CHAPTER 22: DAGGERS

557 47 1
                                    

HENNA POV

"Nawawala si Alexandra." Pagkasabi ni Andrea nun napangisi ako agad pero agad din akong napakunot noo nang nakita ko sa harap ko na nag-apiran sina Miyuki at Leizy.

Hindi nga lang pansin ng iba dahil nasa ilalim ang mga kamay nila kaya nakita ko since nasa likod nila ako nakaupo.

Bakit kaya?

Nagkakagulo na ang mga kaklase ko at hindi ko nga mapigilang hindi matuwa sa isipan kong iyon. Yan yung gusto ko. Yung nag-iingay sila hindi tungkol sa chismisan kundi tungkol sa pagkamatay ng isang tao. Yung lagi silang nagkakagulo at lagi nilang hinahanap ang bawat isa. Kaya lang minsan mas gusto pa kasi nilang pabayaan ang isa't isa. Ayan tuloy ang napala nila.

Hindi nga ako nagkamali na si Alexandra ang next target nila dito sa klaseng ito. Kung papaano ko nalaman? Simple lang. Sa bawat grupo sa klase na ito ay isa isa nilang binabawasan, kaya nagbawas rin sila sa grupo ni Althea. Kaya hinulaan ko si Alexandra kasi mukhang sa tatlo siya lang naman ang mas matino.

Kung pagbabasehan ko sa mga pinapatay ng mga killers, sa mahihina sila nag-uumpisa. Pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit si Alexandra rin ang hula ni Miyuki? At ang apiran na ginawa nilang dalawa ni Leizy.

Posible kayang may kinalaman sila rito?

"Kung sino man yung mga killers pwede ba hindi na kayo nakakatuwa."

"Tumahimik ka nga Althea, isa ka sa mga killer dito. Ano tuwang tuwa ka na ba dahil may nawala na sa isa sa mga kaibigan mo?"

Nagbalik ako sa sarili ko nang lalong lumakas ang sigawan ng mga kaklase ko. Karamihan pa sa kanila mga nakatayo na. Yung guro naman namin saway lang ng saway na tumahimik pero wala namang nakikinig sa kanya.

"Shut up Iris! Malapit na rin akong magtimpi sayo."

"Bakit? Papatayin mo rin ba ako kagaya ng ginawa mo kay Larice? At kagaya ng muntikan mo ng pagkamatay kay Angel?"

Natahimik ang lahat ng kaklase ko sa sinabi na iyon ni Iris kasama na nga si Althea.

"Ohh bakit ka natahimik? Kasi totoo diba?"

"Fuck you! Wala kang proweba."

"KYAAAAAAAAAAAAAAAH~"

Napatahimik ang lahat sa sigaw na iyon ng isang kaklase ko na nasa likuran.

Lahat kami sabay sabay na napatingin sa likuran.

"M--may u--ulo." Utal utal at takot na takot na sabi ng babaeng kaklase namin sabay nakaturo pa siya sa pinto sa likod ng classroom namin, yung utility room namin dito sa classroom.

Napaupo na siya sa sahig sa sobrang takot at nanginginig pa ang katawan niya.

"Ano raw? Ulo?"

Nagsimula na naman silang magbulungan.

Nagtutulakan pa kung sino raw ang magbubukas at titingin sa pintong iyon. Yung isang kaklase namin lumapit dun sa babae at tinulungan na itong makatayo at inalalayan hanggang sa upuan nun.

Pinagmamasdan ko lang ang mga kinikilos ng mga kaklase ko. Mukha namang wala talaga silang balak umamin kung sino yung killer. Sino nga bang tanga ang aamin na siya ang killer diba?

Walang may gustong lumapit sa isa sa mga kaklase ko at tingnan man lang yung nasabing ulo raw pero yun ang akala ko. Lahat ng mata nakatingin sa kanya. Dere-derecho siyang naglakad papunta sa nasabing pinto at halos lahat ng kaklase ko ay naduwal nang hawakan niya at ilabas yung nasabing ulo.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon