CHAPTER 4: PICTURE

886 63 28
                                    

Hᴇɴɴᴀ Nɪꜱʜɪᴋᴀᴡᴀ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ

Nakabalik kami sa kwarto na inda-inda pa rin ang sakit ng kanang paa namin. Naririnig ko ang pagrereklamo nila Althea kasama ng tatlong alipores nito sa sobrang sakit nga raw. Ang sarap nilang batukan at sabihing mas masakit pa nga 'yung nangyari sa akin ngunit hindi naman ako nagpapaka-OA kagaya nila ngunit bwisit pa rin talaga 'yung mga dagang iyon eh. 'Yung paa ko pa talaga ang pinuntirya. Napakawirdo talaga ng eskwelahang ito. Puro kaweirduhan na lang ang nangyayari sa akin.

Nakakainis! Tsk!

Nakaupo lamang ako sa kama ko at nakasandal sa pader na pinagdidikitan nito. Hawak-hawak ko pa rin 'yung booklet ngunit hindi naman ako nagbabasa kundi pinapakiramdaman ko lamang sila.

Mayroon kayang isa sa kanila rito?

Napasulyap ako kay Angel na nasa tabi ko, kagaya kanina'y nagbabasa pa rin ito. Hindi ko alam kung ano ba 'yung binabasa niya, mukhang 'yan lang ang ginagawa niya magdamagan ha? Ngunit mukhang naligo naman na siya kasi iba na 'yung suot niyang damit. Napailing na lamang ako. Haist! Ano ba to! Nagiging usisera na rin ata ako.

Sinandal ko na lamang ang aking ulo sa pader. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napatingin kay Angel, saglit lang din naman iyon ngunit tama lamang para makita kong ngumisi ito. Hindi ko alam kung para kanino ba 'yung pagngisi niyang iyon kasi lahat ng nandito ay nakahiga na bukod sa akin at sa kanya. Sa pangatlong pagkakataon, tumingin ulit ako sa kanya. Hindi naman ako nagulat nang nakita kong nakatingin din siya sa akin.

Sinasabi ko na nga ba.

"May itatanong ka ba?" Nakangiting tanong niya sa akin. Kahit nakasuot siya ng reading glass, kitang-kita ko pa rin sa mata niya na kakaiba ito.

Hindi ko kailangan makipagkaibigan o makipag-usap sa kanya. Kagaya sa mga kumakausap sa akin, inirapan ko lang din ito. Narinig ko na lamang na tumawa ito at saka biglang tumayo papalabas ng kwarto. Kung saan siya pupunta ay hindi ko alam at wala rin naman akong pakialam.

Pinagmamasdan ko pa siyang makalabas ng kwarto namin at napansin ko pa ring hawak-hawak niya pa rin 'yung librong iyon hanggang sa makalabas ito.

Ano kaya 'yon?

Napabalik ako sa sarili ko nang may biglang kumalabit sa akin.

"Henna Nishikawa ba talaga ang buong pangalan mo?" Ito na naman 'tong makulit na ito.

Kanina pa ito sa opisina ng Head Mistress na dikit ng dikit sa akin at tanong ng tanong ng mga walang kwentang bagay. Pati sinabi rin niya 'yung pangalan niya sa akin na hindi ko naman tinatanong.

Inirapan ko lang ito at saka hinawakan ko ulit 'yung booklet na kunyaring nagbabasa ako para tantanan niya ako sa kakatanong.

"Kaysa basahin mo 'yan, makinig ka na lang sa akin kasi hindi lahat ng nasa booklet na 'yan ay pawang katotohanan. 'Yung iba dyan ginawa lang para lituhin ang mga estudyante---ay hindi, lahat pala 'yan pawang kasinungalingan." Sunod-sunod na sabi nito. Nanatili pa rin akong nakayuko ngunit napaisip ako sa sinabi niya.

Tama nga ako. Tsk!

"Wala akong pakialam." Matigas na sagot ko at hihiga na sana ako kaya lang bigla rin ulit siyang nagsalita.

"Alam mo bang may pagkakapareho ka sa bestfriend ko? Kaya nga gustong-gusto kitang makilala eh. Baka kasi may malaman ako sa tulong mo." Napatingin ako sa kanya nang bigla niyang sabihin iyon at sa dami ng sinabi niya, halos hindi ito nagproseso sa utak ko.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon