MIYUKI POV
Tatlong araw ang lumipas, pagkatapos nang nangyari sa classroom namin at hanggang ngayon hindi pa rin nagkakamalay si Henna at tatlong araw na ring hindi pumapasok si Lance. Para bang naulit lang ito nung nakaraan na nakita namin ang ulo ni Tyron Lee ng class B sa mismong classroom namin.
Akala ko nung araw na nawalan ng malay si Henna, akala ko sinaksak siya ni Lance pero oo sinaksak nga siya---sinaksak siya ng injection ng pampakalma na may kasama ng pampatulog at hanggang ngayon nga ay hindi pa rin siya gising. Kung para saan yung ginawa ni Lance na yun kay Henna ay hindi ko alam.
Maraming nangyari sa loob ng tatlong araw. Una, nawawala pa rin si Shannel. Pangalawa, inasukahan na ako na isa ako sa killers dahil sa sinabi sa akin ni Henna nung araw na nagkagulo sa klase namin. Pangatlo, namatay na si Xander. Nakita na lang namin ang pira piraso niyang katawan sa loob ng mga drawer namin ng class F. Nung una akala namin kung kaninong katawan yun pero nung pagpasok namin nun sa classroom ay kitang kita namin ang ulo ni Xander na nasa ibabaw ng lamesa ng guro namin, kaya nalaman namin na sa kanya yung mga pira pirasong katawan na iyon.
Alam naman namin na hindi rin talaga magtatagal ang buhay niya dahil nagbalak siyang sabihin sa amin kung sino sino ang mga killers. Bago siya namatay may iniwan siyang palaisipan sa amin. May iniwan siyang papel kay Lorenzo at si Lorenzo ang nagbasa nun mismo sa harapan ng klase namin.
Sa salitang demons, hindi mga pangalan ang kailangang buuin para makabuo ka ng salitang demons, kundi sa mga apelido nila. Ang apat ay sa unahang letra at ang dalawa ay sa panghuling letra. Tatlo sa section natin ang killers. Dalawang lalaki at isang babae. Dalawa naman sa class A, isang lalaki at isang babae. At ang bubuo sa lahat ang kanilang pinuno si...
Hanggang doon lang ang sinasabi ng sulat niya. Naputol na ito marahil ay alam na niya sa mga oras na yun ay oras na nga niya. Since hintuturo na lang ang natira sa kamay ni Xander ay mukhang iyon ang pinanggamit niya na pangsulat. Hindi namin naintindihan ang sulat niya nun, masyadong magulo dahil hintuturo nga lang malamang ang pinanggamit niya kaya halos inabot pa ng isang araw bago namin yun nabasa ng maayos.
Pagkatapos namin nalaman yung sa salitang demons ay kinabukasan naman nun nakita na lang ng mga kaklase naming lalaki ang katawan ni Lorenzo sa loob mismo ng banyo nila. Naliligo ito sa sariling dugo at katulad sa ibang pinatay ng mga killers, butas rin ang dibdib niya.
Iilan lang yan sa mga naganap ng tatlong araw. Dalawa sa kaklase namin ang namatay at meron rin sa ibang section. Halos oras oras siguro may namamatay na estudyante.
Uwian na namin ngayon kaya nagpasya kaming dalawin namin sa infirmary si Henna. Tatatlo ang infirmary dito, isa sa main building at tig-isa rin sa mga dormitoryo ng lalaki at ng babae. Dinala si Henna sa main building at dahil tapos na nga ang klase namin kaya doon na kami dederecho. Nasa ikatlong palapag iyon ng gusaling ito.
Nandito na kami sa tapat ng infirmary, kumatok ako ng tatlong beses. Maya maya lang rin naman ay bumukas na iyon. Nagulat na nga lang kami kung sino ang nagbukas nun, si manang Angge.
"Pasok kayo." Nakangiting bati niya sa amin.
Ngumiti naman kami bilang paggalang. Pumasok na kami nila Leizy, Devi at Jansen.
Pagpasok namin nakita namin si Lance na nakaupo sa gilid ng kama ni Henna at nakasubsob ang ulo sa kama nito. Mukhang natutulog na naman siya. Tatlong araw rin siyang liban sa klase, magdamagan niya talagang binabantayan si Henna.
Lumapit ako sa kama ni Henna habang yung tatlong kasama ko ay umupo sa sofa.
"Hindi pa rin pala siya nagigising." Sabi ko out loud at nagulat ako nang tumingala sa pagkakayuko si Lance.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Mystery / ThrillerHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...