CHAPTER 24: QUESTION

493 46 6
                                    

ALEXANDRA POV

"Kamusta Alexandra?" Tanong niya sa akin kasabay nang malademonyong pagngisi niya.

Nakatayo silang tatlo sa harap ko ngayon. Pinilit kong tumayo sa pagkakaupo ko sa sahig.

"Kayo yung killers!" Sigaw ko, dinuro ko pa sila.

"Ohh tapos?" Mataray na sagot niya.

Bwisit siya. Akala mo kung sinong mabait. Akala mo kung sinong tahimik sa room. Akala mo kung sinong Anghel sa room dahil sa kabaitan na pinapakita niya, yun pala kabaligtaran dahil ang totoo isa siyang demonyo.

"Kamusta naman ang apat na araw na pagtulog mo? Buti nagising ka pa." Napatingin ako sa kanya.

Naalala ko, siya yung biglang pumasok sa cr nung araw na nagcr kami ni Andrea at may bagay siyang pinukpok sa ulo ko kaya nawalan ako agad ng malay nung araw na iyon. Pero teka, anong sinabi niya.

Apat na araw ako nakatulog?

"Sapat na tulog na para patayin natin siya." Nakangising tugon niya.

Sinugod ko siya pero gaya nga kanina hindi ako makalapit sa kanya dahil nakagapos ang mga kamay at paa ko na nakatali sa kwartong ito.

"Opps hanggang dyan ka lang." Pang-asar niya pa sa akin at nagawa niya pang pitikin ako sa noo.

"Mga hayup kayo! Sasabihin ko ito sa klase." Sigaw ko.

"Yun eh kung makakaabot ka pa sa klase." Napatigil ako sa mga pinagsasabi nila.

Papatayin rin ba nila ako?

Malamang Alexandra kaya ka nga nila dinala dito diba?

Ang dapat na tanong kung papatayin na ba nila ako ngayon mismo?

"Ohh natatakot ka na ba Alexandra?" Sinamaan ko lang siya ng tingin habang yung dalawang kasama niya ay naglakad papunta sa may upuan na meron dito sa kwarto at umupo dun.

"Wag kang matakot." Napabalik ang tingin ko sa kanya nang bigla niyang hawakan ang mukha ko at pinilit na iharap sa kanya.

"Di ka naman mamamatay kung sasagutin mo ng totoo ang tanong namin." Sabi niya.

Alam ko na ang ibig sabihin nila pero kahit kelan hinding hindi ako magsasalita.

"Patayin niyo na lang ako." Sabi ko.

Ngumisi lang siya sa sinabi ko. Ngisi ng isang demonyo.

"Pa-a-no kung a-yo-ko?" Dahan dahan na sinabi niya.

"Gusto ko rin yung naghihirap ka." Dugtong niya pero bigla siyang napatingin sa isang pinto nang narinig kong bumukas ito.

Since hawak hawak niya yung mukha ko at nakatalikod ako sa pinto na iyon kaya hindi ko nakita kung sino yung pumasok.

"Ako ng bahala sa kanya." Halos matumba ulit ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses niya.

Ang boses na iyon.

Hindi ako pupwedeng magkamali.

Binitawan na niya ako kaya napalingon na ako sa taong pumasok na yun.

"Hi Alexandra." Nakangiting bati niya at may dalawa pa siyang kasama sa likuran niya. At tama ako yung limang ito ang killers pero itong isang nakatayo sa harap ko siya ba ang kokompleto sa salitang demons?

Sumenyas siya na umalis muna yung lima dahil kakausapin niya ko ng kaming dalawa lang muna. Mukhang siya yung pinuno nila.

Limang minuto ang lumipas buhat nang nakaalis yung limang kasama niya at hanggang ngayon tahimik pa rin siya habang nakaupo dun sa upuan. Ako umupo na ko sa sahig dahil masakit na masyado ang pagkakagapos sa paa ko. Maya maya lang din ay bigla na namang bumukas ang isang pinto sa gilid ko kaya napalingon ako dun.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon