ALTHEA POV
Naglalakad ako ngayon sa pasilyo kasama ko si Andrea. Hindi ko nga mapigilan ang mainis dahil mga nakaharang ang ilang mga bobong estudyante sa dinadaanan ko.
"Mga bulag ba kayo? Kita niyong dumadaan ako diba?" Sigaw ko sa kanila at buti naman at umaalis sila sa dinadaanan ko.
Mga bwisit to! Ang aga aga pinapainit ang ulo ko.
Habang naglalakad ako naririnig ko ang bulong bulungan nila. Ang bulungan nila na may isang estudyante raw ang natagpuang patay sa loob ng cr na nasa ikalawang palapag.
Mga bobo na. Mga chismosa pa.
Nakataas ang isang kilay ko sa mga nakakadiring mga nilalang na mapapatingin sakin. Ang ayaw ko pa naman ay yung tinitingnan ako ng mga nakakadiring mga nilalang. Tingnan nila ako kung papasa sila sa kalingkingan ko. Mga bwisit!
Nang nakapasok ako sa classroom ay ang mga chismosa/chismoso ko namang mga kaklase ay pinag-uusapan din ang estudyante raw na natagpuang patay nga sa cr. Pati ba naman dito yan pa rin ang pinag-uusapan. Bwisit! Ang layo layo ng ikalawang palapag dito sa palapag namin na to. Mga chismosa talaga. Umupo ako sa upuan ko habang naririnig ko pa rin ang mga daldalan nila. Hinayaan ko na lang yun at baka ma-stress lang ako sa kanila. Kaya lang---
"Pwede bang tumahimik na kayo?" Sigaw ko na sa sobrang irita dahil sa mga ingay ng mga nakakadiring mga bunganga nila. Natakot sila sakin at kanya kanyang nagsipagbalikan sa mga upuan nila. Dapat lang!
Napatingin naman ako kay Iris na sinamaan ako ng tingin. Tinarayan ko naman siya. Habang si Dwight naman ay tawa ng tawa.
"Anong nakakatawa?" Mataray na tanong ko sa kanya.
"Meron ka ba ngayon babe?" Tanong niya sakin. Inirapan ko lang siya at di na pinansin pa. Umayos na ko ng upo kasabay nang pagpasok ni teacher Flloyd.
Pagkaupo niya agad sa upuan niya ay isang masamang balita agad ang pambungad niya samin ngayong umaga.
"Si Khalil ang natagpuang patay sa loob ng cr na nasa ikalawang palapag."
Pagkatapos niya sabihin iyon ay nagsipag-ingayan na naman.
"Ang sabi ng mga pulis mukhang kahapon pa siya pinatay."
"Sino po pumatay teacher Flloyd? Hindi naman maaari ang mga killers kasi diba hindi naman tumunog kahapon ang musika nila?" Tanong ng isang chismosang kaklase ko, si Dianne. Pero okay na rin yun, yun din naman ang tanong ko sa sarili ko.
Nagkibit balikat lang si teacher Flloyd sabay nag-attendance na lang.
Natapos ang klase namin kay teacher Flloyd, lumabas na agad siya kasabay ng ilang kaklase namin. Palabas na rin sana ako nang may isang tanga ang humarang sa daan ko. Hindi ko siya nakita dahil tanga nga siya.
"Bulag ka ba?" Sigaw ko kay Gelie. Dali dali siyang nagsorry sakin at dinampot sa sahig ang nagkalat niyang mga gamit.
Narinig ko ang pagtawa ni Andrea sa tabi ko. Yan buti naman bumalik na siya sa totoong ugali niya. Hindi yung nakakairita niyang ugali na parang naging matatakutin tsk!
Lumabas na ako ng classroom kasunod si Andrea. Bago ako tuluyang lumabas ay nakita ko pang tinulungan ni Angel si Gelie sa mga gamit niya tsk! Nagpapakitang anghel na naman. Bwisit!
"Bakit ba kanina pa mainit ang ulo mo?" Umakbay agad si Dwight sakin pagkalabas namin. Nasa labas kasi sila nina Kalix at Hiro para hintayin kami ni Andrea.
Si Faustino naman ay hindi na naman pumasok dahil halata namang nagluluksa pa rin siya kay Leizy. Mabubuhay pa ba si Leizy sa ginagawang katangahan niya? Tsk!
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Misterio / SuspensoHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...