PROLOGUE: BEGINNING

2.5K 120 37
                                    

THIS IS A WORK OF FICTION. Walang basehan at walang pinaghuhugutan ang kwentong ito. Gawa lang ito ng malikot na kathang isip ko xD I know I'm not good at doing this but still I'm taking some risk po xD This story is poorly written. So if you're one of those perfectionist and grammar nazi's then don't read this. You can make your own story tho' :3 Mabilis akong magtype kaya pasensya sa mga typographical errors, minsan nakakatamad kayang mag-edit xD Payagan niyo na ako minsan lang to eh. Lol. I'm just updated this one. Hope na basahin niyo po. Just give it a try guys. Lol. So anyway here it goes...


















ƤƦƠԼƠƓƲЄ:


Tumatakbo ako habang iniinda ang natamong saksak sa aking tagiliran. Tumatakbo ako sa isang napakadilim na gubat habang may isang demonyo ang humahabol sa akin. Hindi ko akalain na magagawa niya ito. Sa lahat ng estudyante na nag-aaral sa HELL na eskwelahang iyon ay siya ang pinakahuling tao sa listahan na iniisip kong makakapanakit sa akin...

Ngunit nagkamali ako.

Sa lahat ng tao na p'wede kong pagkatiwalaan---isa siya dun sa kanila. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa niya ito sa akin ngayon. Niligtas niya nga ako sa kanila ngunit mas malala pa pala ang kakahantungan ko sa mismong mga kamay niya.

"Takbo! Tumakbo ka hanggang magsawa ka."

Isang malademonyong tawa ang umangilawngaw sa buong gubat habang hinahabol niya pa rin ako. Unti-unti na ang pagbagal ng takbo ko dahil marami ng dugo ang nawala sa akin. Naramdaman ko na lamang ang paghila niya sa buhok ko dahilan para mapahinto ako sa pagtakbo.

"Arrrrrg!" Malakas na sigaw ko habang pinuwersa niyang hatakin ang buhok ko paharap sa kanya.

"Alam mo bang pinakaayaw ko sa lahat ay 'yung pinaghahabol ako?" Anas nito kasabay nang pagsuntok sa sikmura ko dahilan para mapahiga ako sa damuhan.

Kahit masakit 'yung ginawa niyang iyon ay nagawa ko pa siyang sipain. Buong lakas ko nilagay ko sa paa ko para mapabagsak lamang siya. Nagawa ko naman siyang mapabagsak ngunit hindi iyon sapat na dahilan para makatakas ulit ako. Magtatangka pa lamang sana akong makatayo nang hilain niya ang isang paa ko.

"Masyado kang makulit ha?! Tingnan natin kung makakatakas ka pa."

"KYAAAH~"

Isang napakalakas na sigaw ang lumabas sa bibig ko habang pinuputol niya ang kanang paa ko. Hindi pa siya nakuntento, pinutol niya rin ang isa ko pang paa.

Muli, ay sumigaw ako.

"'Yan para nagtatanda ka."

Marahas nitong hinila ang aking buhok at pinuwersang iharap sa mukha nito habang nakalapat pa rin ang katawan ko sa damuhan. Dumagan pa ito sa katawan ko kaya mas lalo kong damang-dama ang sakit ng sugat ko sa aking tagiliran.

Kahit hirap na hirap na, pinilit ko pa ring magsalita. "A--akala ko ba m--mahal mo ako?" Ani ko sa bawat hikbi at sa bawat patak ng luha ko. Tumawa ito sa sinabi ko bago magsalita.

"Mahal nga kita, ngunit alam mo namang ayokong may kahati, hindi ba?" Masamang tingin ang isinagot ko sa kanya.

"Ohh mahal ko, bakit ganyan ka makatingin?" Muli, hinila nito ang ulo ko paharap sa mukha niya.

"Gusto ko, sa akin ka lang. Sa akin ka lang ngunit napakatigas mo! Alam mo ba 'yun?!" Sigaw nito sa akin.

"Alam mo bang sa tuwing nakikita kong tinitingnan ka ng ibang lalaki'y gusto kong patayin sila isa-isa. I want to cut their body into pieces." Dugtong pa nito sa nakakakilabot na tinig.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon