CHAPTER 11: SECOND PREY

767 62 5
                                    

Dᴡɪɢʜᴛ Dᴇϙᴜɪᴛᴏ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ

Haist! Ang ingay-ingay ng mga kaklase ko nakakainis! Wala ata kaming guro ngayon. Tinamad na ata tutal last subject naman na.

Pinagmasdan ko muli mula rito sa upuan ko si Henna. Ang ganda-ganda niya talaga. Kung hindi ko lang siya nakasama dati iisipin kong siya at si Henna ay iisa.

Ngunit mukhang malabo rin. Napakailap ng Henna na 'yon.

Nilingon ko sa tabi ko si Hiro na kanina pa tahimik.

"Problema mo tol?"

"Wala naman." Walang ganang sagot nito.

"Iniisip ko lang kung bakit magkasama kanina sa cafeteria si Henna at si Jace." Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya napaupo pa ko nang maayos.

"Jace Sacuevo ng class A?" Pagtatakang tanong ko.

"Yeah." Tipid na sagot niya at kagaya niya, napaisip din ako.

Bakit nga kaya?

Napatingin ako sa mga kaklase kong papalabas ng classroom.

"Hoy san kayo pupunta? May klase pa tayo." Sigaw ko.

Napatingin naman lahat ng kaklase ko sa akin, including Henna. Kinindatan ko naman siya ngunit as usual inirapan niya na naman ako.

Ang ilap mo ha? Tingnan natin.

Napatingin ako kaagad sa grupo nila Lorenzo nang magsalita ito. "Nakakagutom maghintay bro." Tipid na sagot nito sabay lumabas na kasama ang mga grupo niya.

Tsk! Siguradong mabubusog kayo kapag isa sa inyo ang mamatay. Bawal nga lumabas ang kukulit nila.

"President? Lumabas sila Lorenzo. Papano kung isa sa kanila ang sumunod?" Sigaw ng isa kong kaklase.

"Pabayaan mo sila mamatay isa-isa." Walang ganang sagot nito habang nakapikit pa rin sa upuan niya.

Wala talagang silbi itong presidente namin na. Para bang okay lang sa kanya kahit isa-isang namamatay ang mga kaklase namin tsk!

Pinagmasdan lang siya ni Henna. Halos matakot din tuloy sa kanya 'yung ibang classmate namin na duwag sa sinabi nito.

"Oo nga, bakit ba takot na takot kayo mamatay? Lahat naman tayo mamamatay. Malas nga lang kung sino ang mauuna." Natatawang sabi ni Althea.

Napatawa tuloy ako sa sinbi niya.

Tapang talaga nitong babaeng 'to. Basta patayan ang pinag-uusapan tuwang-tuwa pa siya.

"Bakit hindi ka rin lumabas Althea? Tutal hindi ka naman natatakot mamatay, hindi ba?" Nakangising tanong ni Iris.

Magsisimula na naman 'tong dalawa 'tong magbangayan. Pero infairness tuwang-tuwa talaga ako kapag nagbabangayan silang dalawa. Ang tatapang eh. Ganyan pa naman ang mga gusto ko---matatapang.

Nagsimula na ngang magbangayan 'yung dalawa, pati ibang kaklase namin na babae ay nakisali na rin sa away nilang dalawa.

Napatigil sila sa pagbabangayan nang tumayo si Henna at nagsimulang maglakad. Mukhang lalabas ata siya ng classroom?

"Ohh, lalabas na ang isa sa mga killers mukhang may mamamatay nga." Sabi ni Althea at pinagmasdan pa si Henna.

Nagtaka na lamang kami nang hindi pala ito dederecho sa pintuan upang lumabas ng classroom kundi dere-derecho itong naglakad papunta kay Althea.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon