HENNA POV
Kahit kelan talaga napakachismosa nitong Miyuki na to. Kanina ko pa ramdam na gising pa rin siya kaya nga hindi ako makatayo para lumabas ng kwarto dahil alam ko naman na magtatanong tanong siya at ang malala ay susundan niya pa ako. Isama mo pa na lalo akong natagalan sa Angge na yun. Ang tagal pang umalis ng kwarto bwisit! Kaya nung pag-alis nung Angge na yun ay lumabas na ako kahit alam ko naman na posibleng sundan ako ni Miyuki. Hinayaan ko na lang kesa naman hindi ko magawa kung ano ba ang dapat na gawin ko ngayon.
"San ba tayo pupunta Henna?" Paulit ulit na tanong niya. Hindi ko naman siya sinasagot.
Siya na nga lang sumusunod kailangan ba sasagutin ko rin ang mga tanong niya? Tsk!
Lumabas na kami nang bumukas na ang elevator hudyat na nasa ikalawang palapag na kami. Naglakad na ako at sinusundan lang naman niya ako pero bigla rin akong napahinto nang may naaninag akong liwanag na nagmula sa pinakadulo ng palapag na ito. Dali dali akong bumalik sa loob ng elevator. Nagtaka man si Miyuki ay pumasok rin siya sa loob.
Bwisit! May gising pa pala ng ganitong oras?
Wala akong magagawa, hindi ko na magagawa ang dapat na pakay ko pero dahil nandito na rin naman ako kailangan ko gumawa ng ibang paraan para malaman ang mga ibang katanungan ko sa isipan ko.
Tama!
"San ba talaga tayo pupunta Henna?" Tanong niya na naman nang pinindot ko ang elevator patungo sa pinakababang palapag. Muli, hindi ko na naman siya sinagot.
Pagkalabas namin ng elevator, maliwanag naman na. Gaya nga ng sinabi nila Miyuki ang ikalawang palapag lang ang madilim kapag ganitong oras. Maliwanag dito pero walang nagbabantay na gwardya kaya nakalabas naman ako, si Miyuki ay nakasunod lang naman sakin na tahimik na.
Mabuti naman!
Pagkalabas namin ng gusali namin ay malamang na medyo madilim dahil nasa may school ground na kami. Naglalakad ako patungo sa fountain. Tahimik lang naman sa tabi ko si Miyuki. Mula rito sa kinalalakaran ko, nakikita ko ang itsura ng gusali na kinatatakutan nila. Mas kakaiba pala siya kapag gabi. Huminto ako sa paglalakad na ikinapagtaka ni Miyuki sa tabi ko.
"Bakit Henna?" Tanong niya at naramdaman ko pang lumingon siya sa likuran namin. Hindi ko siya pinansin at tinitigan ko lang ang gusali na yun.
MIYUKI POV
Nakatayo kami dito sa labas kung saan ang school ground. Pinagmamasdan ko lang si Henna at kanina pa ako nagtataka sa mga pinaggagagawa niya. Ginugulo gulo niya kasi ang ulo niya. I mean pipihitin niya ito pagilid sa kaliwa niya at pagilid din niya sa kanan niya habang nakatingin sa building 4. Nagulat na lang ako ng biglang siyang tumalikod at yumuko na pabaligtad. Bale ang itsura niya nakatayo siya at yinuko ang ulo niya pababa na papunta sa mga binti niya bale ang itsura na niya ngayon ay nakabaligtad ang ulo niya. Nagtaka man ako sa mga pinaggagawa niya ay hindi ko rin mapigilang hindi magulat sa reaksyon na ipinakita niya.
Nakita ko kung papaano siya magulat na sinamahan ito ng pagkakunot ng noo niya. Bigla rin naman siyang tumayo ng tuwid at humarap na kung saan nakaharap na siya sa gusaling tinitingnan niya. Kitang kita ko pa rin sa mukha niya ang pagkagulat niya rito. Wala sa isip na ginawa ko ang ginawa niya kanina. Nang nakabaligtad na ang ulo ko at makita ko ang building 4 ay halos matumba ako sa nakita kong itsura nun. Liningon ako ni Henna nang nakita niyang natumba na nga ako sa lupa. Humawak ako sa ulo ko at agad na tumayo.
Hindi ako pupwedeng magkamali. Kitang kita ko kung ano ang itsura ng gusaling yun. Isang Leon na nakanganga na para bang gustong mangain ng tao. Ganun lang pala ang dapat na gawin, para masagot ko kung bakit kakaiba ang itsura ng gusaling yun. Pero ano kayang ibig sabihin nun? Napunta ang atenyon ko kay Henna na naglalakad na patungo sa fountain kung saan nasa pinakagitna ng school ground. Nagtataka man ako kung anong gagawin niya roon ay sinundan ko pa rin siya.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Mystery / ThrillerHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...