SOMEONE POV
Kakatapos lang namin mag almusal. Linggo ngayon kaya malaya kaming magpagala gala kung saan saan. Gaya nga ngayon nandito kami sa kuta namin at kompleto nga kaming anim na nandirito.
Nakaupo lang ako rito sa sofa at pinagmamasdan ang apat na kasama ko na naglalaro lang ng baraha sa katapat kong sofa. Bumaling naman ako sa kanya, na nasa mini bar counter ng kwartong ito. Ang aga aga niyang uminom ng alak. Marahil nagcecelebrate siya sa nangyari kanina.
Napatingin siya sa akin at itinaas niya ang basong hawak niya.
"Tara saluhan mo ako." Nakangiting sabi niya sa akin.
Ngumiti ako at lumapit nga sa kinaroroonan niya.
"Ang agang alak naman niyan." Sabi ko sa kanya nang nakalapit na ako at umupo sa tabi niya.
"Masaya lang ako." Maikling tugon niya.
Alam ko naman kung bakit siya masaya.
Malamang tuwang tuwa siya sa pagkamatay ng labing dalawang estudyante ng isang araw lang.
"Binabati ko kayo dahil ang linis linis niyo talagang gumawa." Napangiti lang ako sa sinabi niya.
Siya ang pinuno sa grupo namin pero hindi siya ang boss namin. May boss kami na nag-uutos dito sa pinuno namin kung sino ba ang mga dapat na unahin naming patayin pero sa kasamaang palad yung boss namin na iyon ay hindi pa namin nakikita, tanging itong pinuno lang namin ang may alam kung sino ba ang boss namin.
Kaming tatlo ang gumawa sa pagpatay sa labing dalawang estudyante na iyon. Hanggang ngayon nga wala pa rin akong tulog dahil sa ginawa namin pero okay lang hindi pa naman ako inaantok. Nasanay na rin siguro ako sa ganitong set up namin na mas mahaba pa ang oras ng paggising namin kesa sa oras na pagtulog namin.
"Masyado naman kayong nagsosolo dyan."
"Oo nga. Hindi man lang kayo nagyayaya."
Lumapit silang dalawa sa amin at umupo sa tabi namin at kumuha din ng alak para inumin iyon.
"Mahal ko, gusto mo?" Sigaw ng katabi ko.
"Oo dalhan mo ko rito, mahal ko." Sagot niya na abala pa rin maglaro ng baraha dun sa sala kasama nung isa pa naming kamiyembro.
Tumayo yung katabi ko at dinalhan nga din siya ng alak.
"Parang tanga talaga yung dalawang yun. Sa labas akala mo kung sinong aso't pusa pero rito maya't maya naglalandian." Natawa tuloy ako sa sinabi ng katabi ko.
"Naiinggit ka lang eh." Pang-aasar ko sa kanya sabay tapik sa balikat niya.
"Asa!" Dipensa niya sabay nagbasa na naman sa hawak hawak niyang libro.
Ang hilig hilig niya talagang magbasa.
"Ano bang gagawin natin kila Xander?" Tanong ng katabi ko kay pinuno habang nagbabasa lang sa librong hawak niya.
"Hayaan mo na sila sa Punishment room."
"Hindi ba natin sila papatayin? Gusto kong mamatay na rin sila eh." Biglang sulpot ng isang kasamahan namin.
Natawa lang kami sa excitement niya. Kahit kelan talaga, pagpatay ang tanging kasiyahan niya.
"Sa ngayon hindi pa." Sagot ni pinuno.
Sina Xander, Feith at Jamina na mga kaklase namin, kasama si Ester ng class A at Carizza ng class B ay nasa punishment room sa mga oras na ito.
Kaninang madaling araw na pagpasok nila sa gusaling iyon ay silang anim ang nakaligtas o sabihin na lang natin na silang anim ang hindi nakapasok sa nasabing gusali dahil may nakakita sa kanilang anim na dalawang guard kaya hinuli sila at ipinakulong sa punishment room.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Misterio / SuspensoHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...