CHAPTER 55: FRIENEMY

639 38 7
                                    

Dedicated to KarenGubaLane. Salamat sa pagtyatyagang maghintay sa mga UD ko :")









MIYUKI POV

Kanina ko pa hinahanap si Leizy pero hindi ko pa rin siya nakikita. Pinuntahan ko siya sa cr kanina pero bag na lang niya ang natagpuan ko roon. Kinakabahan na ako sa posibleng mangyari sa kanya.

Nasan ka na ba Leizy?

Muli ay naglakad lakad ako. Nalibot ko na ang buong dormitoryo namin, pati ang main building. Pinuntahan ko na ang mga posibleng mapuntahan ni Leizy pero hindi ko pa rin siya nakikita. Ayokong isipin na kinuha siya ng mga killers. Pero posible ba dahil, hindi naman siya yung tipo na iniiwanan ang gamit niya. Sunod sunod na pag-iling ang ginawa ko.

Hindi naman siguro.

Lumabas ako ng main building at dumerecho sa dormitoryo ng mga kalalakihan. Ito na lang ang hindi ko pa napupuntahan. Alam ko naman na malabong pumunta siya dito pero wala namang masama kung susubukan ko. Malay mo kasama pala ni Leizy si Faustino diba? Na alam kong malabo namang mangyari. Pero kailangan ko pa ring makasiguro.

Pumasok ako sa dormitoryo ng mga kalalakihan at dere derechong nagtungo sa elevator. Bumukas ang elevator nang nasa tamang palapag na ako, sa ikaanim na palapag kung saan naroon ang mga seniors. Pagkalabas ko pa lang sa elevator ay nakuha na ng atensyon ko ang mga taong nagtatawanan sa cr na nandito sa gilid lang ng elevator.

"Hahaha kawawang Leizy."

Wala sana akong balak pansinin pa yun kaya lang narinig ko ang pangalan ni Leizy. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad ako sa papalapit sa may cr. Nakabukas ang pintuan nun kaya naman rinig na rinig ko ang tawanan ng dalawang tao na nasa loob ng cr na yun. Kung papakinggan ko sila mula dito sa labas, marahil nasa harap sila ng salamin.

Dahan dahan akong lumapit sa pintuan. Gusto kong sumilip kung sino ang dalawang yun. Hindi ko kasi maaninag kung sino ang dalawang taong yun dahil tawanan lang ang naririnig ko sa kanila. Hindi na sila muli nagsalita pa. At habang palapit ako ng palapit sa pintuan ay wala na akong naririnig na nagsasalita mula sa loob kaya naman mas nahihirapan akong tukuyin kung sino ba sila. Kung magsasalita lang sila ulit ay maaari ko silang matukoy.

Nandito na ako sa gilid ng pintuan, sa pagitan ng pader. Sumandal lang ako sa pader para hintayin kung may magsasalita ba sa loob. Pero sa kasamaang palad ay nabigo ako. Dahil nainip na ako kakahintay kung sino ba ang nasa loob ay minabuti ko na lang na silipin kung sino ang dalawang tao ang nasa loob. Posible akong mahuli sa gagawin kong ito pero wala naman sigurong mawawala sakin kung susubukan ko pa rin. Kung mahuhuli ako edi mahuhuli ako. Dahan dahan akong sumilip sa loob ng cr at halos atakihin ako dahil sa nakita ko. Isang pigura ng lalake ang nakatayo sa harapan ng salamin. Nakaside view siya sa salamin bale nakatalikod siya sakin. Nakasuot siya ng itim na tshirt pero ang likod ng damit niya ay para bang basa o di kaya may matsa? Hindi ko masyadong mawari kung ano iyong nasa damit niya dahil itim ito pero alam kong basa ang suot niyang damit. Kahit nakatalikod siya sakin kilala ko siya.

Isa rin ba siyang killer?

"Ano na Kalix di ka pa ba tapos?"

Muntik na ako mapasubsob sa pinto nang marinig kong nagsalita siya. Hindi nga ako nagkamali kung sino siya. Tama ako.

Siya nga.

Pero ang ikinagulat ko pa dahil tinawag niya si Kalix sa harap ng cubicle na kinatatayuan niya ngayon.

"Ang dami daming cubicle dyan bakit ba hinihintay mo pa ako." Narinig kong sagot ni Kalix sa loob ng cubicle.

Wait!

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon