Nang makauwi ako ay linagay ko lahat ang mga pinanmili ko sa lamesa. Inabot ko ang remote ng tv para buksan. Mamaya na siguro ako magbebake ng lemon cake dahil kakauwi ko palang atsaka pagod din ako. Nanood ako ng cartoon para mawala ang pagod ko.
Dalawang oras din akong nakaupo sa harap ng tv. Hindi ko namalayan na na-enjoy ko pala ang panunuod ng palabas para sa mga bata. Nakakamiss ang ganitong buhay ko. Dati kahit may pasok ako sa school ay hindi ko pa rin nakakalimutan yung mga paborito kong palabas na anime kaya minsan ay inspired din ako.
Nang maramdaman ako ng gutom ay saka lang ako tumayo para kumuha ng pagkain. Gumawa lang ako ng burger para sa late lunch ko. Tatlong burger at isang soft drink. Pinatay ko na rin ang tv para makabaling na ang atensyon ko sa gagawin ko.
Magdidilim na nang matapos ako sa pagbebake. Tatlo o apat na oras akong nag-eexperimento para sa ilalagay ko sa aking menu. Bukas ay may pasok na naman sa trabaho. Linagay ko sa ref ang lemon cake na ginawa ko. Ipapatikim ko sa mga trabahador ko ang ginawa ko. Bago kasi ako maglagay ng idadag ko sa aking menu ay may taste test muna ako para sure ako na okay ang ginawa ko or kung may suggestions sila.
Hindi naman pare-pareho ang taste bud ng tao kaya kailangan din ng ibang tao na magja-judge para sa ginawa kong ekspiremento. Nagligpit ako ng mga kalat ko sa kusina. Yung ibang prutas na binili ko ay linagay ko na sa ref para hindi agad mabulok.
Umaga palang ay puno na agad ang coffee shop ko. May mga ilang estudyante kasi na kumakain ng breakfast sa coffee shop. Hindi ko alam kung bakit mas pinili nila ang mga sweets sa umaga instead na heavy breakfast dapat dahil mga college students sila.
Nasa counter ako at nag-aayos ay may lumapit na isang matangkad na lalaki. Akala ko kung sino na dahil bigla niyang sinakop yung ceiling light sa may counter dahil sa katanggkaran niya. Napaawang ang labi ko dahil pamilyar ang itsura niya.
Siya yung lalaki kahapon sa grocery store! Siya nga yun! Binawi ko agad ang tingin ko at tumawid ng tayo. Walang emosyon ang mukha niya, kaya pala nagmumukha siyang suplado dahil blanko ang tingin niya. Ganito kaya siya sa ibang tao?
"Ano pong order niyo sir?" Marahan na tanong ko sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin.
"One caffè mocha please." Malalim niyang sabi. Pati tuloy si Millie ay napatingin sa kanya. Sino ba kasi ang hindi mapapatingin sa kanya? Ang lamig ng boses niya.
Sinunod ko ang order niya para mabilis lang. Si Sonha dapat ang nandito sa pwesto ko kaya lang ay inutusan ko pa siya na pumunta sa wet market para bumili ng ulam namin mamaya.
Binigay ko na ang order niya nang matapos kong gawin. Nagbayad naman siya pagkatapos. Lihim akong napaismid. Mayaman pala ang isang yun. Black mastercard pa. Mukha siyang mayaman pero kahapon nung makita ko siya ay hindi naman—okay so bakit ko ba siya pinapakialaman?
Nang sa wakas ay dumating na si Sonha ay kinuha ko na rin ang suot ko na apron para pumunta sa loob ng opisina. May inaayos ako para sa pagpapa-expand ng coffee shop. Kulang kasi ang space at dapat sa susunod na buwan ay maisagawa na ang construction. Nakakatuwa dahil ilang buwan palang akong nagpatayo nito ay marami na akong customer. Sana ay magtuloy-tuloy ito hanggang sa tumanda na ako. Okay lang sa akin kung minsan ay crisis. Parte na yun ng buhay.
Isang mahinang katok ang nagpalundag sa akin mula sa pagbibilang ng kita noong isang Linggo. Linagay ko muna ang pera sa puting envelope at sinilid sa bag ko.
"Ano yun?" Medyo malakas kong sigaw para marinig nang kung sino man ang nasa labas.
Dumukhang si Millie mula sa pinto. "Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa labas."
"Sino?" Kunot-noo kong tanong. Wala akong inaasahan na bisita ngayon. Kahit sina Mama ay hindi sila pupunta dito dahil alam nila na busy ako sa business ko.
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
Roman d'amourHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...