Hᴇɴɴᴀ Nɪꜱʜɪᴋᴀᴡᴀ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ
Mabilis akong natapos maghapunan. Kasama ko sina Miyuki, Leizy, Devi at Jansen. Hindi pa nila nakakalahati 'yung kinakain nila kasi daldalan sila ng daldalan samantalang ako, natapos ako kaagad. Tumayo na ko, hindi na ko nagpaalam sa kanila. Nakikita naman ata nila na tapos na ko kumain diba? Tinatawag-tawag pa nila ako. Hindi naman ako lumilingon kaya 'yung iba sa paligid nakatingin na naman sa akin. Tsk!
Pagkalabas ko ng cafeteria nagmadali na akong makapunta sa elevator para makaakyat ako kaagad sa ikaanim na palapag. May kailangan lamang akong alamin bago sila lahat matapos kumain.
Nandito na ko sa ikaanim na palapag. Lumingon-lingon pa ko sa likuran ko kung may nakasunod sa akin. Wala pa naman kahit papaano at wala rin naman akong nararamdaman na kakaiba.
Pinihit ko kaagad ang seradura ng pinto ng kwarto namin at ni-lock kaagad ito. Dere-derecho akong pumasok hanggang sa pinakadulo ng kwarto kung saan nandoon ang dalawang pintong magkaharap. Dahil alam ko naman na kung anong pinto ang nasa kaliwa ko---ang cr kaya sa kanan na ako dumerecho. Gusto kong malaman kung anong kwarto 'yon. Mukhang may kakaiba dun sa kwarto na 'yon. Kakaiba kasi ang pakiramdam ko na hindi lang 'yon simpleng kwarto.
Nandito na ko sa tapat ng pinto na kailangan ko. Pagpihit ko sa seradura ay bumukas kaagad ito. Pagpasok ko, bumungad sa akin ang dalawang cubicle.
Isa rin itong cr?
Cr din pala ito? Eh bakit kahapon nang buksan ko ito ay nakalock ito? Napasapo ako sa noo ko. Malamang baka may tao nung araw na 'yon. Duh!
Lumabas kaagad ako at dumerecho sa kama ko...
Kaya lang hindi pa naman ako nakakaupo ay parang may kakaiba sa paligid? Yumuko ako para tingnan 'yung drawer na nasa tabi ng kama ko.
Iris Fajardo
Nakalagay sa hawakan ng drawer. Pinagmasdan ko ang buong kwarto, pareho na pareho sa kwarto namin ito pati sa sala at sa mga higaan. Pero shit! Ibang kwarto ang napasok ko. Tanga!
Nagmadali akong lumabas at buti naman wala pa ring tao sa pasilyo kaya kaagad akong nagmadali papunta sa kwarto namin. Dumerecho kaagad ako sa pinto na pakay ko.
Hindi nga ako nagulat nang pihitin ko ang seradura at hindi ito bumukas. Posible bang cr din ito? Eh bakit naman nakasara ito? Di kaya may nauna na sa akin dito?
May mawawala sa akin kung hindi ko ito susubukan ngunit walang mawawala sa akin kung susubukan ko ito. Kaya kinuha ko sa bulsa ng short ko ang hair clip na bigay niya. Ini-straight ko ito at ipinasok sa keyhole at maya-maya lang may nagclick na sounds. Senyales na nagtagumpay ako. Napangisi na lamang ako nang mabuksan ko ito. Pagpihit ko sa seradura at buksan na ito, bumungad sa akin ang madilim na kwarto. Binuksan ko pa lalo ang pinto kaya nagkaroon naman ng liwanag kahit papaano na nanggagagaling sa mismong kwarto namin.
Ano kaya ito?
Hindi naman ito cr. Walang kahit ano na gamit na nandito. Hindi na ko pumasok pa sa pinakaloob na loob baka may makakita sa akin kaya nagmadali na kong lumabas at kaagad na nilock din iyon.
Dumerecho ako sa kama ko na iniisip pa rin kung bakit kakaiba 'yung kwartong 'yon kaysa sa kwarto sa kabila. Hindi kaya tanging kwarto lamang namin ang naiiba sa lahat ng kwarto? Humiga ako sa kama ko na nakadapa at nag-isip. Maya-maya naman ay narinig ko na may nagbukas ng pinto. Hindi ko kilala kung sino ang pangahas na pumasok dahil hindi naman siya nagsalita at lalong hindi ako lumingon dahil wala akong pakialam sa kanya.
"Masakit ba ang tiyan mo?" Tanong niya at naramdaman kong humiga rin siya sa katabing kama ko. Nabosesan ko siya---si Angel.
Hindi ko siya sinagot o nilingon man lang. Narinig ko na lamang na bumungisngis ito ng mahina.
Bakit ko siya sasagutin? Close ba kami? Saka kausapin niya ko kapag nakaharap ako sa kanya,. Hindi 'yung kagaya nito na nakadapa ako. Tatanga-tanga talaga mga tao rito.
Maya-maya lang din umingay na naman. Malamang nandito na naman ang grupo nila Althea. Narinig ko na rin ang boses nila Devi at Miyuki. Tinanong rin nila ako kung masakit ba ang tiyan ko. Tumango na lamang ako para tigilan na muna nila ako. Masyado silang istorbo! Saka porket ba nakadapa masakit na kaagad ang tyan? Di talaga nag-iisip ang mga estudyante rito. Bwisit!
Nag-iisip ako kung papaano ako makakatakas mamaya nang walang makakakita sa akin at makakahuli sa akin. 10 PM ang curfew, papano ako makakalabas ng kwarto na ito papunta sa ikalawang palapag ng gusaling ito ng walang makakakita sa akin?
Kailangan kong makuha ang libro doon sa lumang library. Pero kailangan ko rin alamin kung ano bang mayroon sa kwarto na nandito sa kwarto namin. Alin kaya sa dalawa ang dapat kong unahin? At papaano kaya ako makakatakas? Ang iingay ng mga kasama ko rito hindi ako makaconcentrate. Bwisit!
***
Eksaktong 9 PM nang magising ako. Nakatulog pala ako kakaisip kanina kung ano ba ang uunahin ko sa dalawa. Umupo ako sa kama ko at nilibot ang paningin ko sa buong kwarto namin. Wala sila Althea pati 'yung tatlong alipores nito. Wala rin si Devi pati si Angel wala rin. Si Miyuki naman nasa itaas ko kasi naramdaman kong gumalaw ito. Hindi ko nga lang alam kung tulog ba siya o patay na ba siya tsk! Pakialam ko naman.
Nagbell na, hudyat na curfew na at kailangan ng pumasok ng mga estudyante sa kani-kanilang kwarto.
10 PM, ito ang oras na hinihintay ko.
Isa-isang pumapasok rito ang maiingay kong mga ka-roommate ko. Isa-isa rin silang naligo at nagsipagtulog na nga. Pangalawa ako sa huling naligo, pinakahuli si Miyuki. Then humiga na ako ulit sa kama ko at nagkunyareng matutulog. Nakapatay na ang ilaw at bukod tanging lampshade na lamang ang nanatiling nakailaw.
Pinipilit kong huwag gumalaw-galaw sa kama ko para maramdaman ko kung tulog na ba ang lahat. Naririnig ko pa naman na nagku-kwentuhan sila Althea. Mga nakakairitang boses na lamang naman nila ang naririnig ko.
Halos isang oras din akong naghintay ng wala na akong naririnig na ano mang ingay. Ngunit kailangan ko pa munang makasiguro para wala talagang makakapansin sa akin. Naghintay pa ako ng isang oras at saktong 1 AM na nang dahan-dahan na akong tumayo.
Nakasuot ako ng jacket at dala-dala sa loob ng jacket ko ang latigo ko habang dala-dala ko naman sa kanang kamay ko ang isang flashlight. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto na pupuntahan ko.
Oo ito muna ang uunahin ko.
Nilabas ko na ang hair clip ko at pinasok sa keyhole at dahan-dahang pinihit ang seradura. Lumingon muna ako sa buong kwarto namin. Wala namang gising kaya pumasok na kaagad ako sa loob. Pagpasok ko, dahan-dahan ko ring sinara ito at nilock.
Sobrang dilim.
Lalo't nakasara na ang pinto kaya naman binuksan ko ang flashlight na dala-dala ko.
Isang direchong daan ang naaninag ng aking flashlight. Mukhang mahaba-habang byahe 'to ha? Nagsimula na akong maglakad habang sinusundan ang liwanag na binibigay ng dala kong flashlight. Tanging liwanag lamang nito ang nagbibigay sa akin para makakita sa dinadaanan ko ngayon.
Lakad...
Lakad...
Lakad...
Halos 20 minuto na akong naglalakad at sa 20 minuto na 'yon iisa lang ang napansin ko.
Unti-unting sumisikip ang dinadaanan ko.
Pasikip nang pasikip hanggang sa isang dangkal na lamang ang pagitan ko mula sa pader hanggang sa kinatatayuan ko.
Ano 'to?
Naglakad pa ako nang tatlong hakbang at naaninag ko sa flashlight ang---isa pang pinto?
Pinihit ko ang seradura at hindi naman ito nakalock.
Ano 'to? Isa na namang kwarto?
Pumasok ako, kagaya kanina madilim pa rin sa kwartong ito. Tanging liwanag na naman ng flashlight ang nakikita ko. Patalikod kong isinasara ang pinto. Dahan-dahan---para mahuli ko siya.
Hindi nga ako nagkamali nang hawakan niya ako sa balikat ngunit kaagad kong hinawakan ang kamay niya at pinihit ito patalikod sa kanya. Marahas at mabilis ko siyang sinandal sa dingding.
"Argh! Argh! Henna, ako 'to."
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
غموض / إثارةHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...