EPILOGUE

1K 42 17
                                    

Congrats! Kung nakarating ka sa chapter na ito, natapos mo na ang story. Yes! This is the epilogue guys pero may next part pa akong ilalagay. Ang special chapter ni Tomoyo pero nakaprivate siya. Yung mga nakafollow lang sakin ang makakabasa nun xD basahin niyo yun kasi importante yun para malaman niyo kung anong role ni Tomoyo sa lahat ng Class F. Lol.

For the last time, hit vote and comment if you liked this story. Komawo!














***

"We have done our best to prove that we deserved to be here..." Huminto muna siya magsalita at ngumiti sa mga estudyante na nasa harapan niya, bago nagpatuloy.

"...to be seniors." Pagkatapos niya sabihin yun ay lumingon siya sakin---dito sa kinauupuan ko, ngumiti siya sakin pero tiningnan ko lang naman siya.

Sumulyap pa siya sa dalawang tao na nasa kanan ko, ang Head Mistress at si ama bago humarap ulit sa mga estudyante na nakaupo sa harapan niya.

"And with the dynamic leadership of our Head Mistress, Mrs. Lanmarie Vergara and our President, Mr. Lion Nishikawa, we seniors offer the best our skills and tallents, to give glory and honor to God, to our country and to our Alma Mater. Huminto siya saglit at hinawakan ang mikropono na nakatayo sa may harapan niya.

"This time we are about to depart from the glories of our high school days, reminiscing the past would be the sweetest thing to do. All the obstacle we have overcome, the good memories and laughters that we shared, the friendship, anxieties and heartaches that we experienced here at HELLENA HIGH SCHOOL will forever be etched in our memory." Kinuha niya ang mikropono na nasa stand nito at naglakad siya papunta sa pinakasentro ng entablado.

"Again happy graduation day to us classmates and batchmates." Masayang bati niya sa lahat kasabay nang pagyuko niya sa harap ng lahat ng estudyante na nasa harapan niya.

"Woooooooooooooo~"

Sigawan, hiyawan at palakpakan ang sinalubong sa kanya ng lahat ng estudyante. Ang ilan ay napatayo pa habang pumapalakpak dahil sa speech na ginawa niya. Ang ilan naman ay mga nakaupo at nagpupunas ng mga luha nila sa kanilang mga mukha, isa na nga doon ang katabi ko sa kanan ko na si Mrs. Vergara.

Napahalukipkip na lang ako sa mga kadramahan nila.

Tumayo si Mrs. Vergara at naglakad patungo sa mikropono na nakatayo sa may gilid ng entablado na to, yung pinanggalingan niya kanina. Tumayo siya dun at nagsalita.

"Congrats insan." Bati niya sakin pagkaupo na pagkaupo niya sa tabi ko, ang pinsan ko na si Jace Sacuevo ng class A.

Imbes na magpasalamat ako sa kanya ay inasar ko pa siya.

"Nice speech Mr. Valedictorian." Pang-asar ko sa kanya habang nakatingin lang ako sa Head Mistress na nagsasalita sa harapan namin. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jace.

"Sayo rin kanina Miss Salutatorian." Nilingon ko siya at inirapan. Tumawa na naman siya pero sa Head Mistress lang nakatuon ang paningin niya.

Anong nice sa napakaiksi kong speech kanina? Tsk!

Bumaling na lang ulit ako sa Head Mistress.

"And now, let's give the graduates a round of applause." Malakas na sigaw ng Head Mistress.

Sa sobrang lakas ng boses niya sa mikropono ay para bang rinig na iyon hanggang sa kagubatan. Sobrang lapad ng pagkakangiti niya.

OO GRADUATE NA RIN AKO.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon