CHAPTER 31: KISS

596 49 3
                                    

HENNA POV

"Teka, saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko na naman sa kanya.

Pangatlong tanong ko na nga iyon mula ng hatakin niya ako kanina dun sa harap ng tatay niya. Akalain mo nga naman, tatay niya pala yung gwardya na iyon?

Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip kung bakit sir ba ang tawag sa kanya ng Head Mistress at kung bakit ganun niya na lang igalang yung gwardya na iyon.

"Ano ba!" Sigaw ko na naman habang hatak hatak niya pa rin ako.

Nandito kami sa dormitoryo nila, sa mga lalaki. Kanina pa ko sigaw ng sigaw na bitawan niya ako pero lalo niya lang talagang hinihigpitan ang paghawak sa kamay ko.

Paakyat kami ngayon sa hagdan. Parang tanga nga may elevator naman pinapahirapan pa talaga akong maglakad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta since hatak hatak niya ako na para bang maliligaw ako rito sa dormitoryo nila.

Ang ilan pang estudyante na lower level ay napapatingin sa akin, malamang dormitoryo ito ng mga lalaki kaya bakit ba kasi ako nandito bwisit!

Habang paakyat kami ng hagdanan biglang nagbell, yun na ang hudyat para sa tanghalian.

"Sakto." Narinig kong sinabi niya at mula kanina ngayon lang talaga siya nagsalita.

Napairap ako. Anong sakto ang pinagsasasabi nito?

Pagkarating namin sa ikaanim na palapag bigla niya akong sinandal sa pader at tinakpan ang bibig ko gamit ng kaliwang kamay niya. Nakatingin lang ako sa nakaside view niyang pagmumukha dahil nakatingin siya sa may gilid namin. Nandito kasi kami sa may pader na papunta sa hagdan.

"Bwisit ang tagal naman nilang bumaba." Naiiritang sabi niya habang nakaside view pa rin sa akin at nakatingin pa rin sa gilid namin.

Mukhang hinihintay niyang bumaba ang ilang seniors na nandito sa palapag na ito dahil oras na nga ng pananghalian.

Nakasandal pa rin ako sa pader habang hawak niya ang isang kamay ko at ang isang kamay naman niya ay nasa bibig ko pa rin.

Akala naman nito sisigaw ako? Hindi ako yung tipo na sumisigaw duh!

Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumingon sa akin at tumingin sa mga mata ko saka ngumiti.

Anong nginingiti ngiti ng gagong to. Inirapan ko nga siya.

"Shit!" Nawala ang pagtaas ng isang kilay ko nang narinig ko siyang nagmura at para bang nagpapanic pa siya.

"Bwisit!" Dugtong niya pa.

"No choice shit!" Pagkasabi niya nun, mabilis niyang hinarap ang mukha niya sa mukha ko.

Sa sobrang bilis nga ng mga pangyayari ay hindi ko alam kung papaano niya nagawang idikit sa labi ko ang gagong labi niya.

"Ohh president may girlfriend ka na?"

"Tangina mo chismoso ka talaga tara na."

"Sino kaya yung girlfriend ni Lance?"

Narinig kong sinabi ng dalawang lalaki at mukhang pumasok sila sa elevator.






LANCE POV

Pagkapasok nila Benedict at Lester sa elevator ay kakalas na sana ako kay Jyl pero naunahan niya ako ng isang sipa niya sa treasure ko.

"Arrrgh!" Sigaw ko.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon