CHAPTER 48: PARTY (PART 2)

602 47 13
                                    

THIRD PERSON POV

Pormal ang party sa loob ng malaking ground ng Hellena. Walang upuan kaya naman nakatayo silang lahat. May kanya kanyang matataas na lamesa na pabilog ang nakakalat sa buong school ground na kung saan may nakapatong na mga bulaklak. Mga buffet table at mga waiter na naglalakad na may dala dalang mga baso na may lamang juice at ang iba naman ay mga pagkain. Hindi pa nag-uumpisa ang party dahil hinihintay pa nila ang Head Mistress pero patuloy na sa kasiyahan ang iilang estudyante dahil sa malakas na tugtog na naririnig nila sa buong paligid. Nakaharap mismo sa napakalaking entablado ang mga estudyante kung saan hinihintay nila ang Head Mistress. Katulad sa nagaganap na mga party nila noon ay malayo nga sila sa pinakasentro ng school ground kung saan naroroon ang fountain.

Ang mga freshmen, sophomore at junior ay panay na ang kain kahit hindi pa man nagsisimula ang party, tinanggal muna nila ang kanilang mga maskara para makakain. Ag ilan pa ay masayang nagsasayaw sa tunog na likha na mga naririnig nila sa paligid. Katulad sa mga seniors ay pare-pareho lang rin sila ng suot at kulay ng kanilang mga suot miski ang maskara na suot nila ay pare-pareho rin. Bawat isa rin sa kanila ay may mga kadate. Habang ang mga seniors naman ay hindi mapigilan na hindi kabahan. Sa mga nagdaang araw o sabihin natin na buhat ng nagpasukan na, sunod sunod ang patayan na naganap kaya hindi nila maitatanggi na baka sa mga oras nga na ito ay may mamatay na naman.

Ang APAT NA KILLERS naman kung saan kalat kalat sila ngayon kasama ang mga kadate nila ay puno ng kasiyahan ang mga mukha nila. Alam kasi nila na konting oras na lang ay magaganap na ang inaasam nila. Habang ang pinuno naman nila ay nakatayo lang sa gilid at pinagmamasdan lahat ng estudyante na nagkakasiyahan. Hindi nito maiwasang mapangisi ng malademonyo habang naiisip na niya ang karumaldumal na mangyayari mamaya.

Nagsipagtigil sa pagkain at pagsayawan ang ilang mga estudyante nang nagsimulang umakyat sa entablado ang Head Mistress kasama ang lahat ng guro. Ang malakas na tugtog kanina ay saglit na inihinto muna para sa anunsyo ng Head Mistress. May iilan ding mga lamesa na nasa entablado para sa mga guro. Katulad sa mga estudyante ay nakamaskara rin sila at kahit ang mga suot nila ay pareho ang kulay at desenyo, yun nga lang naiiba ang mga maskara na suot nila dahil mata lang ang natatakpan sa mga mukha nila. Dumerecho ang Head Mistress sa pinakasentro ng entablado habang ang mga guro ay nagsipagpuntahan sa kani-kanilang mga lamesa at tumayo lang doon. Inayos muna ng Head Mistress ang hawak na mikropono niya bago nagsalita.

"Magandang gabi Hellena's." Masayang bati niya kasabay ng pagngiti niya.

Sa likod ng pagngiti ng Head Mistress ay nagkukubli ang kaba at takot dahil alam niya sa sarili niya na may hindi magandang mangyayari mamaya pero ipinagsawalang bahala niya iyon. Basta ang iniisip niya lang ay magsaya at wag isipin ang mga negatibong bagay.

"Ito ang unang buwan natin sa taong ito. Lingid sa inyong kaalaman, ang mga seniors natin ay iilan na lang dahil ang iba ay nagsipagtransfer na sa ibang school, marahil ay hindi nila natiis ang pangungulila sa kanilang mga pamilya."

Sunod sunod ang mga naging bulungan ng ilang mga estudyante. Kung bakit daw sila nagtransfer at kung saan daw sila tinrasfer. Ang mga guro at ang mga seniors ay walang kibo o reaksyon man lang sa sinabi ng Head Mistress dahil alam nilang ganito talaga ang mangyayari, na pagtatakpan talaga ng Head Mistress ang nangyayaring patayan na nagaganap dito sa Hellena. Samantalang ang reaksyon ni Henna ay naiiba sa lahat.

"Pambihira! Wala naman pala talagang kwenta ang paaralan na ito." Naiinis na sabi niya sa sarili niya.

Napatingin sa kanya si Dwight na nakatayo sa tabi niya dahil sa naramdaman niyang pagkabugnot nito.

"May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Dwight. Nilingon siya ni Henna pero saglit lang iyon. Napatawa na lang si Dwight dahil alam niyang inirapan na naman siya ni Henna.

You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon