CHAPTER 23: WELCOME TO HELL

592 49 2
                                    

ANGEL POV

Apat na araw ang nakalipas pagkatapos mangyari ang kaguluhan sa classroom namin. Apat na araw na rin na walang malay si Henna. Hanggang ngayon nasa infirmary pa rin siya at hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung bakit siya nahimatay nung araw na iyon.

Nagsimula akong makaramdam ng kakaiba sa kanya nun nung naglabas si Dwight ng mga punyal.

Bakit kaya siya biglang nahimatay nun?

"Oy tulala ka na naman Angel." Natauhan ako nang kalabitin ako ni Miyuki.

Nandito kami sa school ground pakalat kalat kami ngayon since sabado ngayon at wala kaming pasok. Kapag week ends malaya kaming gawin ang mga gusto naming gawin.

Gaya nga ngayon nandito kami sa park ng Hellena kung saan nasa gilid lang ito ng dormitoryo ng mga kababaihan. Since park ito kaya may mga babae at mga lalaki na nandito sa mga oras na ito at halo halong year level.

"Wala naman." Nakangiting tugon ko ngumiti lang naman siya sa akin.

"Ang tagal magising ni Henna ipapasyal ko sana siya ngayon sa buong Hellena." Narinig kong sabi ni Miyuki.

Napaisip naman ako dun, since may pasok kaya hindi pa siguro nalilibot ni Henna ang buong Hellena.

Sa apat na araw na lumipas wala pa namang patayan na nagaganap at sa apat na araw na iyon ay nawawala pa rin si Alexandra.

"Tingin niyo patay na si Alexandra?"

"Ewan, siguro, oo, hindi." Nagtawanan lang sila sa sinagot ni Iris.

Minsan may pagkapilosopo talaga iyon.

Magkakasama kami nina Leizy, Miyuki, Devi, Jansen, Iris at ako nga.

"Baka naman pumasok siya sa building of hell kaya hindi na nakalabas?"

"Imposible. Sabi ni Andrea nasa cr sila ng mga sophomore nang naganap yung pagkawala niya."

Nakikinig lang naman ako sa usapan nila. Minsan kakausapin din nila ako kaya nakikisali rin naman ako.

Hanggang sa nagpustahan pa sila Leizy at Miyuki kung sino na naman daw ang susunod na mamamatay.






HENNA POV

Napahawak ako sa ulo ko nang kumirot ito nang pagkaupo ko sa kama. Nang libutin ko ang buong paligid kung nasan ako at napagtanto kong wala ako sa kwarto namin.

"Buti naman nagising ka na." Sabi ng lalaki na biglang sumulpot sa gilid ko.

"Bakit? Hindi ba dapat ako gigising?" Walang ganang sagot ko.

Narinig ko lang siyang tumawa ng mahina at umupo sa upuan na nasa gilid ng kama na kinauupuan ko ngayon.

"Ewan. Apat na araw ka na kasing natutulog eh." Nakangiting sabi niya sa akin ako naman ay nagulat sa sinabi niya.

Apat na araw? Ibig sabihin?...

Napatingin ako sa buong katawan ko na natatakpan ng kumot. Nakapangbahay na nga ako ngayon. Tiningnan ko yung suot kong medyas---iba na.

"Sino nagbihis sa akin?" Mabilis na tanong ko sa kanya.

Medyo nainis pa ako kasi inuna niya muna yung pagtawa niya bago sagutin yung tanong ko.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon