PHOEMELA POV
Nagising ako sa tunog ng bell na pampagising sa amin. Umupo ako sa kama ko at tiningnan isa isa ang mga karoommate ko, mga nakahiga pa rin sila. Napailing na lang ako, napakatulog mantika talaga nitong mga to.
Liningon ko sa tabi ko sa kabilang kama si Jamina pero walang Jamina dun. Mabilis akong bumaba sa kama ko. Pagkababa ko nakita ko sa ilalim ng kama ko si Feith na nakahiga sa kama niya nakatalukbong ng kumot ang buong katawan. Kahit naman nakatalukbong siya alam kong si Feith yan dahil higaan naman niya yan.
Napabaling naman ang tingin ko sa kamang katabi namin kung saan ang higaan ni Jessie na kaklase namin na namatay na rin sa kamay ng mga killers, may nakahiga dun nakatalukbong rin siya ng kumot pero nakalabas ang mahabang buhok niya. Mukhang si Jamina yun. Since wala naman na si Jessie dun kaya marahil dun na siya natulog.
Tumalikod na ko para magtungo sa cr pero napalingon rin agad ako kila Jamina at Feith na nakataklob pa rin sa kumot.
Alam kong malamig dito sa kwarto pero parang ang OA naman kung nakatalukbong sila at straight na straight pa ang pagkakahiga nila.
Ay teka!
Naiihi na nga pala ako.
Tumakbo na ako sa loob ng cr.
Pagkatapos ko maghilamos at magcr ay lumabas na nga ako. Paglabas ko gising naman na ang mga kasamahan ko, nakaupo na sila sa kani kanilang kama. Umupo rin ako sa kama ni Feith na tulog na tulog pa rin.
"Hoy Feith gising na." Tapik ko sa paa niya pero hindi man lang siya gumalaw.
"Nagtalukbong na yung dalawa sa sobrang takot na mamatay." Binigyan ko ng masamang tingin si Elisse. Nagpeace sign lang siya sa akin.
Baliw talaga to. Nang-aasar pa.
Bumaba na si Dianne sa kama niya at umupo sa kama ni Kaye since si Kaye ang nasa ibaba nito pati si Marianne ay bumaba na rin sa kama niya at umupo sa tabi ni Elisse since si Elisse ang nasa ibaba niya.
"Gisingin na natin sila hoy. Malate pa tayo sa pagkain."
Nakaupo lang ako rito sa kama ni Feith at inalog alog ang paa niya para magising na siya. Si Elisse naman ay nagpunta kay Jamina para gisingin rin.
"Hoy Jamina gising na---KYAAHH~"
Nagulat ako sa pagsigaw ni Elisse. Nakaupo na siya ngayon sa lapag na takot na takot ang itsura.
"Bakit Elisse?" Natatarantang tanong ng mga kasamahan ko kay Elisse kaya nagtaka rin ako na tumayo at lumapit sa kama ni Jamina dahil dun siya nakaturo.
"Bakit anong meron?" Tanong ko pero ako rin ang nakasagot sa tanong ko na iyon.
"Shit!" Mura ko nang makita ko ang istura ni Jamina na putlang putla na ang kulay.
Nang hawiin ko ang kumot niya hanggang sa katawan niya ay napaupo rin ako sa gulat at sa takot na nakikita ko kay Jamina.
"Bakit?"
Tanong ng mga kasamahan ko at dumerecho sa kinaroroonan ni Jamina.
"Ohh shit!"
Sigaw rin ng mga kaibigan ko nang makita nila ang itsura ni Jamina. Nakahubo't hubad siya at sa dibdib nito ay may nakalagay na you're next to die at ang mas malala pa sa lahat ay butas na naman ang dibdib niya.
"Si Feith rin ba?" Nanginginig na tanong ni Marianne.
"Ikaw na Kaye. Buksan mo na."
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Misterio / SuspensoHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...