Hinati ko ang cake sa dalawa. Katatapos lang naming kumain ng dinner ni Loren. Nilibre niya rin ako sa Spanish restaurant. First date daw namin yun. Nagutom ulit ako kaya hinati ko nalang yung cake. Kunti lang ang nakain ko kanina dahil hindi ako mapakali sa titig niya.
"Don't look at me like that." Saway ko sa kanya sa malamig na boses.
Hindi niya ako pinansin at tumingin pa sa akin ng tumingin. "I like watching you. Ang ganda mo pala."
Namula ako sa sinabi niya. Tinignan ko lang siya ng masama.
He smiled.
He combed his hair rearward. Hinugot niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. Binuksan niya ito at nanlaki ang mga mata ko nang ipakita niya sa akin ang picture ko. Yan ba ang pinagkakaabalahan niya kanina. Habang nasa banyo ay busy siya sa cellphone niya. Yun pala ay inistalk na ang instagram account ko.
"See? Ang ganda mo. May classmate ako na nakakita sa iyo sa coffee shop mo last year. Inistalk ka sa instagram account kaya nalaman ko na may IG ka pala." Nakangisi niyang explain sa akin.
Inagaw ko sa kanya ang cellphone niya. Tumayo ako at pumunta sa sala para hindi niya makuha sa akin ang phone niya. Tinignan ko isa-isa ang mga picture ko-iniscreenshot pala niya saka crinop. Ang tindi talaga.
Habang nag-iiscroll ako sa phone niya ay naramdaman ko nalang ang kanyang mainit na hininga sa batok ko. Yung isang kamay niya ay tinukod sa railing ng balkonahe. Nasa gilid ako kaya hindi na ako makatakas.
Tumikhim ako. Nanginginig ang kamay kong iniscroll ang mga pictures sa kanyang gallery. Kunwa'y tumitingin sa mga pictures niya. Kunti lang yung mga selfies niya.
"Sa instagram ko lang kinuha lahat ang mga pictures mo. Okay lang ba yun Nona?" Linayo ko lang ng kunti ang sarili ko dahil nakikiliti ako sa hininga niya.
"May magagawa ba ako e nandito na'to." Pabalang ko siyang sinagot. I heard his chuckle.
Kinuha niya sa akin ang phone niya. Mas lalong hindi ako nakaalis sa kanyang harap dahil nakaharang na ang kamay niya sa harap ko. Bale yung isang kamay niya na hindi nakatukod sa railing ay siyang humawak sa phone niya na nasa harap para makatingin din ako sa phone niya.
"I like your eyebrows. Pantay at natural na maitim at makapal. Hindi tulad ng iba na ginuguhitan nalang. Kaya huwag mong guguhitan yan ha. Ako ang sisira sa mga lapis na para sa kilay na yan." Hindi ko alam kung bakit ako napaalarma sa banta niyang yun.
"Bakit mo naman gagawin yun ha?"
"Basta."
Pinakita niya sa akin ang kanyang instagram. Kunti lang ang mga post niya do'n pero nasa thousand na ang kanyang mga followers. Ang tindi niya dahil dalawa lang ang finollow niya. Ako at ang kaibigan niya.
Hindi niya pinakita sa akin ang kaibigan niya kahit yung profile lang. Sabi niya ay baka dun ako mainlove sa kaibigan niya at hindi sa kanya.
"Nona." May inabot sa akin na papel si Loren. Nagtagpo ang dalawang kilay ko.
Inangat ko ang papel sa harap niya. "May playoff kayo?" Tumango siya. "Sinong kalaban niyo?" Dagdag ko na tanong.
"Teremana."
"Ah. Good luck."
At dahil varsity player pala itong ugok na ito ay manunuod ako. Pwede daw manuod ang mga taga-labas dahil playoff naman yun.
"Manuod ka okay?"
"Oo naman." Syempre pagkakataon ko na yun na makita siya na maglalaro.
"Ako ang bahala sa mauupuan mo. Sumama ka nalang sa akin sa pagpunta do'n okay?"
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
Storie d'amoreHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...