CHAPTER 19: DARK ANGEL

589 51 4
                                    

Hᴇɴɴᴀ Nɪꜱʜɪᴋᴀᴡᴀ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ

Pagkatapos kong magshower ay lumabas kaagad ako sa cr. nagulat na lamang ako sa nakita ko sa buong kwarto namin.

Ano 'to?

Parang dinaanan ng bagyo.

"Ohh, bakit nakatayo ka pa dyan?" Sabi sa likuran ko ni Miyuki dahil tapos na rin siya.

Hindi ko naman siya sinagot at naglakad na ulit.

"Hala! Anong nangyari rito?" Katulad ko nagulat din ito.

Dere-derecho akong naglakad hanggang sa sala namin kasunod ko naman sa likuran ko si Miyuki.

"Bakit may mga dugo rito?"

Oo nga bakit nga kaya may dugo rito sa sahig? At nasaan 'yung ibang ka-roommate namin? Pati ibang gamit dito sa sala nagkalat na lang sa sahig. Basag din 'yung mga vase.

Napahinto naman ako sa paglalakad kasi may naapakan ako sa kanang paa ko.

Basag na salamin?

Nang pulutin ko iyon at pinagmasdan, naalala kong kay Angel ito. Bakit kaya ito basag?

"Henna basa ka pa, nakamedyas ka kaagad?" Puna ni Miyuki sa akin at naglakad na papuntang cabinet.

"Pakialam mo ba?" Sagot ko sa kanya.

Hindi na rin naman siya sumagot. Bwisit to! Pakialamera!

Nagbihis na ko ng uniporme ko at ganoon rin naman si Miyuki. Natapos na ko magbihis at nagtungo na ko sa kama ko at kinuha dun sa ilalim ng unan ko 'yung librong kinuha ko kagabi.

"Dali, magbasa ka na muna ng iilang pangalan dyan bago magbell ulit." Napairap na lamang ako. Kahit hindi naman niya iutos gagawin ko talaga ano.

"Nasaan kaya 'yung ibang ka-roommate natin? Saka bakit kaya ang gulo rito sa kwarto? Mamaya baka nagpatayan na 'yung mga 'yon." Naririnig kong sabi ni Miyuki habang nakaharap sa salamin na nasa dingding. Nagsusuklay ito sa buhok niya.

Hindi ko na lang siya pinansin kakasalita niya at nilapag na 'yung libro sa kama ko. Bale nakaindian seat ako umupo.

Kung titingnan ko itong librong ito more like isa itong year book nung freshmen sila. Bale lahat ng senior nandito, class A to class F. Mga class picture ng bawat klase at isa-isang mga picture nila at may mga pangalan. Pati mga naging advicer nila nandito. Binuklat ko ang libro sa pahina ng klase kung saan ang unang pakay ko.

1ST YEAR-CLASS F

Syempre sa section muna namin ako mag sisimula. Kagaya nung unang kita ko, class picture ng class F ang unang bumungad sa akin. Ito 'yung picture na may mga buradong mukha ng mga ibang class F. Binasa ko muna 'yung class officers nila.

CLASS OFFICERS:

President- LANCE SALCEDO

Vice President- ALTHEA FARREL

Bigla akong natawa nang mahina nang mabasa ko 'to. Isang presidenteng batugan na walang ginawa kundi matulog sa klase at isang vice president na walang ginawa kundi mag-umpisa ng gulo? Talaga naman pa lang may future ang klase ng class F kung ganyan rin naman ang mga officers jusko!

"Bakit tumatawa ka?" Nasa tabi ko na si Miyuki at nakakunot ang noo.

Inirapan ko lang siya then tumingin siya sa libro at nakita niya kung ano 'yung tinawanan ko.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon