit na kapag kinain namin.
"Loren? Loren." Tinapik ko ang balikat niya para magising siya.
Slowly, he opened his eyes. I smiled at him at niyaya ko ulit siya na kumain.
"Tumayo ka na diyan. Kakain na tayo." Sabay lakad papunta sa kusina.
Narinig ko ang pag-agik-ik ng sofa dahil sa pagtayo niya. Sumunod na siya sa akin.
"Sorry kung gulay ang niluto ko dahil nakakasawa na palaging beef at chicken yung nandito. Mamaya ay pupunta ako sa Seawall para bumili ng isda. Mabuti doon dahil presko pa."
"Sama ako."
"Hindi ka ba magpapahinga?"
Umiling siya at kinuha mula sa akin ang kutsara at tinidor. "Nah. I'm fine now. Enough na yung pahinga ko kanina. Okay na yun." Nagsimula na siyang kumain.
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomanceHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...