CHAPTER 7: 3 AM

636 59 2
                                    

Mɪʏᴜᴋɪ Sɪʟᴠᴇꜱᴛʀᴇ Pᴏɪɴᴛ ᴏғ Vɪᴇᴡ


"Tama ako diba Miyuki?" Sinasabi iyon ni Lance ngunit hindi naman siya nakatingin sa akin kundi kay Henna. Para bang may ibig sabihin siya dun sa sinabi niya.

Kung titingnan ko si Lance ngayon, mukhang interesado siya kay Henna. Kung nagkaganun, ito ang unang beses na nagkainterest si Lance sa isang tao bukod sa kanya.

"Pero kung isa ka naman sa kanila, hindi mo naman tatapusin ang sarili mo, hindi ba?" Nakaharap pa rin siya kay Henna.

Ganoon pa rin naman ang reaksyon ni Henna. Para bang hinihintay niya lang na matapos sa pagsasalita si Lance.

Sa madaling salita, sinasabi ni Lance na isa rin siya sa kanila---sa mga killers.

"Isa kang Nishikawa, hindi ba?" Nakaupo na si Lance sa tabi ko na kaharap ni Henna. "At alam mo bang isang Nishikawa ang nakaisip ng larong ito?" Sa sinabing iyon ni Lance napakunot noo si Henna ngunit saglit lamang din iyon. Tumawa naman ng mahina si Lance sa reaksyon na iyon ni Henna. "Pinadala ka ba rito para isa-isahin kaming patayin?" Confident na tanong ni Lance.

"Kung oo, bakit handa ka bang mamatay ngayon?" Sa tinanong niyang iyon pareho kaming nagulat ni Leizy ngunit kay Lance para bang 'yon na ang inaasahan niya.

"Oo, para makasama ko na ang taong mahal ko." Sa sinabing iyon ni Lance, napatingin ako sa kanya, nakangiti siya kay Henna.

Isang ngiti na ngayon ko na lang ulit nakita pagkatapos ng tatlong taon.

'Yan 'yung ngiti niya kapag kinukwento niya noon sa klase namin 'yung babaeng mahal niya na ngayon ay namatay na rin daw dahil sa mga kamay ng isang Nishikawa. Ngunit papano niya kaya nalaman na isang Nishikawa si Henna? Dahil sa pagkakaalam ko, kami-kami pa lang sa kwarto ang nakakaalam na isa rin siyang Nishikawa.

Napatingin ako kay Henna, masyado siyang mailap. Hindi ko mabasa kung ano bang iniisip niya. Dapat ba akong mag-ingat sa kanya?

Biglang tumahimik 'yung dalawa sa pagbabangayan kanina at ngayon nagpapalakasan lang sila sa bawat pagtitig sa isa't isa. Kung titingnan ko sila para bang gustong-gusto nilang kitilin ang buhay ng isa't isa.

"Alam niyo para kayong mga tanga." Si Leizy na binasag ang katahimikan na bumabalot sa silid na ito. "Malapit ng mag-alas tres, bakit hindi niyo pa derechohin kung ano bang pinunta natin dito?" Bigla naman akong nataranta at tumingin sa relong suot ko.

30 minutes na lang mag-aalas tres na. Hihintayin na lang namin kung may senyales ba sila.

May nilabas si Lance sa nakaipit na libro na kinuha niya kanina.

Ang death thread card o mas kilala sa tawag na red card.

Nakita ko naman ang reaksyon ni Henna nang makita niya iyon. Ito na ang unang beses na nakita ko kung papaano siya matakot sa mga mata niya. Alam niya na kaya ang ibig sabihin nito?

"Sa oras na makatanggap ka nito bukas, ibig sabihin papatayin ka nila." Tumawa si Lance saglit at nagpatuloy magsalita. "For sure makakatanggap ka nito, dahil transferee ka. Hindi nagtatagal ang mga transferee rito. Lahat sila pinapatay." Madiin at dere-derechong sabi ni Lance habang nakatingin lang kay Henna. Na parang sinasabi nito na ngayon pa lang ay mag-ingat na ito sa maaring mangyari sa kanya bukas o mamaya.

Ganoon lang din ang ginagawa ni Henna kay Lance, nakatingin lang din ito at ganoon lang din ang ginagawa ko kay Henna.

"Pero kung hindi ka man makatanggap nito bukas, kung iba ang makatanggap nito hindi ka pa rin ligtas. Ibig sabihin nun, UUMPISAHAN NA ULIT NILA ANG LARONG PINAUSO NILA TATLONG TAON NA ANG NAKAKARAAN." Dugtong ni Lance.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon