CHAPTER 18: DISASTER

672 49 4
                                    

Aɴɢᴇʟ Pᴏʀᴇɴᴏ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ

Nagising ako sa tunog ng bell, hudyat na oras na para kumilos para sa pagpasok namin. Pangalawang araw namin ngayon sa klase at dalawa na kaagad sa classmate namin ang nawala. Kung araw-araw may mamamatay sa klase namin malamang baka iisa na lang sa klase namin ang makakagraduate next year. 'Yo eh kung may matitira pa sa klase namin...

Ay mayroon pa lang matitira---kundi 'yung mga killers.

Kinuha ko na 'yung reading glass ko sa ibabaw ng drawer ko at isinuot iyon bago ako umupo sa kama ko. 'Yung mga kasamahan ko nagising na rin sa bell na iyon.

Napasulyap naman ako kay Henna, tulog pa rin ito.

Hindi niya ba naririnig 'yung bell? Ang lakas-lakas kaya.

Napatingin ako sa paa na biglang lumitaw sa may gilid ng kama ko, 'yung hagdanan na maliit doon papunta sa itaas ng kama. Paa 'yun malamang ni Devi since siya 'yung nasa itaas ko.

"Good morning, Angel." Nakangiting bati niya pagkababa niya.

Binati ko rin siya at ngumiti. Katulad ko nakasalamin din si Devi 'yon nga lang mas malaki lang 'yung salamin niya kaya natatawag siyang nerd.

Ewan ko ba dyan kay Devi kung bakit hindi man lang siya lumaban-laban sa mga nambubully sa kanya tsk! Kaya tuloy namimihasa 'yung mga nambubully sa kanya. Nangununa na nga dun ang grupo nila Althea.

Muli, napasulyap ako kay Henna. Sa paggising sa kanya ni Miyuki. Nagising na rin naman ito sa paggising sa kanya. Napangiti na lamang ako.

Close na sila ha?

Pansin ko kasi sila ang magkasama palagi. Buti naman may kaibigan na si Henna rito.

Tumingin siya sa akin, dahil narealize niya sigurong nakatingin ako sa kanya.

"Good morning, Henna." Nakangiting bati ko sa kanya.

As usual inirapan niya lamang ako at tumayo na at dumerecho sa cr para maligo. Napatawa na lang tuloy ako sa katarayan niya.

Sumunod naman sa kanya si Miyuki dahil maaari namang dala-dalawa ang magsabay sa cr. 2 cubicle naman kasi ang mayroon doon.

"Ligpitin mo na 'yan, Devi."

Napatingin ako sa grupo nila Althea at ang aga-aga naiinis na naman ako.

"Ayusin mo nga!" Sigaw niya na naman kay Devi.

Inuutusan kasi nilang ligpitin ni Devi 'yung mga pinaghigaan nila. Ito naman si Devi masyadong mabait kaya sinusunod lahat ng inuutos sa kanya. Tumayo ako at dumerecho sa kanila.

"Bakit kaya hindi kayo ang magligpit niyan?" Naiiritang sabi ko kila Althea.

"Ang aga-aga Angel ha pinapainit mo na naman ang ulo ko." Maarteng litanya ni Althea.

Nagawa niya pang hawiin sa harap ko ang buhok niya. Tsk!

"Exactly. Masyado pang maaga para uminit 'yang ulo mo kaya tigil-tigilan mo na nga 'yang pag-uutos mo kay Devi." Hinatak ko na si Devi palabas ng kwarto namin para lubayan na siya nila Althea. Pero napahinto na lamang ako maglakad nang may humatak sa buhok ko.

"Ako, napupuno na talaga ako sa 'yo ha!" Sabi niya habang hatak-hatak niya ang buhok ko.

"Arrrggh!" Sigaw ko dahil apat na silang sumasabunot sa buhok ko kasama 'yung tatlong alipores ni Althea.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon