Madaling araw palang ay nasa labas na ako ng green house. Kakagising ko lang nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tinawagan ako ni Andy na may pinadala daw siyang package para sa akin. Nasa Seattle na pala ang babae na yun. Mabuti at wala ng manggugulo sa akin pagdating sa mga reunion na yan. Malapit na rin ang alumni sa El Paso.
Maliit lang ang package na pinadala niya sa akin. Kaya ko ngang buhatin na mag-isa.
"Salamat po Manong ha." Sabi ko nang kunin ko mula sa guard house ang package.
"Walang ano man Ma'am." Kakadating din pala ni Manong guard.
Dalawa ang security guard sa green house. Salitan lang sila ng isa pang guard. Siya ay sa umaga at yung isa naman ay sa gabi.
Pasikat palang ang araw. I shivered abruptly when the cold breeze passed on me. Mabilis akong umakyat papunta sa apartment ko. Nakasando lang ako at hindi ako nakapagsuot ng sweater.
Binuksan ko agad ang package na pinadala sa akin nang makapasok na ako sa loob ng aking apartment. Ganun nalang ang disappoinment ko nang makita ko ang laman. Paano ba yan? Puro cosmetic products lang ang laman. May lingerie siya na pinadala. Napailing ako. Ibibigay ko nalang ang mga ito kay Mika kapag magkita kami. Yung ibang cosmetic ay ibibigay ko kina Millie para magamit. Mag-eexpire lang ang mga ito sa akin.
Hindi ako mahilig sa mga make-ups. Kunting pulbos lang sa mukha at kunting pahid ng lipstick sa labi. Yun lang at okay na ang mukha ko. May allergy din ako sa eyeshadows kaya sayang lang talaga. Mas okay na siguro kung natural lang. Gumagamit naman ako ng cream sa mukha pero tuwing gabi lang. Sa umaga ay powder lang.
Linagay ko muna ang box sa ilalim ng kama. Kumuha ako ng panibagong tuwalya at nagtungo sa cr para maligo. Habang naliligo ay pinag-iisipan ko kung ang gagawin ko ngayong araw. Tapos naman akong magbake para sa order ngayon. Maghahalf-day lang siguro ako. Gusto kong magpahinga ngayong araw. Deserve ko ang magpahinga.
May nahanap na rin akong dalawang empleyado para sa shop ko. Yung isa ay baker at yung isa naman ay magiging katulong ni Millie para sa mga customers. May mga edad na rin kaya hasa na yun sa trabaho. Yung isa ay bukas na magsisimula at yung isa ay sa Sabado.
At dahil ako naman ang amo ay okay na rin siguro ang magrelax. Kahit anong oras ako pumunta sa coffee shop ay okay lang.
Napag-isipan ko rin kagabi na hindi ko kailangan magmadali sa pagpapalaki ng café. Aabutan pa kasi ako ng ilang buwan para makalikom ng malaking halaga para mapaayos ang shop. Atsaka may dinagdag akong empleyado. Okay lang talaga yun.
Pinatay ko ang shower. Nagpunas ako at binalot ko ang katawan ko ng towel atsaka lumabas na rin mula sa cr. Nagbihis na ako sa loob ng kwarto ko.
Tinunton ko ang kusina pagkatapos kong mag-ayos sa loob ng kwarto. Kumuha lang ako ng ramyeon na binili ko. Nakakatamad magsaing ng kanin at isa pa ay alas sais na. Pag-alas syete ay aalis na ako at pupunta na sa coffee shop.
Paupo na ako sa high chair nang may kumatok sa pinto. Binaba ko ang kutsara. Inayos ko ang suot na t-shirt bago ako tumungo sa pinto.
"Breakfast?" Maagang bungad sa akin ni Loren.
Niluwagan ko ang pagbukas ng pinto. "Tamang-tama, kakain palang ako."
"That's good."
Kusa na siyang pumasok sa loob. Dumiretso siya sa kusina at umupo sa katabing high chair ko.
Isa-isa niyang kinuha mula sa paper bag ang mga pagkain na inorder niya yata.
"First time mong bumili nito ah. Anong nakain mo kagabi at nanlibre ka?"
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomanceHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...