CHAPTER 51: TRAITOR

719 47 5
                                    

MIYUKI POV

"Narinig niyo na ba yung bali-balita sa dormitoryo ng mga kalalakihan?"

"Anong balita?"

"Na nawawala raw ang ilang kalalakihan dun."

"Nawawala? You mean wala sila ngayon dun sa dormitoryo nila? Sino sino? Saang klase? San naman daw sila nagpunta?"

"Sa lahat ng klase raw. Ewan ko narinig ko lang kahapon."

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa main building, lunes ngayon kaya balik na ulit sa klase. Naririnig ko ang usap usapan ng ilang mga seniors sa likuran ko. Napaisip naman ako sa mga pinag-uusapan nila.

Nawawala? Posible kaya?...

"Marahil yun na ang mga namatay kahapon." Bigla akong napatingin sa taong katabi ko. Sa wakas ay nagsalita na rin siya.

Nakatingin lang ako kay Leizy, ganun pa rin ang awra niya, cold pa rin siya walang pagbabago. Napangisi na lang ako dahil para bang nababasa niya ang nasa isip ko.

Pinagmasdan ko ang apat na kasama ko na nasa harapan namin, tawa lang sila ng tawa.

Hindi ba nila naririnig ang pinag-uusapan ng ilang estudyante na nasa likuran namin o sadyang wala lang talaga silang pakialam?

Tawanan pa rin ng tawanan ang apat na kasama ko kahit nung sumakay na kami sa elevator papunta sa palapag ng mga seniors habang kami ni Leizy ay tahimik lang na nakasunod sa kanila. Habang nasa loob kami ng elevator ay tumunog ang musika na nakakakilabot kaya naman nagsipagtigilan magtawanan ang apat at nagtitigan lang habang nakikinig sa tunog ng musika na yun.

Ang akala ko, kagaya lang din ito kahapon, na maririnig namin ang musika na yun pero wala naman kaming makikitang bangkay pero nagkamali ako.

Pagbukas pa lang ng elevator at nasa tamang palapag na kami ay sumalubong samin ang hiyawan at sigawan ng mga estudyante sa buong pasilyo.

"Ano kayang nagyayari?"

Nagpanic na rin ang mga kasama ko dahil sa pagsigaw ng mga estudyante kaya naman nagmadali kaming tumakbo palabas ng elevator.

"Ohh shit!"

"OMG!"

Mas lalong lumakas ang hiyawan, sigawan at puro "Shit!" o di kaya'y "OMG!" ang ang naririnig ko.

Ang daming nagkalat na estudyante sa tapat ng mga classroom nila at nakasilip sila sa loob ng classroom na para bang ayaw nilang pumasok doon dahil animo'y may kinatatakutan sila sa loob.

Ano naman kaya yun?

Nakisiksik ang mga kasamahan ko sa mga eatudyante na nakaharang sa unang classroom which is ang classroom ng class A, kaya naman nakisiksik na rin ako para makalapit sa nasabing classroom. Nakipagtulakan kami sa ibang estudyante para masilip namin kung ano ba ang nasa loob. Nang tuluyan na kaming makalapit sa pintuan at masilip na namin ang nasa loob ay halos mapamura na lang ako sa sarili ko sa nakikita ko.

"Kadiri!"

"Yuck!

Nandidiring sabi ng mga kasama ko at naduduwal na sila sa mga nakikita namin.

Punong puno ng dugo ang buong classroom ng class A at napakabaho pa, may anim na kalalakihan ang nakasabit sa bawat pader na para bang ipinako lang sila dun sa pader. Pero hindi mga pako ang ginamit para isabit sila sa pader kundi mga malalaking palakol. Lahat ng parte ng katawan nila ay may nakaipit na palakol na siyang dahilan para maisabit sila sa pader. Punong puno ng palakol ang mga kamay nila, sa paa, sa ulo, sa katawan at syempre butas na naman ang dibdib nila. Punong puno ng dugo ang buong katawan nila pero ang mga dugo na yun ay tuyo na sa mga katawan nila. Mga nakasuot pa sila ng mga pambahay kaya marahil sila nga ang mga namatay kahapon sa pagtunog ng musika na yun.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon