CHAPTER 1: SCHOOL OF HELL

1.8K 86 5
                                    

ƇӇƛƤƬЄƦ 1

HELLENA HIGH SCHOOL

Nasa harap ako ng napakalaki, napakalapad at napakataas na tarangkahan ng isang eskwelahan. Kung hindi ko pa alam na isa itong eskwelahan ay iisipin kong isa itong mansyon kapag tiningnan mo ito mula sa labas.

Nakatingala ako sa napakataas na tarangkahan, maya-maya lamang din ay kusang itong bumukas. Nahati ito sa gitna and to my surprice, may isang may edad na lalaki ang nakatayo na sa harapan ko ngayon. Mukha naman itong guwardya rito dahil nakasuot ito ng uniporme ng isang guwardya.

"Magandang umaga, Miss Nishikawa." Nakangiting bati nito habang naglalakad papalapit sa akin.

Inirapan ko lamang siya hindi dahil sa pagtataka kung papaano niya nalaman ang apelido ko, kundi iyon lang naman ang tangi kong sagot sa mga taong kumakausap sa akin at saka malamang naman na nasabihan na siya ng Head Mistress ng wirdong eskwelahan na ito na ako ang transferee rito.

Imbes na magalit o mainis ito sa inasta ko'y nagawa pa nitong tumawa na para bang isang biro ang inasta ko. Nagawa pa nitong kunin ang maletang dala-dala ko. Kagaya kanina'y inirapan ko lamang ulit ito.

"Haha."

Narinig ko na naman siyang tumawa nang tumalikod na siya dala-dala ang maleta ko saka nagsalita muli.

"Sumunod ka sa akin."

Naglakad na ako papasok sa wirdong tarangkahan ng wirdong eskwelahang ito at nang nakalagpas na ako sa tarangkahan, kusa ring sumara iyon. Kagaya kanina'y wala rin akong naging reaksiyon kaya nagpatuloy lamang ako sa pagsunod sa guwardya'ng naglalakad sa harapan ko.

Tuluyan na akong nakapasok.

Pinagmasdan ko ang buong paligid at hindi ko mapigilang hindi mamangha. Sa lahat ng eskwelahang napasukan ko o di kaya'y napapanood ko lamang sa telibisyon, ito na yata ang pinakamaganda, pinakamalaki ngunit pinakawirdong eskwelahang nakita at napasukan ko.

Bukod sa nakaka-wirdo ang pangalan ng eskwelahan, nagtataka lamang ako kung bakit ang layo-layo nito sa syudad gayong alam kong ito ang pinakasikat, pinakamalaki at pinakamahal na eskwelahan sa buong mundo? Nadaig pa nga nito ang mga eskwelahan para sa mga kolehiyo. I've heard a lot of things about this weird school, na keso kakaiba raw dito. I'm just wondering kung paanong kakaiba?

Well, sa distansya ng eskwelahan mula sa syudad, sa tarangkahan, itsura at klase pa lamang naman ng eskwelahang ito'y talagang kakaiba nga---it's a boarding school.

Napapaligiran ito ng apat na gusali na tig-aanim na palapag. Sa pagitan ng tig-da-dalawang gusali ay nasa gitna nito ang napakalaking entablado. Siguro'y kasya na ang lahat ng tao na narito sa eskwelahang ito sa entabladong iyon.

Nakakamangha!

Masyadong mayaman at makapangyarihan ang may-ari ng eskwelahang ito.

Naglalakad lamang ako sa malawak at napakagandang pinakabakuran ng eskwelahan. Sa sobrang lawak nito'y maaari na ring pagtayuan ng mga gusali sa gitna sa pinakasentro nito. Mayroon isang napakalaking bukalan na nasa pinakasentro ng bakuran. Napapaligiran ito ng mga nagagandahan at iba't ibang bulaklak. Mayroon ding nakapalibot na apat na gintong estatwa ng leon sa buong bukalan. Sa paligid 'non ay mayroong apat na guwardya'ng masugid na nakatayo at nagbabantay doon.

Napailing ako. Ang init-init, nakatayo sila sa gitna ng school ground na ito? Napapaisip rin ako kung ano bang ibig sabihin kung bakit tila bantay sarado sila roon? Napansin ko rin na walang estudyante ang dumaraan malapit man lang doon.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon