IRIS POV
Nagising ako sa tunog ng bell hudyat sa paggising namin sa umaga. Pagkaupo ko ay nakita ko nga na kagigising lang din ng mga kasamahan ko. Si Angel naman ay wala sa tabi ko marahil ay naliligo na siya. Naisipan ko na lang na tumayo at magtungo na sa kwarto namin para maligo na rin.
Pagkapasok ko sa kwarto namin ay wala pa ring Jansen akong nabungaran.
Nasan kaya yung babaeng yun?
Kesa mag-isip ako ng kung ano ano, maliligo na lang ako. Nandyan lang naman siguro yun sa tabi tabi.
Magkakasama na kami nila Angel, Devi, Leizy at Miyuki si Jansen ay hindi pa rin namin nakikita. Nandito kami sa elevator at maya maya lang ay lumabas na kami. Naglalakad na kami sa pasilyo papunta sa classroom namin.
"Ay sorry Miss." Napalingon ako nang marinig ko iyon.
Nakita ko si Leizy na inaakay akay na ni Miyuki. Base sa itsura ni Leizy malamang nabunggo siya ng lalakeng nagsorry sa kanya kanina. Ang nakakapagtaka lang ang bilis bilis tumakbo nung lalakeng yun.
"Pasorry sorry pa halata namang sinadya." Pagmamaktol ni Miyuki. "Okay ka lang ba Leizy?" Tumango lang si Leizy kaya naman nagsimula na ulit kaming maglakad.
Habang naglalakad kami ay nagtataka ako dahil, nakasunod sa amin ang mga mata ng lahat ng estudyante.
Oo alam kong maganda kaming lahat pero nakakapagtaka dahil tinitingnan nila kami na parang takot na takot sila na para bang may multo sa katabi namin. Nagbubulungan pa sila, hindi ko naman naririnig dahil bulong nga kaya mahina.
"Anong tinitingin tingin mo?" Naasar na ako kaya naman sinigawan ko na yung babaeng class E, nasa tapat na kami ng classroom ng class E at sa katabing room naman ay ang classroom naman namin.
Hindi sumagot yung babae sakin kundi takot na takot siya na lumingon sa likuran ko at biglang yumuko sabay nagmadaling pumasok sa kanilang classroom.
"Parang tanga bwisit!" Asar ko at sinundan ko pa nang tingin.
"Bakit tinitingnan ka nila Leizy?" Napatingin ako kay Devi nang sabihin niya iyon.
Tiningnan ko naman ang nga estudyante na nakapalibot samin at oo nakatingin sila dito samin---pero hindi naman sakin. Lumingon ako sa mga kasama ko at teka---
Si Leizy nga ang tinitingnan nila.
"Kanina pa sila nakatingin sayo Leizy." Sabi pa ni Angel. Nagtaka rin ako kung bakit.
"Hoy ano bang problema niyo?" Sigaw ko sa mga usisera at usisero at nakuha ko pang mamewang sa sobrang inis.
Lalo pa akong nainis dahil natatanaw ko sila Althea na papalapit dito samin. Nakataas lang ang kilay niya at nakangisi sakin. Parang tanga. Ang aga aga sinisira niya agad ang mood ko. Sinundan ko siya ng tingin habang nakataas ang isang kilay ko, papasok siya sa classroom namin.
"Ewan ko sa kanila. Hayaan niyo sila tara na." Naasar na rin na sabi ni Leizy kaya naman siya na ang naunang naglakad samin papasok sa classroom namin. Pagkalagpas pa lang niya samin ay napahinto agad ako maglakad.
"Leizy!" Sabay sabay na sabi pa namin nila Angel, Devi at Miyuki kaya naman nagtitigan pa kami.
Huminto maglakad si Leizy at humarap siya samin. Naroon na siya sa tapat ng pintuan ng classroom namin. Humarap siya samin na salubong ang dalawang kilay niya. Hinihintay ko na magsalita yung tatlong kasama ko pero wala naman nagsalita sa kanila kaya tumaas ang isang kilay ni Leizy dahil siguro sa pagkakairita dahil tinawag namin siya pero hindi naman kami nagsasalita kung bakit namin siya tinawag bigla.
BINABASA MO ANG
You're Next To Die: The Demons [COMPLETED✅]
Misteri / ThrillerHellena High School. Isang eskwelahan na saklaw ng tagong gobyerno na kung saan ipinapatapon ang mga estudyanteng kriminal. Pagpatay ay legal. Lugar ito para sa mga walang pusong estudyante. Wala silang mga puso kaya puso ng iba ang kinukuha nila. M...