Hɪʀᴏ Eᴅᴏɢᴀᴡᴀ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ
As of now, nandito kami sa punishment room na nandito sa main building. Ako, si Dwight, Benedict, Lester, Althea, Andrea, Alexandra, Aiko, Miyuki, Devi at 'yong transferee na nasa sulok na sulok habang nagbabasa lamang ng hawak-hawak nitong libro. Base sa hawak niya, iyon 'yong booklet ng eskwelahang ito na ibinibigay sa mga transferee.
"Palaging section natin ang suki rito sa napakabahong kwarto na ito ha?""Oo nga eh, araw araw reunion dito."
"Tingin niyo, makakagraduate pa kaya tayo?"
"Importante pa ba 'yong paggraduate? Kaysa problemahin mo 'yan, isipin mo na lang kung bukas ba ay humihinga ka pa."
Tawanan lang sila nang tawanan sa mga pinag-uusapan at pinagsasasabi nila.
Naipadala kami rito dahil nagkagulo kami kanina sa kwarto namin. Naglaro lang naman kami, laro na hagisan ng gamit na makita namin kaya ito, napadala kami rito. Habang ang mga kababaihan naman ay nagkagulo nga rin sila sa dormitoryo nila. Wala naman ng bago doon. Palaging may gulo sa lugar ng mga kababaihan. Basta may babae, palaging may gulo.
Nandito ako sa isang sulok lang din. Si Devi at Miyuki naman magkatabi sa isang sulok na medyo malapit sa kinaroroonan nung transferee. Habang ang grupo namin nila Dwight ay nasa tabi ko lamang din. Hindi naman ako nakikisali sa usapan nila kasi may sarili akong dapat pagtuunan.
Ano kayang pangalan niya?
"Aray! Ang sakit na ng paa ko. Buhatin mo nga ako Dwight."
Napailing na lamang ako sa kaartehan ng Althea'ng iyon. 5 minutes pa lang kami rito, masakit na kaagad paa niya? Tsk. Napakaarte talaga.
May nakapulupot na kadenang bakal kasi sa mga kanang paa namin na may bakal na pabilog pa ito na sobrang nakakabigat lalo kapag nagkikikilos ka. Kaya pagkatapos ng isang oras, sobrang hirap ka ng makakalakad.
Lahat ng mga nagkakasala sa rules ng eskwelahang ito'y pinaparusahan at ipinapadala rito sa punishment room. Nakakulong ka sa maliit na kwarto, walang ilaw kundi ang isang kandila na nasa isang maliit na lamesa na tanging mayroon sa kwartong ito at kapag namatay iyon, may kung ano-anong lalabas sa mga butas na mayroon dito sa loob.
Masangsang din ang amoy dito sapagkat hindi talaga nila nililinis ang kwartong ito at masyadong mainit dito dahil kulob. Walang ibang gamit maliban sa lamesa na nasa pinakasentro ng kwarto, walang bintana, wala man lang aircon o kahit anong maaring gawing pamaypay man lang.
Pinagmasdan ko ulit siya---'yung transferee. Tila may kakaiba sa kanya ngunit hindi ko pa alam kung ano ba iyon. Kakaiba nga talaga siya kagaya ngayon, ang dilim-dilim naman dito ngunit natitiis niya pa ring magbasa? Maaari naman mamaya tsk! Napapaisip din ako sa Head Mistress kanina, dahil kung titigan niya 'yong transfereeng iyon...
Ay teka, ano nga ulit ang apelido niya?
Tinawag siya kanina ng Head Mistress nung nasa opisina niya kami ngunit hindi ko masyadong narinig dahil ang ingay ng bunganga ni Althea. Basta, tinitingnan ko lang 'yonng Head Mistress na masama ang tingin dun sa transferee.
Bakit kaya?
"Kung maliwanag lang dito, siguro namatay na iyon sa bawat titig mo." Nilingon ko si Dwight nang sabihin niya iyon. Nakangiti siyang nakatingin din dun sa transferee.
"Kaya lang ang suplada naman kasi." Nakasimangot na dugtong nito. Mukhang sa pagiging casanova ni Dwight, bigla itong pumalya sa isang transferee ha?
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Tajemnica / ThrillerHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...