LEIZY POV
Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas. Bigla akong napaupo sa kama ni Henna na pinaghigaan ko at kinapa ang sarili ko---
Buhay pa ko.
Napatingin ako sa pintuan nang naririnig ko ang ingay sa pasilyo. Nakabukas ang pinto kaya kitang kita ko ang kaguluhan sa labas. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at wala na ang mga kasamahan ko.
"Bakit ba ang ingay." Narinig ko ang boses ni Miyuki na nasa itaas ko. Naramdaman ko na umupo siya sa kama niya at nakita ko ang paa niya na pababa na.
Pagkababa niya ng kama niya ay muntikan pa siyang malaglag nang makita niya ako. Dali dali siyang lumapit sakin at hinawakan ako sa balikat ko.
"Thank god! You're still alive." Sabay niyakap niya ko. Napabusangot na lang ako at kumalas sa pagkakayakap niya.
"Ang OA mo." Sabi ko sa kanya pero sa totoo lang kinakabahan ako sa pupwedeng mangyari sakin ngayong araw.
Muli ay napatingin ako sa pintuan nang isa isang pumasok ang mga kasamahan ko, maliban nga lang kay Devi.
Nasan si Devi?
"Anong nangyayari sa labas?" Tanong ni Miyuki.
"May nakalutang na katawan daw sa swimming area."
"Kaninong katawan?"
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na yun. Kay Devi iyon, galing siya sa cr.
"Ewan. Hindi namin tiningnan. Narinig lang namin sa class E tapos narinig nila sa class A tapos narinig ng class A sa mga freshmen." Sunod sunod na pagkukwento ni Iris.
Freshmen?
Anong kinalaman naman ng mga freshmen dito?
Wag nilang sabihin na ang katawan na yun ay sa freshmen?
*Clap* *Clap* *Clap*
Sabay sabay kaming napalingon kay Althea nang dahan dahan siyang pumalakpak ng tatlong beses.
"Napakachismosa mo talaga Iris."
"Wow ha! Sino kaya ang naunang nakichismis sa labas?"
Nagsimula na namang nagtalo ang dalawa. Tumayo na lang ako para magtungo na sa cr nang mapahinto ako dahil narinig ko ang pagtawag ni Althea sakin.
"Wow! You're still alive Leizy, good for you." Pang-asar niya na sinamahan pa ito ng maarteng pagtawa niya at kahit nakatalikod ako sigurado akong nakangisi pa siya.
Hindi ko na lang siya pinansin at maglalakad na ulit sana ako nang sumigaw si Devi.
"Baka si Jansen yun."
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya kaya agad akong napatalikod para tingnan siya kaya lang pagtalikod ko ay nakalabas na siya.
"Siraulo! Anong gusto niyang iparating? Na patay na si Jansen? Na katawan yun ni Jansen?" Narinig kong asar na sinabi ni Iris.
"O kaya baka naman katawan ni Aiko." Sabi ko at lahat nga sila napatingin sakin at gulat na gulat sa sinabi ko.
"Are you crazy?" Sigaw ni Althea at magsasalita pa sana siya pero bigla bigla namang tumakbo si Andrea kaya napunta kay Andrea ang atensyon niya.
"Tara tingnan din natin." Yaya ni Iris. Nagsipaglabasan na nga sila kasama na ako at pati si Althea.
SOMEONE POV
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Mystery / ThrillerHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...