MIYUKI POV
Nagpatuloy nga ang klase namin pagkatapos naming lahat makapaligo at makapagbihis ulit. Pagbalik namin sa classroom ay malinis na ulit ito dahil sa mga janitor.
Nandito na kami ngayon sa cafeteria, kasama na namin si Henna. Ngayon na nga lang ulit namin siya nakasama pagkatapos ng nangyari sa kanya nung gabi na nakita namin na may malaking sugat siya sa mukha niya. Ngayon, humilom naman na ang sugat niya na iyon. Ngayon lang namin siya nakasama sa pagkain dahil kapag tatabi na kami sa tabi niya ay aalis naman ito agad at hahanap ng ibang upuan. Nagtaka nga ako dahil hindi naman niya ginawa iyon ngayon. Pero okay na rin yun at least kasama na ulit namin siya. Kasama namin siya pero gaya ng dati ang tahimik niya pa rin. Nasa katabing lamesa naman namin si Lance na nag-iisa at panay ang sulyap dito sa lamesa namin.
"Ang tahimik mo naman Henna." Puna ni Jansen kay Henna. Hindi naman siya nito sinagot ni hindi nga niya ito liningon.
Napatawa tuloy ako sa sarili ko sa sinabi na iyon ni Jansen.
Palagi naman talaga siyang tahimik.
Pinag-uusapan nila Leizy, Devi at Jansen kung ano ang isusuot nila sa darating na pagdiriwang sa katapusan. Habang ako nakikinig lang naman ako sa kanila at pinagmamasdan si Henna habang kumakain siya. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin maisip ang dahilan kung bakit hindi man lang siya gumagamit ng kutsilyo kapag kumakain. Kutsara, tinidor at kutsilyo kasi ang gamit namin sa pagkain. Madalas kasi karne ang kinakain namin na kinakailangan gumamit ng kutsilyo pero siya hindi man lang siya gumagamit ng kutsilyo para himayin ang karne niya.
"May kutsilyo naman Henna bakit nagpapakahirap ka dyan." Sabi ni Jansen kay Henna.
Tiningnan siya ni Henna, akala ko sasagot si Henna sa kanya pero yun pala, para irapan lang niya si Jansen.
Muli, napaisip ako kung bakit ba ganun siya. Marami na akong bagay na pinagtataka sa kanya. Una kung bakit kailangan palagi siyang nakamedyas, as in hindi niya man lang ito hinuhubad although papalit palit naman siya ng medyas. Wala pang araw o di kaya oras na hindi ko man lang siya nakita na hindi nakamedyas. Pangalawa, yung hindi niya paggamit ng kutsilyo kapag kakain siya. Isa siyang Nishikawa, I mean galing siya sa mayamang pamilya dapat marunong siya gumamit nun kapag kakain. At ang panghuli ay kung totoo bang isa siya sa mga killers na si Lance mismo ang nagsabi? Dahil sa napag-alaman ko sa sinabi ni Xander sa amin ay tumugma ang apelido niya sa salitang demons.
"Ito Henna o hiramin mo muna to."
"Hala!"
Napatingin kami lahat kay Henna, pati ang iilang estudyante rito sa cafeteria ay napatingin sa amin. Dahil nahihirapan nga siyang hiwain yung karne niya ay kaya pinahiram siya muna ng kutsilyo ni Jansen pero nang ilahad niya iyon sa harap ni Henna ay tinapik lang ito ni Henna ng kamay niya kaya nahulog ito sa sahig. Buti na nga lang ay hindi naman tumalsik ng malayo yung kutsilyo kung hindi ay baka may natamaan na nun.
"Ahh sorry Henna, ano kasi." Parang natatakot na kinakabahan si Jansen kay Henna.
Tatayo na sana si Henna para umalis na sa cafeteria nang bigla rin siyang napaupo agad nang may isang taong pinuwersa siyang umupo ulit---si Lance.
"Ano ba!" Sigaw niya kay Lance.
"Kumain ka." Walang ganang sabi niya kay Henna.
"Kumain na ko." Naiiritang sagot niya.
"Kumain ka? Tatlong subo pa lang? Kain na ba yun?"
"Pakialam mo ba?" Sigaw ni Henna pero hind naman siya pinansin ni Lance.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Mystery / ThrillerHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...