CHAPTER 62: PREPARING

540 27 11
                                    

MIYUKI POV

SABADO na ngayon. Ito ang araw ng selebrasyon namin para sa katapusan ng buwan.

Alam kong may kakaiba na namang mangyayari sa araw na ito katulad nalang noong party na ginanap noong nakaraang buwan.

Kaya marapat lang na mag-ingat ako ngayon. Lalo pa at sigurado akong makikilala ko na silang lahat mamaya.

Pool party kami, kaya imposibleng hindi ko sila makilala. Unless kung mga wala silang balak magpakilala pa talaga.

Madali lang naman itago ang mga tattoo nila sa katawan nila.

Bumaba na ako sa kama ko at isa isang tiningnan ang mga kasamahan kong tulog pa.

Si Andrea at Althea parehong nakatalukbong ng kumot. Sobrang lakas kasi ng aircon dito.

Wait!

Wala pa rin si Devi?

Maaga akong nakatulog kagabi kaya hindi ko napansin kung nakabalik na ba siya. Nagkibit balikat nalang ako, marahil ay nauna na yun nagising.

Lumingon naman ako sa kama ni Angel at nandun siya tulog na tulog pero walang Iris siyang katabi.

Nasan naman kaya si Iris?

Muli ay nagkibit balikat ako, marahil ay bumalik na iyon sa kwarto nila.

Dumerecho na ako sa cr para maghilamos.

Pagkalabas ko ng cr ay siya namang pagtunog ng bell para sa paggising namin sa umaga. Sakto rin na nagising na yung tatlo.

Lumabas ako at tumambay lang sa pasilyo.

Nakatayo lang ako habang iniisip kung ano ang mangyayari mamaya.

"Miyuki." Napatingin ako sa pintuan ng kwarto namin nang may tumawag sakin, si Angel iyon.

Salubong ang kilay ko sa pagtawag niya sakin.

"Nakita mo ba si Iris?" Tanong niya sakin.

"Hindi e. Bakit?" Takang tanong ko.

"Wala kasi siya sa kwarto nila, nagpunta na ako dun. Pati sa cr, wala naman siya. Nasan kaya yun." Sunod sunod na sinabi niya. Base pa sa mukha niya na nag-aalala siya para sa kaibigan niya.

"Baka inutusan lang ng guro." Walang ganang sagot ko sa kanya.

"Baka nga. O baka kasama niya rin si Devi. Sige ha pasok na ko." Nakangiting sabi niya sakin. Kumaway pa siya sakin bilang paalam na papasok na siya sa loob. Nakita ko naman na may hawak siyang baraha.

Napailing ako.

Ang aga aga, baraha agad inaatupag niya.

Ilang sandali pa ay tumunog na ang bell hudyat sa pagkain namin sa almusal.

Dali dali na akong nagpunta sa cafeteria.

Pagkarating ko sa cafeteria ay mag-isa lang akong kumakain. Pero maya maya lang ay may tumabi naman sakin.

"Miyuki." Umupo siya sa harap ko at inilapag ang tray niya sa lamesa kung saan ako kumakain.

Kitang kita ko ang mukha ni Angel na parang maiiyak na ewan.

"Bakit?" Walang ganang tanong ko sa kanya.

"Wala pa rin kasi si Iris, nasan kaya yun. Nag-aalala na ako." Malungkot na sabi niya.

Hindi nalang ako sumagot sa sinabi niya tutal wala naman akong isasagot dahil malay ko ba kung nasan si Iris.

Hindi na rin siya nagsalita marahil alam niyang wala naman talaga akong gana na makipag-usap sa kanya.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon