CHAPTER 56: SHOULDER BLADE

640 40 12
                                    

FAUSTINO POV

*LALALALALALALALALA*

Bigla akong napaupo sa pagkakahiga ko nang marinig ko ang musika ng mga killers. Ang senyales na may namatay. Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding na nasa itaas ng pintuan namin.

9:00 PM

Ganitong oras may namatay?

Ohh shit!

Bigla akong tumayo sa pagkakaupo ko at dali daling lumabas ng kwarto namin. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang pintig ng puso ko dahil sa kaba.

Wala naman sigurong nagyari kay Leizy diba?

Simula nang natapos ang klase namin kanina ay hindi ko na siya nakita pa dahil magkaiba naman ang dormitoryo namin. Hindi ko na rin sinubukan na tingnan siya sa dormitoryo nila dahil kampante naman na ako na ligtas na siya. Pero bakit ganito ang kaba at takot na nararamdaman ko ngayon?

Tinakbo ko na papunta sa elevator. Nakasalubong ko pa sila Dwight at tinawag nila ako pero hindi ko sila pinansin. Wala akong panahon pansinin pa ang ibang tao. Kaligtasan lang ni Leizy ang gusto kong malaman.

Nakarating ako sa dormitoryo ng mga kababaihan at naririnig ko pa rin ang nakakakilabot at nakakairitang musika nila. Tila ba parang nang-aasar pa sila kaya ganun katagal nila iyon ipatugtog. Muli ay tumakbo ako patungo sa kwarto nila Leizy. May mga nakabungguan pa akong mga babae dahil nakatambay sila sa pasilyo.

Pagkarating ko sa tapat mismo ng kwarto nila Leizy ay madali ko iyong binuksan. Pero nang buksan ko iyon sina Gelie at Dianne lang ang naabutan ko.

"Si Leizy?" Hinihingal na tanong ko sa kanila.

"Wala dito. Dun na siya natutulog sa kabilang kwarto." Pagpapaliwanag ni Gelie. Nagmadali na akong pumunta sa kabilang kwarto, sa kwarto nila Miyuki.

Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto nila Miyuki ay nadatnan ko na lahat sila nakatulala. Nakaupo sila sa kani kanilang higaan. Si Angel nasa higaan niya nakaupo may hawak na libro pero nakatulala. Si Miyuki nasa higaan niya nakaupo na nakatulala rin ganun din naman si Devi sa higaan nito. Samantalang si Iris ay nasa sala at naglalaro ng baraha pero nakatulala rin ito, na para bang napahinto siya sa paglalaro niya. Marahil ay sa pagtunog ng musika kaya sila nagkakaganito. At teka!

Nasaan si Leizy?

"Si Leizy?" Pasigaw na tanong ko at dun lang sila napatingin sakin na narito pala ako sa kwarto nila. Kasabay nang pagsigaw ko nun ay ang paghinto ng musika.

Nakatingin lang sila sakin nang hindi naman sinagot ang tanong ko. Pagkatapos ay sabay sabay rin silang umiwas ng tingin sakin na para bang iniiwasan nila ang tanong ko.

"Nasan nga si Leizy?" Mas malakas na ang sigaw ko dahil sa inis at pumasok na ko sa loob.

"Hindi namin alam Faustino okay?" Walang ganang sagot ni Iris sakin.

"Kanina pa namin tinatanong si Miyuki kung nasaan ba si Leizy pero hindi naman siya sumasagot. Pero ngayon na tumunog ang musika na yun bakit ganito, iba ang pakiramdam ko. Para bang nasagot na namin ang mismong tanong namin kung nasaan ba si Leizy." Sunod sunod na sinabi naman ni Devi.

"So iniisip niyo na si Leizy ang namatay sa musika na narinig natin kanina?" Medyo irita na tanong naman ni Angel. "Wag nga kayong nag-iisip ng ganyan. Hindi nakakatuwa." Dugtong niya pa na tila ba naasar na rin siya. Tumayo si Iris at lumapit dito kay Angel.

"Pero Angel kanina pa natin hindi nakikita si Leizy. Sige nga anong maipapaliwanag mo kung nasaan siya?" Si Iris.

"Paanong kanina pa?" Pagtatakang tanong ko.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon