Sᴏᴍᴇᴏɴᴇ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ
Nakatayo sa harapan si teacher Flloyd. Akalain mo nga naman, makakabalik pa pala 'yang teacher na 'yan pagkatapos ng nangyari sa kanya. Iniisip ko lang, bumalik ba siya rito para maghiganti?
Pwes! Mag-gantihan kami.
Salita lang siya ng salita, wala namang pakialam sa kanya ang buong class F kaya hindi na lang siya pinapakinggan.
"Seems you have a new classmate, Miss Nishikawa please introduce yourself to us."
Napatingin ako kay Henna nung tumayo ito. Bago oto magsalita'y isang irap muna ang pinakawalan nito para kay teacher Flloyd. Napangisi tuloy ako.
"I'm Henna Nishikawa." Then umupo naman agad siya. So isa nga talaga siyang Nishikawa?
Henna Nishikawa ha?
"Isa nga talaga siyang Nishikawa."
"Isa siyang mamamatay tao katulad ng ama niya."
Nagsimulang mag-ingayan sa paligid ko. Pinagmasdan ko siya, base sa mukha ni Henna mukhang ito na ang inaasahan niya ha? Wala man lang siyang reaksyon dito.
"Class be quite." Sita ng walang kwentang guro.
Nagsimulang maglecture si teacher Flloyd nang wala namang nakikinig sa kanya. Lahat mayroong kanya -kanyang ginagawa. Mayroong natutulog, mayroong nagpapatugtog ng malakas sa likod, mayroong nagme-make up sa harapan. Lahat walang pakialam sa kanya. Napapangisi na lamang ako. Hindi naman ganito dati ang class F nung nabubuhay pa siya. Siya na gustong-gusto ng mga kalalakihan at mga guro, pinakakinaiinggitan at pinakaiinisan naman ng mga kababaihan. Hindi ganito ang klase namin noon nung nabubuhay pa siya. Napakasigla ng klase namin noon bagay na sobrang layo na ngayon dahil wala na siya.
Naisip ko kung buhay pa ba siya ngayon magiging ganito ba kagulo ang klase na ito? Dahil sa kanya nagsimula ang larong ito.
Muli kong pinagmasdan ang transferee, si Henna. Base sa kanya, nakatingin lang siya kay teacher Flloyd ngunit halata namang hindi rin siya nakikinig dito. Para bang kinikilatis niya ito sa bawat pagtitig niya sa guro namin. Napangisi na naman ako. Ganyang mga tao ang gusto kong pinapatay.
Mukhang magiging interesting ang pagpasok niya rito sa Hell na eskwelahang 'to.
Ang sarap matulog dito sa walang kwentang klase na ito. De bale, malapit na lang naman ang oras.
Ang oras na paghihintay sa tunay na laro.
Lᴇɪᴢʏ Lᴀᴢᴀʀᴏ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ
Lumabas si teacher Flloyd pagkatapos tumunog ang bell, hudyat na lunch break na. Isa-isa nang lumabas ang bawat grupo sa klase na 'to. Naunang lumabas sina Gelie, kasama ang mga barkada niyang sina Janna, Larice, Feith, Keith, Lorenzo, Xander at Darius. Sinundan ito ni Henna, 'yung babaeng 'yon talaga napansin ko lang palagi siyang nagmamadali. Sinundan naman nito ang paglabas niya nina Iris at Angel.
"Ano Jessie kinakabahan ka na ba?" Lumapit ang grupo nila Althea sa grupo nila Jessie, 'yung kaklase naming nakatanggap ng red card kanina.
"Mukhang siya ang nagsumbong kahapon sa Head Mistress, kaya kami naipadala sa punishment room. Hindi nga ako nagkamali na, sa klase natin ang unang target nila." Masayang sabi sa tabi ko ni Miyuki. Napatango ako sa sinabi niya.
'Yan kasi ang napapala ng mga chismosa at chismoso. Hindi sila marunong mag-ingat. Alam naman nilang nasa paligid lang ang mga killers, tsk!
Pinagmamasdan lang namin ang dalawang grupo na nagbabangayan. Napatingin naman ako kay Lance na tumayo, mukhang kakagising niya lang na naman at lumabas na siya ng classroom.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Mystère / ThrillerHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...