CHAPTER 25: PLAN

591 43 0
                                    

HENNA POV

Hapon na ng makarating ako sa kwarto namin.

"Henna~" Sigaw agad ni Miyuki pagkapasok ko pa lang sa kwarto.

Yayakapin pa niya sana ako pero bigla akong lumihis ng daan para di siya makalapit saa kin kaya napasubsob siya sa pintuan.

"Ouch!" Mahinang daing niya.

Umirap lang ako habang naglakad na papunta sa kama ko.

"Dahil nandito na siya may magaganap na naman na patayan." Sabi ni Althea.

Sumang-ayon yung dalawang alipores niya sa sinabi niya.

Hindi ko sila pinansin at dere-derecho lang akong naglakad patungo sa kama ko.

"Kamusta na ang pakiramdam mo Henna?" Tanong ni Angel sa akin pagkarating ko sa kama ko.

Hindi ko siya tiningnan dahil wala akong balak sagutin ang tanong niya.

Pakialam niya ba sa pakiramdam ko? Tsk!

Umupo ako sa kama ko at kinapa ang libro na nasa ilalim ng unan ko pero---wala na ito dun.

Shit! Sinong pangahas ang kumuha nun.






LEIZY POV

"Apat na araw ng nawawala si Alexandra ha? Kamusta na kaya siya?"

"Kinakamusta mo pa, patay na yun malamang."

"Buti nga sa kanya."

Pinapakinggan ko lang yung mga kaklase kong pinag-uusapan si Alexandra.

Nandito kami sa kwarto namin at naghihintay na lang nga kami para sa hapunan namin.

Nasa sala sila Gelie, Janna, Cassandra at Mariz, naglalaro ng baraha habang si Alexandra ang topic nila. Si Iris naman tulog sa kama niya, malapit siya rito sa kinaroroonan ng kama ko habang si Jansen na nasa itaas ko ay gumagawa ata ng assignment, nakita ko kasi kanina na nagsusulat siya roon.

Ang sipag sipag niya talaga tsk!

Habang ako nakahiga lang dito sa kama ko at naghihintay lang ng bell para sa hapunan namin. Patuloy pa rin sa pagdadaldalan yung apat sa sala, may halakhak pang mga kasama.

"Guys, pakihinaan naman ang boses niyo." Pakiusap ni Iris, mukhang naistorbo ang pagtulog niya.

"Okay Iris."

Tumahimik na nga sila, although nagsasalita pa naman sila pero hindi na nga lang ganun kalakas gaya kanina.

Iniisip ko lang, apat na araw walang malay si Henna, apat na araw na ring nawawala si Alexandra at apat na araw na rin walang namamatay sa isa sa mga seniors.

Bakit kaya?

Nakakapagtaka naman ata na tumigil sila?

Hihintayin ba nila ulit matapos ang tatlong taon bago ulit sila pumatay? Napailing ako sa isipan kong iyon. Kung nagkataon na maghintay ulit sila ng tatlong taon, marahil ay lahat na kami nakagraduate nun at mga nasa kolehiyo na kami nun. Pero bakit kaya sila tumigil?

May kinalaman kaya dito ang pagkawala ni Alexandra? O ang pagkawalang malay ni Henna ng apat na araw?

"Malalim ata ang iniisip mo?" Napalingon ako sa nagsalita nun---si Jansen.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon