Hindi ako makapaniwala na naubos niya ang pagkain na inorder ko at yung kanin na para sana bukas. Ifafried rice ko yun e. Pero wala na. Naubos na ng dahil sa kanya. Siguro ay binuhos niya ang sama ng loob sa pagkain maya ganun nalang at naubos.
"Thanks God I'm full." Napaismid ako sa kanya. Marunong pala siyang magpasalamat sa Diyos. Akala ko ay sinakop na ng kasamaan ang buo niyang pagkatao.
"Kailan ba ang finals niyo? Parang pang-undas na ang itsura mo." Biro ko sa kanya. I'm trying to lighten his mood. Pero hindi yata umepekto dahil ang sama ng tingin niya sa akin.
"Next next next week." Pero sinagot naman niya ang tanong ko.
Agad akong nagtaka. "Agaran ba?"
"Yeah. Maybe. I don't get them." Tukoy niya sa admin ng school nila.
So magiging busy na si Loren sa mga darating na Linggo. Malapit na pala ang finals nila. Kailangan ay hindi ko siya maistorbo para hindi siya masyadong mastress. I knew the feeling of being disturb.
Tanghali na akong nakapunta sa shop dahil nagtaxi lang ako. Hindi pa rin narerepair ang scooter ko pero pinuntahan na ni Loren ang shop na magrerepair. Sabi ay sa Sabado na daw matatapos. At sagot na ni Loren ang bayad sa shop na yun. Again, wala akong naireklamo sa kanya dahil may favor siya na hiningi sa akin. Sa akin lang muna ang mga alaga niya habang busy pa siya para sa finals nila.
Mamayang gabi ay doon lang muna sa apartment ko sina Lucky, Levi, Loki at Lash. Kinuyom ko ang payong na dala ko at pumasok na sa shop. Tatlong araw akong absent pero namimiss ko yung amoy ng shop. Binati ako nina Millie at Tali. May dalawang customer na nasa kanto. Sinenyasan ako ni Millie na lumapit sa kanya kaya lumapit ako sa counter.
"Oh anong balita? Anong lagay ng shop nitong wala ako?" Agad kong tanong sa kanya. Nginitian ako ni Millie.
"Naku Madam as usual. Mabenta o di kaya ay mahina. Walang pinagbago. Ganun pa rin."
"Okay."
Pinaalam sa akin ni Millie kung magkano ang nailikom sa tatlong araw na absent ako. Medyo malaki din ang pera. Worth it pa rin kahit na wala ako ng tatlong araw.
Nilinis ko muna ang opisina ko bago ako tumambay sa loob. Ang dami ng alikabok. Tatlong araw palang yun a. Ano pa kaya kung isang taon akong wala. Baka nga umabot hanggang sa kisame ang alikabok.
Tinikman ko ang ilang flavor na dinagdag namin para sa cake. Okay naman ang takbo ng shop kahit hindi na ako pumasok at iasa ko nalang kay Millie. Pero hindi pa rin pwede. May pangarap pa ako na gusto kong abutin.
Walang orders sa mga nagdaang araw. Mukhang hindi yata season ng mga orders. Pero may araw na sunod-sunod ang orders sa amin na hindi namin masyadong natutugunan dahil sa sobrang dami.
Sa gabi ay busy din ako sa mga pusa. Nakakatulog pa rin naman ako kahit ang iingay nila. Kaya pala dito muna nilagay ni Loren ang mga alaga niya dahil maingay. Hinintay ko si Loren kung pupunta siya dito sa apartment. Palagi na siyang late kung bumaba dito dahil busy siya sa mga inaaral niya. Ang dami niyang paper works.
Alas onse na ng gabi nang bumaba si Loren. Ginising lang niya ako dahil nakatulog ako sa long sofa. Ginising niya ako para pumunta sa kwarto ko. Sabi niya ay dito nalang daw siya matutulog dahil hindi ko na malalock ang pinto. Hindi ko na maintindihan ang mga sinabi niya dahil nakatulog agad ako.
"At last! Finals na!" Sigaw ni Loren. Nandito kami ngayon sa rooftop ng apartment building namin.
Bukas ay finals na nila. Sinamahan ko siya dito sa rooftop para maginhawaan ang utak niya. Kasama ko sina Lucky at Levi. Yung tatlo ay nasa loob lang ng apartment ko at naglalaro.
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomansaHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...