LANCE POV
Nakapasok na lahat ng kaklase ko rito sa classroom kasabay nang pagtigil ni Henna na titigan sila isa isa. Kanina ko pa siya pinakikiramdaman at base sa kinikilos niya mukhang iniisa isa niya ang mga pangalan ng mga kaklase ko.
Bumubuo kaya siya ng salitang demons sa mga pangalan ng mga kaklase namin?
Napangiti talaga ako sa isipan kong iyon.
Muli, pinapahanga mo talaga ako Jyl.
SOMEONE POV
Pumasok na lahat ng mga kaklase ko at kanina ko pa napapansin si Henna na iba ang kinikilos niya at ang pagtitig niya sa bawat kaklase namin.
Bakit kaya?
Naiinis ako dahil ang hirap niya talagang basahin.
Maya maya dumating na rin si teacher Flloyd. Mag-uumpisa na sana siyang maglecture nang biglang pumasok ang tatlong kaklase namin.
"Oh god! Buti naman buhay pa kayo."
Umupo na sina Xander, Jamina at Feith sa kani kanilang mga upuan na may mga pasa pa sa kanilang mga braso.
Napangisi tuloy ako sa mga istura nila, mukhang pinapak sila ng mga mababait na alaga namin sa loob ng punishment room.
Mabilis na natapos ang klase namin kay teacher Flloyd. Palabas na nga sana siya ng classroom nang may isang gwardya na pumasok na may dala dalang malalaking tatlong kahon.
Muli, napangisi ako sa tatlong kahon na iyon. Ang magandang handog namin para sa kanila.
LEIZY POV
"Sir, padala raw po kila Farrel, Marquez at Louver itong tatlong kahon na ito." Sabi ng gwardya habang isa isang binabasa yung maliit na papel na nakadikit sa bawat kahon.
"Kanino galing?" Excited na tanong ng tatlo at nagtungo na papunta sa lamesa ni teacher Flloyd dahil dun pinatong ng gwardya yung tatlong kahon.
"Hindi ko po alam Miss Inutos lang po yan sa akin na dalhin po rito." Magalang na sabi ng gwardya at lumabas na ng classroom.
Kung titingnan ko ang tatlong kahon, mukhang mamahalin ang nasa loob nun dahil ang ganda ng pagkakakabalot nito sa kahon at ang ganda pa ng mga desenyo. Napapalibutan ng mga dayamente ang palibot sa tatlong kahon at may napakalaking ribbon pa ito sa gitna.
"Galing kay Alexandra?" Pagtataka ang gumuhit sa mukha ng tatlo nang mabasa nila yung papel kung kanino galing.
"Akala ko patay na si Alexandra?"
Bulungan ng mga kaklase ko.
Nagkatinginan muna yung tatlo bago naisipang buksan ang mga kahon nila pero nakahawak pa lang naman sila sa ribbon nang biglang nagsalita si Iris.
"Kung ako sayo Althea, hindi ko na babalaking buksan pa yan." Pang-asar ni Iris na sinamahan pa nang pagtawa.
"Sabihin mo lang Iris kung naiinggit ka." Pang-asar rin na sagot ni Althea at sabay sabay na nga nilang kinalas ang pagkakaayos sa ribbon.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Misterio / SuspensoHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...