Hᴇɴɴᴀ Nɪꜱʜɪᴋᴀᴡᴀ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ
"Argh! Arrgh! Henna ako 'to." Hindi ko siya binitawan kahit kilala ko na ang boses niya.
Kanina niya pa ako sinusundan, ramdam ko. Akala niya ba hindi ko siya nararamdaman? Diniinan ko pa lalo ang pagpihit ko sa kamay niya.
"Aray Henna, masakit sabi." Sigaw nito.
"Bakit mo ko sinusundan?" Madiin na tugon ko.
"Kalagan mo nga muna ako. Masakit kaya!" Dumadaing ito sa bawat salita nito.
Binitawan ko naman kaagad siya. Kung papatayin niya ko, pwes magpatayan kami ngayon.
"Aray ang sakit nun ha? Salbahe mo talaga." Reklamo niya habang hawak-hawak ang braso niya. Kahit madilim inirapan ko lang siya.
Nilabas ko ang latigo ko nang napansin kong may nilalabas ito sa bulsa nito ngunit kaagad din akong napatigil nang bigla itong sumigaw.
"Oy, huwag mo nga ako latiguhin. Hindi ito kung ano man ang iniisip mo. Tsk." Napairap ulit ako.
Madilim dito kaya tanging siya at ako lamang ang nagkakakitaan. Maliit na flashlight pala 'yung kinuka niya kanina. As in maliit na kasya lamang sa bulsa nito ngunit malinaw naman ang ilaw na nanggagaling sa flashlight na 'yon.
Hinarap niya pa talaga ang flashlight sa pagmumukha ko kaya nakita na niya ang irap ko. Imbes na sagutin niya 'yung tanong ko kanina ay bigla niya kong hinawakan. Marahas niya akong hinatak kasabay nang pagkaladkad niya sa akin.
Kagaya kanina'y masikip na daan pa rin namin ang dinaraanan namin ngayon. Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko ngunit hindi ko na nagawa nang magsalita ito.
"Sasamahan kita sa lumang library." Nagtaka ako sa sinabi niya.
PAPAANO NIYA NALAMAN 'YON?
"Papaano ko nalaman?" Tanong niya kasabay nang pagtawa niya na para bang nababasa niya ang nasa isip ko.
"Hinulaan ko lang. Parang interesado ka kasi sa mga pangalan ng kaklase natin kanina eh." Napairap na lamang ako sa sinabi niya. Tanong niya, sagot niya rin.
Magaling!
Naglalakad lang kami ng walang katapusang lakad at napansin ko rin sa paligid na unti-unti lumuluwag ang dinadaanan namin. So kabaligtaran pala ito mula doon sa kwarto namin.
Huminto si Miyuki sa paglalakad kaya automatic na napahinto rin ako. Nakatutok lamang sa dinadaanan namin ang flashlight. Nakita ko naman na may hagdanan sa harapan namin.
Hagdanan pababa? Papunta saan naman kaya 'yung hagdanan na 'yon?
"Anong gusto mong unahin? Sa harap?" Nakatutok pa rin sa harap namin 'yung flashlight. Bigla niya naman itong tinutok sa may kanan namin kaya napatingin ako roon. "O dito muna?" Dugtong nito. Nang tingnan ko 'yon isa rin 'yung hagdan na pababa. Kaagad niya naman tinutok 'yung flashlight sa may kaliwa namin kaya doon rin ako napatingin. "O kaya naman baka gusto mo rito?" Nang tingnan ko 'yon, isa iyong pinto. Kaya nagtaka ako kung ano 'yon.
Hindi ko na rin naman nagawang magtanong dahil nagsalita ulit ito.
"Pintuan 'yan papunta sa building 4 o mas kilalang building of hell." This time napatingin ako sa kanya at nagawa ko nang ibuka ang bibig ko.
"Building of hell?" Takang tanong ko.
Saang building 'yon? Tumango lamang siya at muling nagsalita.
"Kung gusto mo pumunta dun kailangan natin ng sapat na oras. Sa ngayon kasi delikado tayo, tara---dito muna tayo." Hinatak niya ulit ako at sa hagdanan na nasa harapan namin kami tumuloy.
HAGDANAN PABABA.
Mɪʏᴜᴋɪ Sɪʟᴠᴇꜱᴛʀᴇ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ
Halos 20 minuto na kami pababa ng pababa sa hagdanan at kanina ko pa ring pinipigilan ang tawa ko. Mukha kasing bagot na bagot na ang itsura ni Henna kakababa namin sa hagdan.
Hindi ko na nga napigilan ang pagtawa.
"Anong nakakatawa?" Naiinis na tanong nito.
Hindi naman kami huminto maglakad ngunitn 'yung pagkainis niya sa mukha niya ay hindi pa rin nagbabago.
"Wala naman." Tugon ko.
Tahimik na ulit kaming naglakad. Limang minuto pa ang lalakarin namin para makarating kami sa pinakaibaba. Bago kami makarating sa pinakaibaba na 'yon, sasabihin ko na muna ang dapat na sabihin ko kay Henna. Baka kung doon ko sasabihin sa lumang library baka may ibang makarinig. Posible kasi na nandoon na naman siya, si Lance.
"Henna, may gusto sana akong ipakita sa 'yo." Hindi man lang siya lumingon sa sinabi ko. Bagkus derecho pa rin siya kakababa ng hagdanan.
"Ito 'yung panyo." Nilabas ko ang panyong napulot ko kanina at inilahad ko ito sa harapan niya. Napahinto siya at tinitigan iyon.
"Alam kong panyo 'yan. Anong gagawin ko dyan?" Masungit na sabi niya sa akin.
Napatawa na lamang ako at napataas na naman ang kilay niya kaya nagsalita ulit ako.
"Panyo ito ni Larice."
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Misteri / ThrillerHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...