Chapter 25

154 2 0
                                    

Hindi ko maialis ang tingin ko kay Loren at sa limang pusa na naglalaro sa sala ko. Parang wala silang ibang kasama. Pagkatapos kumain kanina ni Loren ay sa mga pusa siya agad humarap. Pinakain din niya ang mga yun kasama si Lelo.

Habang nakaupo sa silya dito sa kusina ay pinagtitingnan ko lang sila. Mukha kasing hindi sila pwedeng istorbohin. Katatapos ko lang maghugas ng pinggan at mga baso na ginamit namin. Tinapon ko na rin ang mga basura sa trash bin.

Tawang-tawa si Loren na lumapit sa kusina at umupo sa isang silya na nasa gilid ko. Napataas ang kilay ko nang punasan ni Loren ang kanyang pawis gamit ang kanyang t-shirt na suot. Tila ba kasalanan ang tumingin sa kanyang—binaling ko nalang ang tingin ko sa mga pusa. Napalunok ako ng laway. I'm no innocent of this pero baka makita ako ni Loren na naglalaway sa abs niya—kung tama ba yung nakita ko.

Basta, baka hindi ako tigilan sa kakaasar niya. Makapang-asar pa naman siya daig pa ang bata. Ang lakas lang at hindi ka talaga titigilan.

"Hindi pa ba kayo uuwi?" Tumingin ako sa wall clock na kakapalit ko lang ng baterya.

"Pwedeng dito nalang kami matulog?" Agad akong napatingin sa kanya.

"Siraulo ka talaga. Hindi pwede no. Baka makita ka ng landlady at sabihin pa na nag-asawa na ako." At ang dami ding tsismosa sa green house.

Tanging hindi lang tsismosa ay yung katabi ko dito sa apartment ko. Kaya nagkasundo kami agad dahil ang bait niya. Mabait ang mga tao dito sa green house pero mga tsismosa nga lang. Kasama na doon ang mga kaibigan ko na halos ipagtulakan na ako kay Loren.

"Maya nalang. Alas dyes palang naman." Tumingin din siya sa relo niya.

"Pwedeng dito nalang muna si Loki? Wala kasing kasama si Lelo."

"Pwede naman. Bababa naman kami bukas. Wala ka bang pasok bukas?" Tanong niya. Inangat niya ang dalawang siko at linagay sa ibabaw ng lamesa.

"Pwede naman akong hindi pumasok sa shop. Okay naman ang mga tao ko doon. Nandoon naman si Millie."

Tumango siya. "Deal."

Kumunot ang noo.

"Anong deal?"

"Dito ko lang muna iiwan si Loki ngayong gabi basta bukas dito ko lang muna ibibilin sina Levi."

"Okay. No problem." Sabi ko at nagkibit nalang ng balikat.

Dala ang tatlong pusa niya pauwi ay hindi na ako umangal pa sa gusto niya. Nilock ko ang pinto. Natawa ako dahil hindi manlang napansin ni Loki na umalis na ang amo niya kasama ang tatlo niyang mga kapatid. Kinarga ko silang dalawa ni Lelo.

Silang dalawa ang palaging magkasundo. Pareho din kasi silang baby pa kaya yata ganun. Hinalikan ko sila pareho sa tuktok ng ulo nila. Linagay ko sila sa kama para makatulog na kaming tatlo. Pero hindi yata sila nauubusan ng energy dahil laro pa rin sila ng laro. Pinatay ko ang ilaw para magtigil na sila sa kakalaro.

Nakatulugan ko ang dalawang naglalaro sa kama. Pagkaumaga ay parehong nasa paanan ko na sila. Tulog at parang pagod sila sa kakalaro kagabi. Parang wala kasing bukas e. Naiintindihan ko naman si Lelo. Wala siyang kalaro dito sa apartment kaya parang walang bukas kung makipaglaro kay Loki.

Hindi pa sana ako babangon nang maalala ko na bababa pala si Loren dito para ibilin sa akin ang kanyang mga alaga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na mahilig siya sa mga hayop. Paulit-ulit nalang sa isip ko yun. Naghilamos muna ako at nag-toothbrush. Kalaunan ay naisip ko na maligo nalang para malabhan ko ang mga damit ko na marurumi.

Habang tulog ang dalawang pusa sa kwarto ko at hinihintay si Loren na dalhin dito sa apartment ang iba niya pang mga pusa ay naglaba muna ako. Nakakamiss mag-stay in. Ngayon ay nakakaluwag-luwag na ako. Dadalaw nalang ako sa coffee shop mga thrice a week.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon